CHAPTER LV (BECKY's POV)

3.5K 186 22
                                    

GRADUATION DAY.

So far, ito na ang pinakahinihintay kong unang regalo sa mga magulang ko.. DIPLOMA..

Ito na ang simula para ako naman ang tumupad ng pangarap nila. Tapos na ako sa unang hakbang papunta sa mga pangarap ko. Mas lalo kong pagsusumikapan ang bawat ginagawa ko para ako ay magtagumpay sa buhay.

Sa mismong graduation ko ay kasama ko ang mga taong mahalaga at malapit sa puso ko. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito, ramdam mong espesyal ka.. Ramdam mong proud sila sayo.

"What gift do you want?" Tanong sakin ni Freen.

"A life with you is enough.." nakangiti kong sagot sa kanya.

"But you already have me in your life.." nakangiting sabi ni Freen habang nakayakap kami sa isat isa sa loob ng paaralan. Hindi pa kasi nagsisimula ang ceremony.

"I want a hardcore tonight.." nakangiti kong biro sa kanya..

"Sssshhhh.." sabi nya sabay lagay ng hintuturo nyang daliri sa labi ko.

"Baka marinig ka nila mama" sabi nya sabay tingin kila mama na busy sa pakikipag usap sa magulang ng iba kong kaklase.



"Woy bec, congrats!" Sigaw ni Jim na napapalundag pa sa tuwa.

"Thank you.. What are you doing here?" Tanong ko sa kanila.

"Ofcourse, we want to witness your first step of success!" Nakangiting sagot nya sakin.

"Congrats bec!" Nakangiting bati ni sky at Tee

"Congrats.." nakangiting sabi ni Fon sabay abot ng kamay, at nag handshake kami.

Alam kong hindi maganda yung naging simula namin, but I hope this is also a first step for me and fon.

Nakakatuwa naman. Pati mga kaibigan nya ay nandito para suportahan ako. Ang sarap sa pakiramdam dahil isang kaibigan na rin ang tingin nila sakin.

Pagkatapos ng seremonya ay nag usap na si Tee at Yuki. Ipinaliwanag ni Tee ang buong nangyari kay Yuki kaya naman agad na gumaan ang loob ni Yuki at tuluyan nang nakipag ayos kay Tee.

Kinagabihan ay nagkaroon kami ng celebration sa bahay. Nandito sina Sky, Fon, at Jim.

Habang ipinaghahanda ni mama ng pagkain sina Sky, fon at jim ay nag uusap naman si Papa at si Freen. Mukhang seryoso ang pinag uusapan nilang dalawa kaya tinulungan kona lang si mama sa paghahanda.

Maya-maya pa ay isang malakas na "congrats!" ang umagaw ng atensyon naming lahat.

Si mami at dadi. May dala silang dalawang bilao ng

Pero akala ko ba ay hindi sila makakapunta dahil pupunta sila ng Thailand kaninang umaga? Inaya kasi sila ni Freen sa harap ko, pero ang sabi nila ay di sila makakapunta dahil aalis nga sila.

"Mami." Nakangiti kong bungad sa kanila. Kinuha ni mama ang dala nya. Pagkatapos ay niyakap ako ni mami ng mahigpit.

"Congrats anak!" Nakangiting bati nya sakin.

"Mi, akala ko hindi kayo makakapunta?" Sabi ni Freen habang naglalakad palapit samin. Pagkalapit nya ay agad syang humalik sa mami nya at nagmano kay dadi.

"Ofcourse, it will not be a surprise anymore if I told you im going.." nakangiting sabi ni mami. How sweet. Totoong nasurprise ako dahil hindi ko talaga ineexpect na pupunta sila ngayon.

Sa sobrang tuwa, mangiyak ngiyak ako. Lumapit samin si mama..
"Masaya ako at nakapunta po kayo.." sabi ni mama sa mami ni Freen.

"Ofcourse.. Mahirap tanggihan ang invitation ng future balae ko.." sabi naman ng mami ni Freen kay mama. Kaya nagtawanan kaming lahat.

