CHAPTER LXXX (BECKY's POV)

3.3K 188 17
                                    

Kinabukasan ay pareho kaming hindi pumasok sa office. Hindi pa kasi maayos ang pakiramdam nya at ayoko naman na mag isip at mag alala habang nasa work ako kaya pinili kong wag pumasok.

Nagluto ako ng masarap na almusal at sabaw para kay freen para pagpawisan sya. Nang mag hahanda na ako ng pagkain para kay freen ay nagulat ako dahil nakita ko si freen na nakaupo na at naghihintay ng makakain.

"Oh love, bat ka pa bumaba? Dadalhan na sana kita ng pagkain sa taas.." sabi ko sa kanya sabay check sa temperature nya.

"Hindi ka na mainit, okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo kasi nandito ka eh.." sabi nya sakin sabay hawak sa kamay ko at nilagay nya sa pisngi nya kaya naman agad akong napangiti.. Pano ba naman ako hindi mahuhulog sa taong to? Hanggat may pagkakataon, pangingitiin nya ako.. im so lucky and blessed to have her in my life..

"Can I kiss you?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Not yet, ayokong mahawa ka sakin.." sabi nya sakin.

"But I miss your lips.." nakangiti kong sabi sa kanya.

"I miss yours too, but we need to control ourselves for safety." Sabi nya sakin sabay tingin sa mga pagkain na nasa mesa..

"Fine.. Basta kapag okay ka na, hindi na ako tatanggap ng No from you.." nakangiti kong sabi sa kanya saka ko sya sinandukan ng makakain.

Nakita nyang nakangiti at nanunuod samin si nanay kaya inaya nya ito..

"Nay, kain na tayo.." sabi nya na ikinagulat namin pareho.. Napatingin ako kay freen habang nakanganga dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

Tinawag nyang nay si aling marie??? Is it true??

"Wait, what?? Tama ba yung narinig ko? Tinawag mong nay si aling marie?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Pag tingin ko kay aling marie ay abot tenga ang ngiti nito.

"Why? Bawal ba? Ikaw lang pwede?" Seryosong tanong nya sakin kaya natawa ako. Agad namang tumakbo si aling marie patungo kay freen at niyakap nya ito.

Totoo nga to. Nakangiti si freen habang nakayakap sa kanya si aling marie. At ganun rin naman si aling marie, nakangiti sya habang nakayakap sa kanya si freen.

Ang sarap sa pakiramdam na finally okay na silang dalawa.  Ang sarap nilang panoorin. Masaya ako para sa kanilang dalawa.

"Oh tatayo kana lang ba dyan? Come and join us.. lets hug each other.." sabi ni freen sakin. Kaya naman naki join na ako sa yakapan.

"Salamat anak.. ngayon pwede na akong kunin ni Lord anytime.. kasi alam kong hindi kana galit sakin.." sabi nya habang umiiyak sa tuwa..

"Kakapatawad ko lang sayo, iiwan mona ko agad?" Tanong ni Freen.

"Can we just not talk about it? Masaya tayo ngayon diba?" Sabi ko para naman hindi pangit ang mapag usapan.

Ang sarap sa pakiramdam na wala ng mag kaaway sa bahay na to. Finally, may pagkakataon na para makabawi sila sa isat isa.



Pagkatapos naming kumain ay naupo kami sa sofa at nag kuwentuhan..

Habang nag kukwento si nanay ay panay naman ang halik at amoy ni freen sa leeg ko.

"Love.." awat ko sa kanya dahil hindi ako makapag focus sa pakikinig kay nanay dahil nakikiliti ako sa ginagawa nya.

"What? Bawal kang amuyin?" Tanong nya sakin.

"Nakikiliti ako.." nakangiting sabi ko sa kanya dahil parang nagtatampo na agad sya.

"Wala akong pake.." nakangiting sabi nya at patuloy parin sa pag halik at pag amoy sa leeg ko habang nakayakap sakin.

"Nakakahiya kay nanay, nakikita nya kung gaano ka kabaliw sakin.." nakangiting sabi ko sa kanya.

"I don't care.. kahit buong mundo pa ang makakita na baliw na baliw ako sayo, wala akong pakielam.." nakangiting sabi nya sakin habang nakatingin sa mga mata ko. Kaya naman hinalikan ko sya sa labi.. smack lang naman yon. Nakalimutan ko atang nasa harap kami ng nanay nya.

