CHAPTER XXVIII (BECKY's POV)

3.7K 151 7
                                    

Isang araw na ang lumipas matapos ang matindi naming sagutan ni Freen. Hindi ko sya tinetext o tinatawagan. Hindi naman ako galit pero gusto ko lang marealize nya kung ano ang ginawa nya.
Matalino si Freen, palagi nyang iniisip ang isang bagay bago nya ito gawin.

Pero bakit hindi parin sya nagtetext o tumatawag man lang para mag sorry? Hindi naman sya ganito before. Dati kasi kapag nag aaway kami, hindi ganito kalala dahil palaging may magpapakumbaba. Alam kong alam nya na may mali syang ginawa, pero bakit wala parin syang paramdam?

Pumasok ako sa office, at inaasahan kong makita o makausap sya ngayong araw...

Pero wala..

Hindi sya pumasok.. Walang text, walang tawag, walang kahit anong paramdam.

Okay lang yan bec.. marerealize nya rin ang pagkakamali nya..

Umuwi ako sa bahay nya. Ineexpect ko na nandun sya pero wala..

Nasan ba sya? Nag aalala na ko. Isang buong araw na syang walang paramdam.

Umuwi ako samin dahil wala naman akong kasamang matulog sa bahay nya.

Ang bigat sa pakiramdam na natitiis nya ko ng ganito. Nalulungkot ako. Ganito pala kalungkot kapag wala sya, parang hindi ko to kayang tagalan.



"Im sorry love.. I miss you.." sabi ni Freen at niyakap ako.

Mangiyak ngiyak ako sa sobrang tuwa. Finally nandito na sya.. hindi na ako malulungkot..

niyakap ko sya ng mahigpit.. "wag mo na kong iiwan, hindi ko kaya ng wala ka.." sabi ko..



Kring!!!! Kring!!!

Isang maingay na alarm ang gumising sakin.
Its already 9am.

Oo hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaiyak. And im already late. Pero bakit parang ayokong bumangon? Bakit parang wala akong dahilan para bumangon?

Panaginip lang pala yon.. akala ko totoo..
Sana hindi nalang ako nagising..

Kung ganito kalungkot ang pag gising ko sa umaga, parang mas gusto ko nalang mabuhay sa panaginip..

Natulog akong malungkot, gumising akong malungkot. Pagtingin ko sa phone ko, agad kong binuklat ang convo namin ni Freen. Wala parin syang paramdam..

I hate it. Bakit nya ako natitiis ng ganito? Dalawang araw na syang hindi nagpaparamdam. Hindi ba mabigat sa pakiramdam nya?

Nagsimula na naman akong umiyak..
Bakit ganito kabigat para sakin? Bakit parang wala lang sa kanya? Bakit ganito kasakit?

Hindi na siguro nya ko mahal. Kasi kung mahal nya parin ako, hindi nya to gagawin sakin. Hindi nya ako hahayaang umiyak miski sang oras..

Biglang pumasok si mama sa kwarto ko. Hindi sya kumatok kaya nakita nya akong umiiyak. Pagpasok nya ay agad akong nagpunas ng luha at tumalikod ng pagkakahiga para hindi nya ako makitang ganito kalugmok.

"Hindi ka ba papasok?" Tanong ni mama.

"Hindi po.." sagot ko.

"Bakit? May sakit ka ba?" Tanong ni mama sabay upo sa kama ko.

"Wala po, pero masama ang pakiramdam ko." Sabi ko.

"Hindi pa ba kayo nag uusap?" Tanong ni mama. Alam nya kasi kung ano ang nangyari that night kaya hindi na ako nagsinungaling.

"Hindi..." Tipid na sagot ko sa kanya.

"Kaya ka nagkakaganyan?" Tanong ni mama.

Hindi ako sumagot.

"Anak, sa relasyon marami pa kayong pagdadaanan na ganito.. mas matinding away, mas matinding problema.. pero hindi ka dapat magpaapekto.. dahil kapag nagpaapekto ka, ikaw ang matatalo.." sabi ni mama na mas nagpaiyak sakin.

Bumangon ako at niyakap ko sya habang umiiyak ako.

"Why is it so painful?" Sabi ko habang humahagulgol.

"Its simply because you love her.." sagot ni mama.

"It should be the love that makes us happy, but why is it hurt like hell?" Sabi ko habang patuloy parin sa paghagulgol. Niyakap lang ako ni mama..

"Pain is part of love.. hindi ka masasaktan kung hindi mo mahal ang isang tao.." sabi ni mama.

"the person who has the ability to hurt you is the person you love the most.." dugtong nya pa habang hinihimas ang likod ko para mapakalma.

"Ang love ay para lang sa matatapang.." sabi nya sabay tingin sa mata ko.

"Matapang na humarap sa kabiguan.. dahil ang pagmamahal ay hindi palaging nagwawagi o nagtatagumpay.." dugtong nya pa.

"Kaya nga hinayaan kita na magmahal dahil alam kong matapang ka.." sabi nya sabay punas sa pisngi kong basang basa ng luha.

"Pero kung makikita kitang ganito kalugmok at walang gana sa buhay, parang mas mabuti pang wag kana lang magmahal.." sabi nya habang namumuo ang luha sa mata nya..

"Dahil anak, kapag nakikita kitang nagkakaganyan, nadudurog ang puso ko.. gusto kong kuhanin yung sakit na nararamdaman mo dahil ayokong nakikita kang ganyan.." sabi nya sabay tulo ng luha. Alam kong pinipigilan nyang umiyak sa harap ko pero hindi na nya ito napigilan. At yun ang mas nagpaiyak sakin..

Yung malaman kong mas nasasaktan sya kapag nakikita nya akong nasasaktan..

"All you need to do is clarify everything.. if the both of you wants to keep your relationship or not.. it should be the two of you.. kasi kapag ikaw nalang pala ang may gusto, it will not work.. and if thats the case, you need to accept it and just let go" sabi ni mama..

Tumango nalang ako bilang tugon. Mas lalo akong naiyak ng marinig ko ang salitang ako nalang ang may gusto. Parang hindi pa ako handa na malaman na ayaw na nya..

Well sino bang nagiging handa sa ganon? Wala naman siguro diba? Parang hindi ko kakayanin kapag nalaman kong hindi na ako ang mahal nya.

Maya-maya paglabas ni mama ay tinawagan kona si Freen. Pero naka off ang phone nya.

Kaya tinawagan ko si Tee at ang iba nyang kaibigan. Pero lahat sila ay walang balita, hindi nila alam kung nasaan si Freen. Nagulat din sila ng malaman nila sakin na dalawang araw na kaming hindi nag uusap dahil nag away kami.

So it means wala syang sinasabihan? At nakakaya nyang tiisin sa dibdib nya lahat ng to? Pano nya to nagagawa?

Tinawagan ko ang mami nya pero hindi rin nila alam kung nasaan si Freen. Ang sabi lang daw ni freen sa kanila ay wag silang mag alala dahil okay lang sya.

Isang tao nalang ang hindi ko pa natatawagan.. si Fon..

Nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko sya, dahil sa tingin ko ay pabor sa kanya tong nangyayari samin ni Freen.

Pero kahit ganon ay tinawagan kopa rin sya. Naka limang tawag ako pero hindi nya sinasagot ang tawag ko.

Magkasama ba sila? Bakit hindi nya sinasagot ang tawag ko?

Kung anu-ano na naman ang naiisip ko. Bakit mas nasasaktan ako ngayon? Lalong bumigat ang pakiramdam ko. Pano kung si Fon na yung gusto nya? What if kaya nya ako natitiis ng ganito ay dahil narealize nyang mahal nya pala si Fon??


Secret Admirer (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon