CHAPTER XLI (FREEN's POV)

4K 176 14
                                    

Pag uwi namin sa bahay nila ay mayroon kaming bitbit na grocery.

"Ang dami naman ng bitbit nyo.." sabi ni mama at tinulungan nya kaming mag bitbit.

"Idadaan lang po namin to, saka dito na kami mag lunch ma.." sabi ni Bec..

"Namiss ni freen ang kuto mo eh.." nakangiting sbai ni bec..

"Halika na at ipagluluto ko kayo ng paborito ni Freen.." sabi ni mama na nakapagpangiti naman sakin.

"Eh pano ako?" Tanong ni bec.

"Si freen lang naman ang nakamiss ng luto ko, next time favorite mo naman.." nakangiting sabi ni mama.

Yung totoo? Ako ba ang anak? Haha ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Para ko na rin syang tunay na nanay.

Naupo kami sa sofa at nagpahinga habang si mama naman ay busy sa pagluluto ng lunch namin.

Nang matapos na syang magluto ay inihanda na nya ang pagkain sa mesa at tinawag na nya kami para sabay sabay kaming mag lunch..

Habang kumakain kami ay nag ring ang phone ko na nakalapag sa mesa. Kaya naman napatingin ako, ganun din si bec.
Nasa gitna kasi naming dalawa ang phone ko. Pagkatingin nya sa phone ay tumingin sya sakin ng hindi ngumingiti.

Si Lisa.. tumatawag.. bakit kaya?

Hindi ko pinansin ang tawag, nag silent nalang ako ng phone para di makaabala sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay naupo kami sa sofa, kasama sila mama at papa.

"Freen, nagtatrabaho ba ng maayos tong si bec?" Tanong ni papa.

"Yes po pa, napakasipag nga po nyan eh" nakangiting sagot ko habang nakatingin kay bec.

"Panigurado tinatakot ni ate si ate freen kaya maganda ang sagot nya." Biro ni Rich.

"Hoy ikaw, usapang matanda to. Bawal kang makisali.." sabi ni bec sabay pingot kay rich na kakaupo lang sa sofa.

"Ate naman.." reak ni Rich habang nakahawak sa tenga nya.

"How's your grades?" Nakangiting tanong ko kay Rich. Kaya agad syang napatingin sakin at ngumiti.

"are we going to buy your new shoes?" Nakangiting tanong ko kay Rich. Kaya agad namang tumingin ng masama sakin si bec..

"Ahmm.. no need po ate.. bago pa yung bigay mo sakin, palagi kong nililinis eh.." nakangiting sagot ni Rich..

"Okay, if you need anything, magsabi ka lang sakin.." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Salamat ate.." nakangiti nyang sabi.

"Nga pala ate, nagpost yung crush kong artista.. si Lisa.. totoo ba na nagpunta sya sa office mo?" Nakangiting tanong ni Rich sakin. Bakas sa mukha nya ang pagkaganado sa pagtatanong dahil tungkol yon sa crush nya.

Tumango lang ako bilang sagot..

"Wow.. Maganda ba sya ate? Mas sexy ba sya sa personal?" Ganadong tanong ni Rich na di mapigilan ang pagkatuwa.

Pero mukhang nagdedelikado ako sa pagsagot. May isang matalim na tingin na pumipigil sakin. Si bec, nakatingin habang hinihintay ang sagot ko.

"Hindi naman.. mas maganda parin ang ate mo dun." Nakangiting sagot ko.

"Weh? Maganda kaya yun si Lisa, sabi nila mas maganda at mas sexy daw sa personal yun" sabi ni Rich na todo tanggol sa crush nya.

"Enough" sigaw ni bec..

"Ikaw bata kapa, may pasexy sexy ka nang nalalaman.." sabi ni bec at hinagisan ng unan si Rich. Kaya agad namang natawa ito dahil sa reaksyon ni bec..

"Si ate, nagseselos ka ba?" Pang aasar ni Rich kay bec.

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now