"Ehem.." reaksyon ni nanay dahil nakita nyang nag lalambingan kami sa harap nya.

"By the way nay, we're getting married.. whether you like it or not.." nakangiting sabi nya kay nanay..

"Love.." reaksyon ko. Pano ba naman, okay na sana yung sinabi nya na we're getting married.. bat kailangan pang sabihin na whether you like it or not. Baliw talaga.

"Why?? Im just telling her that we're getting married.." sabi nya sakin.

"Wala naman akong balak hadlangan ang kaligayahan ng anak ko... Masaya ako para sa inyong dalawa.." nakangiting sabi ni nanay.

"See?? Walang makakahadlang sa pagmamahal ko sayo.." nakangiting sabi nya sakin sabay halik sa labi ko..

Nagkakatuwaan kaming tatlo nang biglang may nag door bell.

Sino kaya yun?

Pagbukas ni nanay sa pinto ay unang pumasok si Tee na sinundan ni Fon, Jim, maddy at sky. May dala itong mga prutas. Siguro ay nalaman nilang may sakit si freen kaya sila dumalaw.

"Hey buddy? How are you?" Tanong ni Tee kay Freen.

"Im good." Sagot nya kay Tee.

"I told you, ang trabaho iniiwan sa opisina.. hindi inuuwi sa bahay.." sabi ni Fon sabay lapag ng mga prutas sa harap ni Freen.

"Yeah.. Masyado kang workoholic.." sabi ni Jim.

"Guys I have a good news.." nakangiting sabi ko sa kanila.

"Buntis ka?" Tanong ni Tee.

"Oh my God Tee what kind of question is that?" Umay na tanong ni Jim.

"No, no, no.. Im not.." nakangiting sagot ko kay Tee.

"Eh ano yung good news?" Tanong ni Sky.

"Okay na si freen at ang nanay nya.." nakangiting sagot ko kay Sky. Natuwa at nakangiti ang lahat.. maliban kay Tee..

"OMG.. Is that true?? Congrats.. Finally may puso kana ulit.." tumatawang sabi ni Fon.

"Tee, bakit hindi ka ngumingiti? Hindi ka ba masaya para sa kanila?" Tanong ni Fon. Pero hindi sumagot si Tee.

"Tee.. Yung totoong anak nga nagbigay ng pagkakataon, bakit hindi mo yun magawa?" Tanong ni Jim.

"Tee.. Lahat ng tao nakakagawa ng maling desisyon. Even you, marami kang maling desisyon sa buhay. Pero hindi mo naman hinayaan ang sarili mo na ma-stuck sa pagkakamaling nagawa mo diba? Inayos mo yung sarili mo.. Gumawa ka ng paraan para magtiwala ulit ang mga tao sayo. Binigyan ka ng pagkakataon para mag bagong buhay.. Kaya yun din yung gusto kong ibigay sa nanay ko.. Yung bigyan sya ng pagkakataon na makabawi at makasama ako.." sabi ni Freen kay Tee kaya naman niyakap sya nito.

"Ako nga na maraming pagkakamali sa buhay, nagkaroon ng pagkakataon para ituwid ang mga pagkakamali eh. Bakit ko naman ipagkakait yun sa isang taong humihingi ng pagkakataon?" Nakangiting sabi ni Tee sabay tingin kay nanay.


"Oh baka maiyak pa kayo dyan.." pang aasar ni Jim.

"Nay, sorry po nung nakaraan.. Alam kong medyo naging bastos ako sa inyo.." sabi ni Tee kay nanay.

"Anong medyo? Naging bastos ka talaga.." sabi ni Fon.

"Okay lang, naiintindihan ko naman. Ang mahalaga ay okay na tayong lahat ngayon." Nakangiting sabi ni nanay.. kaya naman nag group hug kaming lahat.

Isa sa pinaka mahalagang bagay sa mundo ay ang pagpapatawad. Malaki man o maliit ang nagawang kasalanan sa atin, dapat ay marunong tayong mag patawad. Dahil ang kasunod ng pagpapatawad ay isang pagkakataon..

Pagkakataon para makapag simula ulit..







(Stay tuned.. Please vote and comment..)

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now