CHAPTER III (BECKY's POV)

5.8K 255 18
                                    

AT THE CAFETERIA

30 minutes na akong naghihintay. Pero okay lang, after 3 years ngayon ko na lang ulit sya makikita.

7pm na wala parin sya. Nagsisimula ng magligpit ang mga crew dito sa cafeteria dahil 7:30pm sila nagsasarado.

Darating pa kaya sya?

Don't give me false hope.

Tumayo na ako sa inuupuan ko dahil magsasarado na sila.

Habang naghihintay ay diko maiwasang kausapin ang sarili ko.

"Don't break my heart please..." Sabi ko sa sarili ko habang lumilingon lingon sa paligid

"Ofcourse I won't.." nashock ako ng marinig ko yung boses nya. Hindi ako pwedeng magkamali. Kabisado ko ang boses nya kahit 3 years ko syang hindi nakita. Palagi kong pinapanood ang mga video nya kaya imposibleng magkamali ako.

Nasa likod ko sya. Pagharap ko sa kanya ay nakita ko ang maganda at maamo nyang mukha.

Nginitian ko sya na para bang hindi nya ako pinaghintay ng dalawang oras.

"Im sorry, I didnt know that this place is too far from my house." Sabi nya sakin na bakas sa mukha ang pagkahiya.

"It's okay. Ang mahalaga, dumating ka." Nakangiti kong sagot sa kanya.

Mas lalo syang gumanda at kuminis. Pumuti sya ngayon. Maybe because hindi na sya babad sa practice.

Tumingin sya sa paligid at lahat ng store dito ay sarado na.

"Where do you want to go? I'll take you there" sabi nya sakin.

"Hmmm.. this is the only place I know.. sayang sarado na. Masarap pa naman ang kape dito" sabi ko sa kanya.

"May alam akong place na masarap mag kape, medyo malayo nga lang dito. But it doesnt matter to me, do you want to go?" She said.

"I want to but.. if it's far in my place, baka mahirapan ako makahanap ng taxi sa ganitong oras." Sabi ko sa kanya. 9pm palang kasi ay mahirap ng sumakay ng taxi.

"It's already 8:20pm." Sabi ko sa kanya.

"Don't worry about it, ihahatid kita.. " she said and smiled at me.

I was shocked

"Lets go?" Aya nya sakin.

Binuksan nya ang pinto at pinasakay nya ko sa maganda nyang kotse.

Habang nasa kotse kami, hindi ko maiwasang magtanong.

Wala kasi syang balak magsalita. Hindi parin sya madaldal hanggang ngayon.

"How are you?" Tanong ko sa kanya.

"Im good.. how about you? 3rd year college ka na" sagot nya sakin na talagang nakapagpagimbal ng gabi ko.

Anong sabi nya? 3rd year college na ako? Bakit nya alam?

"Ah.. yes. Bakit mo alam?" Nakangiti kong sagot.

"Bawal?" Tanging sagot nya sakin.

Umiling nalang ako habang nakangiti.

"Bakit ka nga pala nakipagkita sakin ngayon?" Tanong ko sa kanya na ikinagulat nya.

Hindu ko alam kung hindi nya alam ang isasagot nya o hindi nya naintindihan yung tanong ko. Kaya naman tinanong ko sya ulit.

"I mean.. anong nagpapayag sayo na makipagkita sakin?" I asked.

She smiled and say "you said you dont take NO as an answer.." she look at me while driving.

Bigla akong nahiya sa tanong ko.
Kaya naman napangiti nalang ako at napatingin sa bintana.

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now