CHAPTER LXXV (BECKY's POV)

3.2K 154 16
                                    

Saturday Rest Day!

Isang buwan ang nakalipas, dito parin nakatira si aling marie sa bahay ni freen. Pinagsisilbihan nya si freen, maging ang mga kaibigan namin.

Nag uusap kami ni aling marie habang naghahanda ng almusal.


"Sigurado ka ba anak na magugustuhan ni freen itong mga niluto ko?" Tanong nya sakin habang nakatingin sa mga pagkain.

"Shempre naman po aling marie, mga paborito po yan ni Freen." Nakangiting sagot ko.

"Nanay nalang ang itawag mo sakin." Nakangiting sabi nya.

"Sure po kayo?" Tanong ko habang nakangiti. Shempre natutuwa ako kasi gusto nyang tawagin ko syang nanay. Saka nanay parin sya ni freen. Mahalaga sakin na anak ang turing sakin ng parehong nanay ni freen.

"Oo naman.." nakangiting sagot nya sakin.

"Sige po nay.." nakangiting sabi ko sa kanya nang biglang dumating si freen mula sa kwarto.

"Love. Good morning..." nakangiting bati ko sa kanya sabay yakap at halik sa labi nya.

"May fiesta ba?" Tanong ni freen nang makita ang pagkain sa mesa.

"Niluto yan ni nanay, favorite mo yan.." nakangiting sabi ko. Nakita ko ang transition ng mukha ni freen ng marinig nya ang salitang nanay sa bibig ko.. Ang kaninang nakangiti ay nakasimangot na ngayon.

"Nanay??" Inis na ulit nya.

"Ah. Sabi kasi nya tawagin kona lang syang nanay.. Sweet diba?" Nakangiting sabi ko sa kanya. Nag walk out sya ng hindi nagsasalita kaya naman sinundan ko sya kaagad..




Pag akyat ko sa kwarto ay sinalubong nya ako ng matalim na tingin. Nakakatakot. Nasasaktan ako sa tingin nya. Para akong sinasaksak.

"So ngayon close na kayo?!" Sigaw nya sakin.

"Anong masama don? Nanay mo sya.." mahinahong sagot ko.

"Hindi ko sya nanay! Ilang beses ko bang dapat ulitin yan sayo?!" Sigaw nya sakin. Sinubukan ko syang pakalmahin. Hinawakan ko ang kamay nya pero inalis nya agad ito.

"Yan kana naman.. sinisigawan mo na naman ako.." mahinahong sabi ko sa kanya.

"Paulit ulit ka! Hindi mo ako naiintindihan!" Sigaw nya sakin.

"Naiintindihan kita.. okay?" Sabi ko sa kanya.

"Hindi mo ko naiintindihan! Kasi kung naiintindihan mo ko, hindi ka dapat paulit ulit!" Sigaw nya sakin. Bakit ba galit na galit sya? Dahil lang sa tinawag kong nanay si aling marie?

"Buti pa si fon naiintindihan ako eh, sarili kong girlfriend hindi.." inis na sabi nya sakin..

Ouch.. mas naaappreciate pa nya ang ibang tao kesa sakin. Hindi ko napigilan ang maluha.. Bakit? Ginagawa ko to para sa kanya, pero hindi nya man lang naaappreciate?

"Sorry ha.. hindi kasi ako yung tipo ng tao na itotolerate ka kapag may ginagawa kang mali.. She's still your mother.. at ginagawa nya lahat para makabawi sayo, para mapatawad mo sya.. masama bang tulungan ko syang mapalapit sa sarili nyang anak? Well, im sorry kung hindi ako si Fon.." Umiiyak na sabi ko sa kanya kaya agad syang lumapit sakin para punasan ang luha ko pero agad kong iniwas ang mukha ko sa kanya.

"Kapag nagagalit ka, sinisigawan mo ko.. Iniintindi ko yun kasi alam kong hindi mo naman gustong sigawan ako, alam kong nadadala ka lang sa nararamdaman mo.. pero freen, hindi porket naiintindihan kita eh hindi na ako nasasaktan.. Kasi nasasaktan ako sa twing sinisigawan moko na para bang hindi mo ko mahal.." umiiyak na sabi ko. Hindi ko na napigilan ang umiyak ng todo dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Im sorry.. I didnt mean to hurt you.." sabi nya sakin sabay yakap.. pero agad kong inalis yung pagkaka yakap nya sakin. Kinuha ko yung maleta at binuksan ko ang cabinet para kuhanin lahat ng damit ko.

"What are you doing?" Tanong nya sakin.

"Im going home.." sagot ko sa kanya habang kinukuha ko isa isa ang damit ko mula sa cabinet.

"You're not going home.." awat nya sakin habang nakahawak sa braso ko pero agad kong inalis yun.

"You cant stop me.." sabi ko sa kanya. Wala na syang sinabi kaya patuloy ako sa paglalabay ng damit.. Lahat ng nilalagay kong damit sa maleta ay inaalis nya.

"What are you doing?" Inis na tanong ko.

"I said you're not going home.. You're my wife. You should be here with me." Sabi nya sakin kaya agad akong napatigil sa pagkuha ng damit. Biglang nawala ang inis ko sa kanya.


Ano ba Rebecca?? Napaka rupok mo!!! Bakit ba ang bilis bilis mawala ng inis ko kapag ganyan sya mag salita? Alam na alam nya kung pano ako pakalmahin. Alam na alam nya kung pano nya ako makukuha sa mga salita.


Hindi ako nagsalita kaya niyakap nya ako kaagad..

"Im sorry.. Please don't go.  Hindi ako makakatulog kapag di kita katabi.." malungkot na sabi nya habang nakayakap sya sakin.

Eto na!! Yung inis na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng kilig. Real quick diba? Ganyan ako karupok. Ganyan ko sya kamahal.

"my nights will be filled with sadness when you are not by my side." Sabi pa nya kaya naman bumigay na ako.

"Fine. But promise me na hindi mo na ako sisigawan ulit. At hindi ka na titingin ng matalim sakin katulad ng tingin mo kanina." Sabi ko sa kanya at agad naman syang sumang ayon.

"Promise.. I wont do it." Sabi nya sakin.

"Lets eat.. sayang yung pagkain.. paborito mo pa naman lahat ng yun." Sabi ko sa kanya.

"Hindi ko paborito yung mga yun." Sabi nya sabay nguso na parang bata..

"Huh? Sabi mo favorite mo yun.." sabi ko sa kanya.

"Sinabi ko lang yun kasi yun lang ang kaya mong lutuin.." sabi nya sakin.

Ang cute nya. Hahaha really? Sinabi nya na favorite nya yun kasi yun lang ang kaya kong lutuin? Insulto ba yun? Bakit nakakakilig?

"Kung hindi mo luto, hindi ko favorite yun. Ayoko kaya ng lasa non, matamis na maasim.. nakakasuka.." Sabi nya sakin.

Really? Nasusuka sya sa lasa non? Pero nagawa nyang kainin ng paulit ulit?

"Bakit mo kinakain? Nakakasuka pala.." sabi ko sa kanya.

"Yun lang ang kaya mong lutuin eh. What should I do? Eat or not?" Sabi nya sakin.

"Fine. Lets eat. Whether you like it or not. Niluto yun ng nanay mo, dapat nating kainin yun. Nag effort sya para maipagluto ka ng mga paborito mo.." sabi ko sa kanya kaya naman bumaba na kami kaagad para kumain.

At totoo ngang hindi nya paborito yung dalawang ulam na sinabi kong paborito nya. Hindi nya tinikman kahit isang kutsara lang. Hotdog lang ang inulam nya.


Kumakain kami nang biglang may nag door bell..
Bubuksan kona sana ang pinto pero agad na tumayo si aling marie para buksan ang pinto.

"Ako na.." sabi nya sabay lakad papunta sa pinto.

Sino kaya yun?? May ineexpect bang bisita si freen ngayon??

.
.
.
.

.
.
.
.
.
(Stay tuned. Please leave a comment..)

Secret Admirer (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon