CHAPTER XXV (FON's POV)

4K 173 16
                                    

Nag set ako ng day off today.
Pakiramdam ko kasi kulang na kulang ako sa oras para sa sarili ko. Besides hindi rin ako makapag focus sa work.

Haaaay! Meron pa bang mas nakakaawa sa kalagayan ko?

Walang pahinga,
Walang jowa,
Walang tulog,
Walang nagmamahal.

Its already 1pm. Tapos na rin akong kumain ng lunch.

Kumuha ako ng beer sa ref at nanood ako ng movie.

Nakatatlong bote na ako pero hindi pa ako nakakaramdam ng kahit konting pagkahilo.

Am I that strong??

Habang nakaupo ako sa sofa at umiinom, biglang bumukas ang pinto.

Si Freen.. pagbukas nya ng pinto ay ako agad ang bumungad sa kanya.

Nakasimangot sya habang papalapit sakin.

"Bat ka nandito?" Tanong ko sabay higop ng alak.

"Ikaw bat ka nandito? Pumunta ako sa office mo, wala ka don tapos madadatnan kitanv naglalasing dito." Pinagagalitan nya ako. Ganyan sya palagi. Dapat tama palagi ang ginagawa ko. Dapat matured. Kaya nga gustong gusto ko sya eh. The way na alagaan nya ako, ang sarap sa pakiramdam. Ramdam kong mahal nya ako, pero hindi sa paraan na gusto ko.

"Bahay ko to." Sagot ko.

"Pilosopo!" Inis na sabi nya sabay kuha sa tinutungga kong beer.

"Bat ka naglalasing?" Tanong nya na bakas sa boses ang inis.

"Bat ka nakikielam?" Sigaw ko.

Alam kong naiinis na sya pero pinipilit nyang magtimpi.

"Bat dimo sinasagot yung tawag ko?" Tanong nya.

"Bat ka ba kasi tumatawag?" Tanong ko.

Halos lahat ng tanong nya ay sinasagot ko ng patanong din.

"Bat hindi ka pumasok?" Tanong nya.

"Masama bang mag rest day?" Tanong ko naman.

"Hindi, pero masama na hindi ka pumasok para lang mag inom" sabi nya na bakas na sa mukha ang pagkainis.

Kinuha ko ang beer at inagaw nya ito kaagad sakin.

"Ano bang problema mo?" Sigaw nya. Alam kong galit na sya.

"Yung may problema lang ba ang pwedeng uminom?!" Sigaw ko.

"Hindi mo sinasagot yung tawag ko, hindi ka nag rereply sa mga texts ko.." sabi nya.

"Should I?" Tanong ko.

"Wala ba talaga akong makukuhang matinong sagot mula sayo?" Tanong nya.

"Wala ka bang magawang matino? Umalis kana lang" sabi ko sa kanya at kinuha ko ulit ang bote sa kamay nya.

"Galit ka ba sakin?" Tanong nya

"Dapat ba?" Tanong ko.

"Nang iinis kaba?" Tanong nya

"Naiinis ka ba?" Tanong ko

Alam kong inis na inis na sya pero hindi nya ako pinapatulan. Ganyan kahaba ang pasensya nya.

Tinabihan nya ako sa sofa.

"Dont tell me nagkakaganyan ka dahil dun sa taong mahal mo?" Sabi nya.

Hindi ko pinansin yung sinabi nya. Patuloy lang ako sa pag inom kaya inagaw nya ang boteng hawak ko.

"Hindi ka mahal non!" Sigaw nya sakin.

"Oo alam ko!" Sigaw ko sa kanya sabay agaw sa beer na hawak nya.

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now