So magbalae na pala sila? Nakakatuwa yung pag look forward nila sa relasyon namin ni Freen. Ramdam na ramdam ko yung pagtanggap nila sa relasyon namin. Wala na akong mahihiling pa bukod don. Best Graduation gift na yun para sakin.

Pagkatapos namin kumain ay nagkwentuhan sila mami, dadi, mama at papa. Umuwi na rin si Jim, Fon, at Sky.

Well, wala si Tee dito dahil nandun sya kila Yuki. Okay na kasi sila.

"Lets have a vacation tomorrow.. as a graduation gift.." sabi ni Freen sakin habang nakaupo kami sa sofa at nakasandal ako sa kanya.

"But this time, not in my resort.." dagdag ni Freen sabay halik sa noo ko.

"Okay.." nakangiting sagot ko sa kanya..

Napakasayang mag celebrate ng tagumpay kasama yung mga taong kasama mo habang pinaghihirapan mong pagtagumpayan ang isang bagay.


Kinabukasan ay dumiretso na kami sa resort na pagbabakasyunan namin.

Shempre, kasama namin ang buong barkada. Hindi kumpleto kapag wala sila eh. Nasanay na kasi kami na kapag ganitong magbabakasyon, kasama namin ang barkada.. mas marami, mas masaya.


Nang makarating kami sa resort ay nagpahinga na muna kami. Kailangan namin magpahinga dahil ang tagal ng byahe namin. Kahit hindi ako nag nagdadrive, naramdaman ko ang pagod..


Kinahapunan ay nagkaroon kami ng another celebration. Shempre hindi mawawala ang kwentuhan, inuman, kainan at shempre ang kantahan.

Unang kumanta si Tee.. at hindi halatang may pinatatamaan sya.





Oo nga pala hindi nga pala tayo
Hanggang dito lang ako nangangarap na mapa-sayo
Hindi sinasadya
Na hanapin pa ang lugar ko
Asan nga ba ako
Andiyan pa ba sa iyo

Nahihilo nalilito (nahihilo)
Asan ba ko sayo aasa ba ko sayo

Nasusuka ako kinakain na ang loob
Masakit na mga tuhod kailangan bang lumuhod
Gusto ko lang naman yung totoo
Yung tipong ang sagot ay di rin isang tanong

Nahihilo nalilito (nahihilo)
Asan ba ko sayo asan ba ko sayo
Nahihilo nalilito (nahihilo)
Asan ba ko sayo aasa ba ko sayo





Nagsigawan kaming lahat..

"Woooahhh!!" Sigaw namin ni Freen

"Hooi!!!" Sigaw ni Sky at Jim

"Sige na nga sinasagot na kita!" Nakangiting sigaw ni Yuki na agad namang nagpangiti kay Tee.

Sa sobrang saya ni Tee ay binuhat nya si Yuki at habang umiikot. So sweet.

Habang kami namang nanunuod ay kinikilig sa kanilang dalawa.

Finally, they are in a relationship.

Ang sumunod naman na kumanta ay si Yuki.



Lagi kong naaalala
Ang kanyang tindig at porma
At kapag siya ay nakita
Kinikilig akong talaga
Di naman siya sobrang guwapo
Ngunit siya ang type na type ko
Bakit ba ganito ang nadarama ng puso ko

Minsan siya ay nakausap
Ako ay parang nasa ulap
At ng ako'y kanyang titigan
Sa puso ay anong sarap
Tunay na kapag umibig
Lagi kang mananaginip
Pag kasama mo siya ay ligaya
Na walang patid

Mister Kupido
Ako nama'y tulungan mo
Ba't hindi panain ang kanyang damdamin
At nang ako ay mapansin
Mister Kupido
Sa kanya'y dead na dead ako
Huwag mo nang tagalan
Ang paghihirap ng puso ko




Kaming mga nakikinig ay kinikilig habang pinagmamasdan namin silang napapasayaw sa kanta habang naka back hug si Tee kay Yuki.






(Please do like and share this story. Stay tuned, the end is so near...)












Secret Admirer (GL)Kde žijí příběhy. Začni objevovat