CHAPTER LXV (BECKY's POV)

3.2K 148 9
                                    

Sabay na dumating sa office si Freen at Lisa.
Pagdating nila ay dumiretso na sila sa office..

Well, alam ko naman kung saan sila nagpunta.. nagsabi naman si freen kaya hindi naman ako nagulat na magkasama sila.

Alam kong masakit sa part ni Freen na hindi man lang sya nabigyan ng pagkakataon na makilala ang kapatid nya. Kung ako yung nasa sitwasyon nya, sigurado akong masasaktan din ako at magagalit.

Pero shempre ayoko naman na mabuhay sya sa galit. Kaya hanggat maaari ay pinapayuhan ko sya. Yun nga lang, minsan pinag aawayan namin yun dahil akala nya ay hindi ko sya naiintindihan.



Maya-maya ay umalis na si Lisa.. Hindi kasi sya nagi-stay ng matagal sa office.. Halfday lang sya palagi dahil bukod sa isang business woman sya, isa rin syang artista.

Pagkalabas nya sa office ay ako naman ang pumasok. Nadatnan ko si freen na tinitignan ang picture ng kanyang ina habang nakasimangot.

Kita ko sa mukha nya ang pangungulila na may halong galit..

Umupo ako sa harap nya habang pinapanood ko syang titigan ang picture ng kanyang ina.
Hindi ako nagsalita.. alam ko kasi na ikagagalit nya lang kapag inakala nyang mas pabor ako sa mama nya.

"Nagpunta ako sa bahay nya. Nakita ko yung puno kung saan nya ako ginagapos habang pinapalo ng walis tambo..  Sariwa parin sa isip ko lahat na para bang kahapon lang nangyari.." sabi nya habang nakatitig parin sa litrato ng kanyang ina.

"What happened? Nagkita ba kayo? Nagkausap ba kayo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko sya nakita.. at ayokong makita sya.." sagot nya sakin.

Ang gulo ng babaeng to. Ayaw nyang makita yung nanay nya pero pinuntahan naman nya yung bahay kung saan nakatira yung nanay nya.





After work, dun kami umuwi sa bahay ng parents nya. Matagal rin kasi kaming hindi nakakauwi.

Pagdating namin sa bahay nila ay sinalubong kami ng dadi nya, pero ang mami nya na mas close sa kanya ay biglang naging cold..

Bakit kaya?

Nang nagmano ako kay mami ay pinahintulutan nya ako. Pero nang si Freen na ang humawak sa kamay ni mami ay bigla itong lumayo at nagkunwariang may kukuhanin..

Parang alam kona kung bakit. Alam na kaya ni mami na hinanap ni Freen ang nanay nya?

Maya-maya ay niyakap ni Freen si mami at hindi na ito nagpumiglas.. "I love you mami.. You're the best mother in the world.." sabi ni freen habang nakayakap sya kay mami.. Hindi kumibo si mami pero tumulo ang luha nya at agad nyang pinunasan ito dahil ayaw nyang makita sya ni Freen na umiiyak..

Iniharap ni freen si mami sa kanya..

"Why are you crying?" Tanong ni Freen sabay punas sa luha ni mami.

"Alam ko naman na hahanapin mo parin ang tunay mong ina kahit na alam mong nandito naman ako palagi para sayo." Umiiyak na sabi ni mami kay freen.

"So kaya ka umiiyak kasi akala mo hinahanap ko yung tunay kong ina?" Nakangiting sabi ni Freen kay mami.

"Hindi ka dapat nagseselos sa kahit na sino.. Ikaw lang ang totoo kong nanay.. walang iba.." sabi ni Freen.

"Eh bakit mo pa sya hinahanap?" Tanong ni mami kay freen.

"Hindi ko sya hinanap.. Nalaman ko lang na may kapatid ako kaya hinanap ko yung magulang nya, para malaman ko kung magkapatid talaga kami.." sagot ni Freen at sabay silang naupo sa tabi ko.

"Wala akong balak na hanapin yung taong nang iwan sakin. Dahil masaya na ako sa inyo.." nakangiting sabi ni Freen..

"Hindi ko kayo ipagpapalit bilang ina, dahil sa inyo ko naramdaman ang totoong pagmamahal ng isang pamilya." Sabi nya pa kay mami sabay yakap dito.

"Masaya ako na marinig yan mismo sayo.." nakangiting sabi ni mami kay Freen

"Hindi naman kita ipagdadamot sa kanya.. ang gusto ko lang, wag mo akong iwan.." sbai ni mami sa kanya.

Nakakatuwa dahil ramdam kong mahal nya si Freen..

"Hindi kita iiwan mami, mahal kita.. Mahal na mahal ko kayo ni Daddy.." sabi ni Freen..

Totoo nga na kapag mahal mo ang isang tao, hindi ka magiging selfish.. Hindi mo sya ipagdadamot sa mga tao na gusto rin syang mahalin..




Pag akyat namin sa kwarto ni Freen ay nag usap kami..

"Okay naman pala kay mami eh.. Walang dahilan para hindi mo puntahan ang totoo mong ina.." sabi ko sa kanya.

Tumingin lang sya sakin ng masama..

"Yan kana naman.. tinitignan mona naman ako na parang hindi moko mahal.." sabi ko sa kanya sabay yakap..

"Wag mona kasing ipilit ang mga ganitong bagay.. Magalit man si mami o hindi, wala akong balak na kilalanin sya bilang ina.. Kaya ko sya pinuntahan kahapon, gusto kong makita kung gaano sya kamiserable ngayon." Sabi nya sakin na bakas sa mukha ang galit sa ina..

Hindi na ako nagsalita dahil magkaiba ang pananaw namin. Hindi kami nagkakasundo..

Ang dating freen na akala ko ay hindi marunong magalit, puno pala ng galit ang puso..

Hinalikan ko sya sa pisngi habang nakayakap ako mula sa likod nya.

"I love you.." sabi ko sabay halik sa pisngi nya. Tinadtad ko sya ng halik sa pisngi at unti unti syang humaharap sakin habang hinahalikan ko ang pisngi nya. Ang huling halik ko ay tumama na sa labi nya.. Kaya naman agad nya akong hinalikan hanggang sa mapahiga ako sa kama..

Ako naman ang tinadtad nya ng halik sa labi..

"I love you.." sabi nya nang saglit na magwalay ang mga labi namin..

"Mas love kita.." sabi ko sabay belat sa kanya.

Nang makita nya akong mag belat ay agad nyang sinunggaban ang labi ko.. Hinuhuli nya yung dila ko pero hindi nya ito nahuli.. Kaya naman ngumiti ako. Pagkatapos non ay hinalikan nya ulit ako.

"Im sorry kung nagiging mainit ang ulo ko sa twing pinipilit mo yung side mo tungkol sa nanay ko.. Alam mo naman kung ano ang pinagdaanan ko sa kanya.. Hindi madali para sakin na mapatawad sya.. Lalo ngayon na nagkaroon pa ako ng isa pang dahilan para kamuhian sya.." sabi nya sakin.

Naiintindihan ko naman sya. Kahit ako ay magagalit rin sa ginawa ng nanay nya. Pero iniisip ko lang naman na kahit baligtarin nya ang mundo, totoong nanay nya pa rin yun. At ayokong maging masamang anak sya dahil lang sa naging masama yung nanay nya sa kanya.

"Naiintindihan ko.. Ayoko lang naman na maging masamang anak ka dahil lang sa naging masama ang magulang mo sayo.." sabi ko nang may paglalambing..

"Shempre, magiging magulang ka rin.. magkakaanak rin tayo.. Ayoko naman makita ng mga magiging anak natin na ganyan ka sa nanay mo.." sabi ko pa sa kanya.

"At sino namang nagsabi na makikilala ng mga magiging anak natin ang babaeng yon? Si mami ang magiging totoong lola nila.. Tapos tatawagin nilang mamita si mami.." nakangiting sabi nya sakin.

Medyo natuwa ako sa sinabi nya kasi nakita kong nagvivisualize sya ng future naming dalawa.. Ang sarap sa pakiramdam na may plano sya sa future naming dalawa..



.
.
.

(The end is Near..)


Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now