CHAPTER XXIX (FON's POV)

3.7K 151 21
                                    

Dalawang araw ng lugmok tong si Freen. Inaamin kong pabor sakin na nagkakalabuan sila ni bec, pero hindi ko kayang maging masaya habang nakikita ko syang ganito kalungkot.

Dalawang araw na syang umiinom, puro alak. Kumakain lang sya ng konti tapos iinom na ulit. Sa dalawang araw na pag stay nya dito sa bahay ko, maghapon lang syang umiinom.

So I decided to talk to her about it kahit na masama pa ang pakiramdam ko. Kagagaling ko lang din kasi ng hospital dahil nga sinubukan kong magpakamatay dahil sa Pag ibig.. at ayokong maramdaman ng bestfriend ko yun.. at alam kong nandun na sya sa punto na yon.

"Wag mong patayin ang sarili mo kakainom ng alak.." sabi ko sa kanya.

"You did the same thing, right?" Sabi nya habang namumugto ang mata sa kakaiyak sabay lagok sa alak na hawak nya.

She's right. Who am I to say this? Ako mismo ginawa ko yon dahil sa pag ibig.

"Yes.. thats why ayokong gawin mo yon." Sagot ko sa kanya.

Hindi nya ako pinakikinggan at patuloy sya sa pag inom.

"Maraming nasaktan sa ginawa ko.. akala ko kasi yun yung solusyon para matapos na yung sakit na nararamdaman ko.." sabi ko.

"But then, nung nabuhay ako.. nakita ko kung gaano kayo nasaktan sa ginawa ko.. narealize kong mali ako.." sabi ko sa kanya.

Wala syang imik.. patuloy lang sa pag inom..

"Kaya please, dont do this to yourself.. isipin mo yung mga taong nagmamahal sayo.." sabi ko sa kanya.

"Is there anyone na totoong mahal ako?" Tanong nya sakin sabay lagok sa alak.

"Mahal ka namin.. maraming nagmamahal sayo.." sagot ko.

Tumawa sya. Tinawanan nya yung sinabi ko.

"Mahal nyo lang ako dahil wala akong ginagawang mali sa inyo.." sabi nya sakin.

"Thats not true.." sabi ko.

Nagsimula na syang umiyak.. Inaamin kong gusto kong maghiwalay sila pero kung makikita ko naman syang ganito, mas gusto ko pa na ako nalang yung masaktan..

"when I was a kid, I was afraid of making mistakes.." sabi nya sabay punas sa luhang pilit na nag uunahan sa pag bagsak. ..

"I'm afraid to make a mistake because I'm afraid that they might not love me anymore" umiiyak na sabi nya.

"so I did everything to make them proud of me.. so they wouldn't send me back to the orphanage." Umiiyak na sabi nya.

Nadurog ang puso ko sa sinasabi nya. Habang sya ay patuloy lang sa pag iyak, pag inom at pagsasalita.

"I'm so afraid to make a mistake.. because I'm afraid that they might leave me. Then I'll be alone again." Umiiyak parin sya habang sinasabi nya yon

Hindi ko na rin napigilan ang maiyak. Sobrang sakit sa dibdib na makita ko syang ganito..

Hopeless.

Sanay kasi ako na nakikita ko syang masayahin and always positive..

Pero ang Freen na nakikita ko ngayon ay kabaligataran ng Freen na nakasanayan ko.

Sa likod na masasaya nyang ngiti at tawa, may tinatagao parin pala syang takot..

Takot na maging mag isa ulit..

Kaya pala kahit gaano nya kagusto si Bec since college days, hindi nya pinormahan si Bec.. it was because of her parents.. Gusto nyang maging proud sa kanya ang parents nya.

How can I unlove a person like this?
A person who will do everything for the person that she loves.

"I always think of others before myself.. pero sinong nandyan para unahin ako?" Tanong nya sakin..

Bakit ang sasakit ng sinasabi nya?

Wala akong maisagot. Hindi ko alam kung paano pagagaanin ang nararamdaman nya.

"Until now that Im in pain, I still think about what she feels.. is she okay? What she's doing right now? Galit pa ba sya?" Sabi nya habang bakas sa mukha ang lungkot.

"I know I made a mistake, I forgot about her because I was so worried about you when you were in the hospital." Humahagulgol na sya habang nagkukwento.

Naguiguilty ako. Dahil sakin nag away sila. Dahil sa pagkaselfish ko, nararamdaman nya lahat ng to. Hindi kona mapigilan ang maiyak.

"but is it enough reason for her to entertain the man who likes her?" Tanong nya habang tinutungga ang alak na hawak nya.

"Its just one mistake.. hindi na ba ako kamahal mahal agad non?" Sabi nya habang pumapatak ang mga luha sa pisngi nya.

Hindi ko alam kung ano ang maipapayo ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil hindi ko naman alam ang buong nangyari.

"Maybe its just a misunderstanding.." sabi ko sa kanya.

"You need to clarify things.." suggest ko sa kanya. Hindi na sya nagsalita kaya hinayaan kona muna syang mapag isa.

Pagtingin ko sa phone ko ay may limang missed calls. Tumawag pala si Bec. Hindi ko nasagot.

Sinubukan ko syang tawagan pero hindi nya naman sinasagot.

Nakita ko ang phone ni Freen na nasa table, lobat.. kaya chinarge ko. Baka kasi tumawag si Bec..

Bat ko ba to ginagawa? Diba pabor naman to sakin? Yung maghiwalay sila? Pero bakit parang gusto kong gumawa ng way para magkaayos sila? Is that a torture for me? Pero mas torture para sakin yung makita syang nagkakaganito..

Hindi nga ako nagkamali, tumawag ulit si bec pero sa phone na ni Freen, and this time ay sinagor ko.

"Hello?" Bungad ko.

"Si fon to.." dugtong ko. Pero hindi sya nagsalita. Hindi man lang ba sya nagtataka na ako yung sumagot ng phone ni Freen? Hindi man lang ba nya kakamustahin o tatanungin si freen?

Pinatay nya agad ang tawag kaya hindi na ako nakapagsalita. Bakit sya tumawag kung papatayin nya rin naman agad?

What's wrong?? Nakakapagtaka..
Does she know that freen stayed here for 2 days? Does she really care about freen?

Tinawagan ko ulit sya using freen's phone pero nirereject nya.

Why??

Tinawagan ko si Tee..

"Hey stupid bitch, how are you?" Bungad sakin ng impaktong to.

"Can you come here?" Tanong ko sa kanya.

"Huh? Dont tell me namimiss moko?" Sabi nya.

"Thats impossible.. just come here and help me with freen.." sabi ko.

"What about her?" Tanong nya.

"Just come here.." sabi ko sa kanya sabay patay sa tawag. Kahit kailan wala talaga syang kwentang kausap para sakin, pero alam kong may sense syang kausap kapag si freen ang kakausapin. Kaya sya ang una kong tinawagan. Kahit na pinakiusapan ako ni Freen na wag sabihin kahit kanino na nandito sya sa bahay ko.

Secret Admirer (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon