CHAPTER LXXIX (FREEN's POV)

3.3K 165 30
                                    

Habang pinupunasan nya ako ng bimpo ay nag kukwento sya tungkol sa nakaraan.. habang ako naman ay nakapikit at kunwaring hindi nakikinig..

"Natatandaan mo pa ba? Kapag may sakit ka dati, ganitong ganito rin kita alagaan.. Pinupunasan kita ng bimpo mula ulo hanggang paa, tapos babantayan kita hanggang sa gumaling ka.. Lalo na nung baby ka pa, napaka sakitin mo.. Kapag inaapoy ka ng lagnat, halos maiyak na ako sa pag aalala.. Hindi ko alam ang gagawin ko eh.. Mag isa lang ako.." sabi nya habang pinupunasan ang kamay ko.

Halos maiyak ako sa mga sinasabi nya.. pero shempre pinipigilan ko. Ayokong makahalata sya na nakikinig ako sa kanya.

"Sorry anak ha? Ikaw ang sinisi ko kung bakit nasira ang buhay ko.. Kahit na alam kong wala ka namang kasalanan sa nangyayari.." sabi nya..

Hindi ko na yata kayang pigilan ang luhang namumuo sa mata ko. Pero hindi nya ako pwedeng makita na umiiyak..

Kaya naman tumalikod ako sa kanya. At sa pagtalikod ko, dun na bumuhos ang luhang kanina kopa pinipigilan.

"Ang liit nga ng mundo eh, yung nanay ng girlfriend mo, sya yung first and last love ko.. Sya na lang yung natitira kong pamilya noon, pagkatapos mamatay sa aksidente ng mga magulang ko.. Sya na lang ang meron ako.. Kaso iniwan nya ako eh.. kasi nabuntis ako.. Akala nya niloko ko sya.. Ayaw nyang maniwala sakin na ginahasa ako ng bestfriend nya.. Masyado kasi kaming close ng bestfriend nya eh. Kaya akala nya may something samin.. Kaya nung sinabi kong ginahasa ako, hindi nya ako pinaniwalaan. Iniwan nya ako nung mga panahon na mas kailangan ko sya sa tabi ko.. Pero naiintindihan ko sya kung bakit nya ako iniwan..." kwento nya habang nakatalikod ako sa kanya.

Alam kong alam nyang nakikinig ako.. Kaya patuloy sya sa pag kukwento..

"Kaya pagka-panganak ko sa inyo, binigay ko si Lea sa Pinsan ko.. Alam kong mabibigyan sya dun ng maganda at maayos na buhay... At ikaw naman ang natira sakin... Sinikap kong itaguyod ka. Naging tindera ako, labandera, kusinera, tapos ikaw nandun ka sa gilid habang nag lalaba ako, habang nagtitinda ako.. Napakabait mo kasi hindi ka umiiyak kapag nagtatrabaho si nanay.." tumatawang kwento nya na para bang napakagandang alaala nun para sa kanya.

Habang nakatalikod ako sa kanya ay patuloy parin sa pag patak ang mga luha sa mata ko. Unti unting gumagaan ang loob ko.. na para bang gusto ko syang yakapin at icomfort.. Pero bumabalik parin ang masasakit na alaalang tumatak ng husto sa isip ko.

"Patawarin moko anak kung naging malupit akong ina.. Patawarin mo ako kung iniwan kita.. Nung mga panahon na yon, gusto kong iparamdam sayong mahal kita.. Pero sa twing tinitignan kita, naaalala ko yung pang bababoy sakin ng tatay mo.. Kamukhang kamukha mo kasi sya eh.. Araw araw ko syang naaalala kapag nakikita kita.. Kaya kahit gusto kong iparamdam na mahal kita, hindi ko magawa.. Kaya pinili kong iwan ka para makahanap ka ng bago mong pamilya na kaya kang mahalin ng buong buo.." kwento nya pa.

Sa edad kong yun naisip nyang makakahanap ako ng bagong pamilya? Akala ba nya madaling mabuhay mag isa sa edad na apat na taon?

"Pero hindi ko rin kinaya.. Araw araw kitang namimiss.. Kaya bumalik ako kung saan kita iniwan.. Araw araw bumabalik ako dun.. Umaasa ako na makikita kita ulit.. Pero lagi akong umuuwing bigo.. Di ako makatulog sa gabi kakaisip kung kamusta ka, kung kumain kana ba? Kung saan ka natutulog? Halos mabaliw ako kakaisip anak.." umiiyak na kwento nya nang biglang may kumatok sa pinto..

