CHAPTER VI (FREEN's POV)

5.1K 207 5
                                    

Pag uwi ko ng bahay, hindi ko chinat si bec.
Ayokong mag first move. Hindi naman sa mataas ang pride ko, takot lang ako mareject at madisappoint.

Pagkatapos kong maligo, may nag notif sa phone ko.

5 chats.

Puro kay bec.

"Hey"
"You!"
"Nasa bahay kana?"
"Pst.."
"Imissyou!" Chat ni bec sakin. Oo lahat yan.

"Im home, kakatapos ko lang maligo." Reply ko sa kanya.

"Can you send me a selfie?" Chat nya sakin.

"What for?" I asked.

"I wanna have a sweetdreams.." reply nya.

Hindi na ako nagtanong. Nagselfie ako at sinend ko sa kanya.

"Send yours too. So that we see each other in our dreams." Chat ko sakanya pagkatapos kong isend ang selfie ko.

Agad rin naman syang nagsend ng selfie nya. Hindi na ako nag reply sa sinend nyang picture. Kasi alam kong hindi matatapos ang conversation namin.

"So beautiful.." sabi ko sa sarili ko.

Sinave ko yung picture nya sa galery ko. Wala namang makakaalam. Dahil ako lang naman ang nakakahawak ng phone ko.

Sending pictures, movie together..

Are we dating??

Hmmmp!!




TOMORROW MORNING

Im in my office. Working. Biglang nag notif ang phone ko.

Si bec..

"Goodmorning, have a good day. Smile!" Voice message sakin ni bec.

Napangiti nya ako sa simpleng message nya. Ang cute ng boses nya, parang pang bata.

So dahil voice message ang sinend nya, voice message rin ang reply ko.

"I'll have a good day because of you.." sabi ko sa voice message na sinend ko sa kanya.

"Alam na alam mo kung pano mo ko mapapangiti ha..." Reply nya sakin but this time, text na..

"May lakad ka today?." text ko sa kanya.

"Hmm wala naman.. bakit?" Reply nya

"Sunduin kita. Ano oras out mo?" Chat ko sa kanya.

"Are you sure?" Tanong nya.

"Kung ayaw mo, its okay.." reply ko sa kanya.

"No.. im just asking.. baka kasi makaabala ako sa work mo.." sabi nya.

"I'll be there exact 5pm" reply ko.

"Pero 5:30 pa ang out ko, is it okay?" Tanong nya.

Nagsend lang ako ng like button. Ewan ko ba. Hindi ko na kasi alam ano ang irereply ko. Hindi kasi ako sanay sa mahabang conversation.

Hindi rin naman ako kagaya nila Tee at sky na magaling sa ganito. Kaya marami silang nagiging jowa. Marami silang nauuto.



AFTERNOON

Dumating si sky at si Tee sa office ko.

"Ano na naman ang kailangan nyo?" Irita kong tanong habang sila tuwang tuwa na nakikitang naiirita ako.

"Para namang sukang suka ka kapag nakikita mo kami" natatawang sagot ni sky.

Hindi ko sila pinansin.

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now