CHAPTER XXI (BECKY's POV)

4.2K 179 8
                                    

Sinimulan na nya ang intro ng kakantahin nya..

"This song is for you my love.." sabi nya bago sya magsimula.

I want you to know
I love you the most
I'll always be there right by your side
'Cause baby, you're always in my mind
Just give me your forever (give me your forever)
I want you to know

That you'll be the one
And I'll be the guy who'll be on his knees
To say I love you
And I need you
And say I'd die for you (just give me your forever)


Hindi pa man din natatapos yung kanta ay umalis na si Fon at pumunta na sa kwarto nya.

Hindi na sya nagpaalam dahil busy ang lahat sa pagdama ng kanta.

Tanging ako lang ang nakakita sa pag alis nya.

Bakit sya umalis? Anong dahilan? Parang may something..


"Do you like it?" Tanong nya sakin..

Tumango naman ako habang nakangiti sa kanya.

Kumanta sya ulit.. request naman ni Yuki.. Themesong daw nila ni Tee.

Sasayaw daw sila ni Tee ng Romantic kaya nag request sya. 


… Can I call you baby?
Can you be my friend?
Can you be my lover up until the very end?
Let me show you love, oh, I don't pretend
Stick by my side even when the world is givin' in, yeah

… Oh, oh, oh, don't
Don't you worry
I'll be there, whenever you want me

… I need somebody who can love me at my worst
No, I'm not perfect, but I hope you see my worth
'Cause it's only you, nobody new, I put you first
And for you, girl, I swear I'll do the worst



Habang kumakanta ay sumasayaw ang dalawang couple.. Si Jim at ang jowa nya.. si Tee at si Yuki.

Masaya ang bonding ng lahat.. hindi rin nila napansin na hindi na namin kasama si Fon.

Umakyat ako para kumuha sana ng jacket dahil nilalamig ako, pagdaan ko sa kwarto ni Fon ay napansin kong nakabukas ang pinto nito. Huminto ako at nakita ko si fon na umiiyak.

"Fon.." mahinang tawag ko sa kanya.

Agad syang nagpahid ng luha para itago sakin lahat.

"What are you doing here?" Tanong nya sakin.

Pumasok ako at kinausap ko sya.

"I saw you crying before you go upstairs." Sabi ko sa kanya.

"Please leave me alone.." hiling nya sakin.

"Si freen ba?" Tanong ko sa kanya habang pinipigilan kong maiyak.

Hindi sya sumagot..

"Umalis kana!!" Sigaw nya sakin.

"Bakit hindi mo sagutin yung tanong ko? Si freen ba?" Tanong ko ulit.

Tumayo sya at tinulak ako palabas.

"Umalis kana please.." pakiusap nya habang tumutulo ang luha.

Alam ko na.. kahit hindi nya sabihin..

"So si freen nga.." sabi ko

"Oo! Si freen yung tinutukoy ko! Bakit ba gustong gusto mong malaman?!" Sigaw nya sakin.

Nashock ako.

Alam kong si freen ang tinutukoy nya pero iba pala ang feeling kapag sa kanya mismo nanggaling.

"Kaya nga hindi ko inaamin eh. Kasi ayokong masira yung friendship namin at ayokong makasira ng relasyon!" Sabi nya sabay lakad palayo sakin.

Umupo sya sa kama nya at dun humagulgol.

Anong gagawin ko? Dapat ko ba syang icomfort dahil hindi sya mahal ng girlfriend ko?? What the hell!

"Please.. leave me alone. " Sabi nya.

Hindi ko alam kung dapat ko ba syang icomfort o dapat akong magalit dahil sa nararamdaman nya para kay freen. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Kaya lumabas nalang ako ng kwarto nya.

Pumasok ako sa kwarto namin ni freen para kumuha ng jacket pero hindi na ako bumalik sa ibaba.

Bigla akong nawala sa mood dahil sa nalaman ko.

Maya maya ay pumasok na si Freen sa kwarto.

"Nandito ka lang pala, hinihintay ka namin sa baba kanina.." sabi nya sakin.

Hindi ko sya sinagot dahil malalim ang iniisip ko.

"Love??" Tawag nya sakin...

Lumingon ako at ngumiti para hindi sya magtaka..

"Magseselos na ko nyan.. nandito ako sa tabi mo pero iba yung nasa isip mo.." biro nya sakin sabay halik..

Nilabanan ko ang halik nya pero hindi parin mawala sa isip ko yung nalaman ko.

Dahan dahan nya akong hiniga sa kama habang hinahalikan nya ang leeg ko pero agad ko syang inawat..

Hindi talaga mawala sa isip ko yung sinabi ni fon.

"Love.. I cant" sabi ko sa kanya na agad namang nagpatigil sa kanya.

"Why?" Tanong nya.

"Monthly period.." cold na sagot ko.

Natawa sya sa sagot ko at hinalikan ako sa noo.

"Edi half.." nakangiting sabi nya sabay halik sa leeg ko. Agad akong umiwas sa halik nya.

"Love please.. im not in a mood right now.." sagot ko sa kanya.

"Sungit naman ng lovelove ko.." sabi nya sabay halik sa noo ko.

"Lets sleep.." sabi nya sabay higa..

Nahiga kaming dalawa ng magkayakap at di nagtagal ay nakatulog na sya.

Ako nalang ang hindi makatulog. Iniisip kopa rin yung sinabi ni Fon.

Ngayon alam ko na, paniguradong may magiging pagbabago sa sitwasyon namin ni Fon.

Pano kapag nalaman ni Freen? Natatakot ako.. hindi ko alam kung bakit..




Kinabukasan

Pag gising ko, wala na si freen sa tabi ko. Kaya naman bumaba ako para hanapin sya.

Nakita ko syang nagluluto kasama sila jim. Kaya naman lumapit ako. Halos lahat ay nandoon maliban kay fon.

"Si fon?" Tanong ko.

"Umuwi na sya kagabi, emergency daw." Sabi ni freen habang nag aayos ng pagkain sa mesa. Huminto sya sa harap ko at tumingin sakin.

"Bat mo sya hinahanap?" Tanong nya.

"Kasi sya lang yung wala dito.." sagot ko para di gaanong halata.

Gusto kong sabihin ang nalaman ko pero wala akong karapatan.. kaya nanatili akong tahimik..

"Did she tell you something?" Tanong ko.

"Wala naman. Sabi nya may emergency daw sya kaya nagpasundo sa driver nya." Sagot ni Freen sakin.

So ibig sabihin hindi nya sinabi..

Bakit nga ba nya sasabihin? What for? Freen is mine now..

Hindi nya pwedeng sabihin ang ganung bagay sa isang taong may jowa na, unless may balak syang manira ng relasyon.

Somehow, I felt guilt. Dahil sakin, nasasaktan si Fon. Pero anong magagawa ko? Hindi ko naman kayang burahin yung feelings nya para kay freen.

Haaaaay... Tell me what to do..




Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now