"Anak, freen.." bungad ni mama..

"Wena.." sabi naman ni Marie.. kaya agad akong nag punas ng luha para harapin si mama.

"Ma.." bati ko sa kanya.

"Kamusta ka na? Masama parin ba ang pakiramdam mo?" Tanong nya sakin.

"Medyo po.." sagot ko.

"Oh ito, ipinag luto kita ng paborito mong nilaga.. Humigop ka ng mainit na sabaw para pag pawisan ka.." sabi ni mama..

"Salamat po ma.." sabi ko sa kanya.





Maya-maya ay nag kwentuhan na sila sa gilid ko habang ako naman ay nakahiga at nag papahinga.. Akala nila ay natutulog ako, hindi nila alam na nakikinig ako sa kanila.

"Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko nung nalaman kong ikaw ang nanay na tinutukoy ni freen na nang iwan sa kanya." Sabi ni mama..

"Napakabait na bata nyan ni freen.. Hindi ako nag tataka kung bakit mahal na mahal sya ng anak ko at ng mga taong nasa paligid nya.." sabi ni mama kay Marie.

"Ang dami kong hindi alam tungkol sa kanya.. Halos more than 20 years ko syang hindi nakasama. Ngayon ko lang sya naalagaan ulit.." sabi ni Marie.

"Ang importante, nandito kana ngayon. May pagkakataon kang bumawi.." sabi ni mama.

"Sana mapatawad nya ako bago ako mawala sa mundong to.." sabi ni Marie.

"Wag kang mag salita ng ganyan.. Mabuting bata si Freen, alam kong darating ang araw na mapapatawad ka nya." Sabi ni mama.

"Pumunta nga pala dito yung mami at dadi nya kahapon.. Nakakainggit yung closeness nila ng mami nya.. Ako dapat yun eh, kung hindi lang sana ako naging makasarili noon.. Pero masaya ako na napunta si Freen sa mabubuting tao, masaya ako na mahal na mahal sya ng mami nya  at itinuring syang totoong anak.." sabi ni Marie.

"Napaka bait ng mami at dadi nya. Kaya nga sya lumaking mabuting tao eh.." sabi ni mama.

Sa kalagitnaan ng kwentuhan nila ay biglang bumukas ang pinto..

"Bec.." gulat na bigkas ni mama sa pangalan ng pumasok sa pinto. Kaya naman agad akong napadilat ng mata.

"Ma.. nandito ka na pala.." sabi ni bec at nag mamadaling lumakad papunta sakin. Chineck nya ang temperature ko.

"Kamusta? Masama pa ba ang pakiramdam mo? Kumain kana ba?" Tanong nya sakin habang chinecheck nya ang temperature ko.

"Pwede ba isa isa lang ang tanong?" Mahinahong tanong ko sa kanya.

"Ma.. uminom na po ba ng gamot to?" Tanong nya kay mama.

"Oo pinakain kona at pinainom ng gamot.." sagot ni mama.

"Kamusta? May masakit pa ba sayo?" Tanong nya sakin. Ngumuso ako para ipahiwatig na masakit ang nguso ko at kailangan ko ng kiss nya.

"Dyan ka magaling.." sabi nya sabay hampas sa braso ko.

"Ouch.." sigaw ko ng magulat ako sa hampas nya.

"Puro ka biro eh.. Nag aalala ako sayo.." sabi nya sakin.

"Bat ka ba umuwi kaagad?" Tanong ko.

"Nag halfday ako dahil di ako mapakali sa office.. Iniwan kitang inaapoy ng lagnat, nag aalala ako sayo.." sagot nya sakin kaya napangiti ako.

"Okay na ako kasi nandito ka na.." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Magpahinga kana para bumilis ang pag galing mo.." sabi nya sakin..

Ang sarap sa pakiramdam na may isang taong willing igive up ang lahat para sayo.. I mean, willing na hindi pumasok sa trabaho para alagaan ka..

Yung ganitong pagmamahal, once na matagpuan mo na, dapat pangalagaan mong mabuti.. Dahil hindi lahat ay nakakatagpo ng katulad nito.. Tunay at wagas.. Kaya kapag nahanap mona yung iyo, pangalagaan mong mabuti para hindi mawala..









.
.
.
.
..
.





(Please vote and leave a comment about this chapter)

Secret Admirer (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon