CHAPTER XXXVIII (BECKY's POV)

3.9K 177 11
                                    

Paglabas ni Heidi sa office ni Freen ay umiiyak na ito.

Pero bakit?? Anong ginawa ni Freen sa kanya?
Bakit sya umiiyak? Anong nangyari?

Susundan ko sana si Heidi pero naisip ko na baka hindi perfect timing na kausapin ko sya sa ganitong sitwasyon. Gustuhin ko man na damayan sya, o pagaangin ang nararamdaman nya, mas pinili kona lang manahimik at hintayin na sya ang kusang magsabi sakin.

Shempre ayoko naman na magmukha akong tsismosa.

Pag upo ko sa upuan ko ay lumapit si marga sakin.

"Hey bec, kailan pa kayo nagdate ni Maam freen?" Tanong ni Marga.

"Why?" Tanong ko

"Eh kasi bigla nalang naging kayo.. nakakagulat kaya.." sagot ni Marga.

"We're in a relationship for 2 years." Nakangiti kong sabi na mas ikinagulat ni Marga.

"Huh?? So it means nung pumasok ka dito for internship, magkarelasyon na kayo??" Tanong ni Marga.

Tumango ako bilang sagot.

"Pero bat ngayon nya lang sinabi na girlfriend ka nya?" Tanong ni Marga.

"Should I give you an update about my life?" Sabi ng isang boses na nanggagaling sa malayo.

Kaya naman agad kaming napalingon,.. si freen ay nasa labas ng office nya, nakatayo at nakatingin samin.

Lumapit sya at inulit ang tanong.

"Should I give you an update about my life?" Tanong ni Freen.

"Ah... Ehh...." Reaksyon ni Marga.

"Working hours, nandito ka at hindi mo ginagawa ang trabaho mo.." sabi ni Freen habang nakatingin kay Marga.

"Im sorry, I'll go back to work.." sabi ni Marga sabay exit.

"Go to my office.." sabi ni Freen nang hindi ngumingiti.

Ano na naman kayang problema nito? Nakasimangot na naman kasi.

Hindi na nya ako hinintay sumagot, naglakad na sya papunta sa office nya.

Wagas makapag command ha. Boss na boss ang dating. Lagot ka sakin pag uwi, sa bahay ako naman ang boss mo.

Ngumiti ako at sumunod na sa kanya.

Pagpasok ko sa office nya ay nakaupo sya sa sofa.. nakatingin sakin habang nakangiti.

"So bakit mo ko pinapunta dito?" Nakangiting tanong ko habang naglalakad palapit sa kanya.
Nang makalapit na ako sa kanya, dun palang nya sinagot ang tanong ko.

"Nothing.. I miss you.." sabi nya sabay hatak sa kamay ko kaya naman napaupo ako sa hita nya.

"Dont you miss me?" Tanong nya sakin.

Ngumiti ako. Bihira lang sya maging ganito kasweet, madalas kasi ako ang sweet sa kanya.

"Why?" Tanong nya dahil napansin nya na ngumiti ako.

"Aray..arayyyy"  sigaw ko sabay hawak sa hita ko, nagkunwari akong nakagat ng langgam.

"What happened?" Natatarantang tanong nya sakin.

"Kinagat ako ng langgam.." sabi ko habang umaarte parin na kunwari ay nakagat ng langgam.

Hinanap naman agad nya yung langgam..

"Pag nakita ko yang langgam na yan dudurugin ko talaga yan." Sabi ni Freen na mukhang seryoso sa paghahanap ng langgam.

Natawa ako sa sinabi nya. Parang batang inis na inis. Tumingin sya sakin na parang nagtataka kung bat ako tumatawa.

Secret Admirer (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon