CHAPTER XV (BECKY's POV)

5K 194 14
                                    

Pagkasundo sakin ni freen ay dumiretso kami sa isang restaurant para imeet ang mga kaibigan nya.

"Finally, the VIP is already here.." nakangiting sabi ni Tee.

"Always late.." iritang sabi ni fon.

"Haaay lagi kana lang masungit sa harap ni Becky, baka isipin nyan pinaglihi ka sa sama ng loob" tumatawang sabi ni Tee para asarin si fon.

"Ha.. ha.. ha.. nakakatawa yon?" Inis na tanong ni Fon.

Sabagay, napapansin ko rin na palagi syang nagsusungit. Hindi ko alam kung ayaw nya ba sakin o sadyang ganun lang talaga sya.

Napapangiti nalang ako sa kanila. The way they tease each other, para silang mag jowa.

"So what's the purpose of this meeting?" Tanong ni freen.

"Pag uusapan natin yung bakasyon natin sa friday.." sagot ni jim.

Nagulat ako. Hindi nya kasi nasabi sakin na magkakaroon sila ng bakasyon.

"Magbabakasyon kayo?" Tanong ko sabay tingin kay freen.

"Anong kayo? Tayo.." sagot ni jim.

"As if naman na papayag si freen na maiwan ka." Singit ni fon.

"Bakit dimo sinabi sakin agad?" Tanong ko kay freen.

"Bec, kaninang umaga lang namin sinabi sa kanya.." sagot ni Jim.

"Why? Ayaw mo bang sumama?" Tanong ni freen sakin..

Sasagot na sana ako kaso biglang nagsalita si fon.

"Kung ayaw edi don't" singit ni fon.

Napatingin ang lahat kay fon.

"Fon.." awat ni Jim sa nakakunot ang noo na si Fon.

Ngumiti lang ako.

"Hindi naman sa ganon.." sagot ko ng nakangiti..

"Alam mo kaya dika nagkakajowa, para ka kasing badvibes na nag anyong tao eh" pang aasar ni Tee.

"Tama na nga yan.. mamaya magkakapikunan na kayo" awat ni Maddy..

"Parang mga bata.." dugtong ni sky.

"So anong plano?" Tanong ni freen.

"So ganito kasi yung napagkasunduan.. Si Tee at Fon sa foods natin. Kasama na ang alcoholic drinks don. Sayo yung resort at shempre yung mga activities don.." sabi ni Jim.

"How about you and Maddy?" Tanong ni Freen.

"Well, for other expenses kami.. just in case na may iba pang babayaran.." sabi ni Jim.

"Just in case? So kung wala?" Tanong ni Freen.

"Kung wala, edi wala. Kami ang magluluto para sa inyo.." sabi ni Maddy.

"Nice.." sagot ni Freen.

"So napano yang kalmot sa braso mo?" Nakangiting sabi ni Jim. Nagtinginan silang lahat sa braso ni Freen.

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now