CHAPTER LXXXIII (FREEN's POV)

3.8K 165 50
                                    

Kinabukasan ay biglang nag aya si Tee mag Enchanted Kingdom. Malapit lang kasi yon sa resort ko. Saktong nag agree naman ang lahat, maliban sakin.

Siraulong Tee, alam naman nya na ayoko sa rides. Nananadya ata tong kumag na to.

"Osige, as a gift kay Rich.. sagot ko na ang unli rides nating lahat sa Enchanted Kingdom.." nakangiting sabi ni Tee.

"Wow! Talaga ate!! Excited na ako!!" Tuwang tuwa na sinabi ni Rich.. habang ako ay masama ang tingin kay Tee..

"Okay lang ba sayo?" Tanong ni Bec sakin sabay hawak sa kamay ko. Nakita nya kasi ako na masama ang tingin kay Tee. Eh lintik na Tee, hindi makuha sa tingin..

"Eh mukhang gustung gusto ni Rich mag Enchanted eh, edi tara na!" Nakangiting sagot ko.

"Unlimited rides yon ha.." pang aasr ni Tee.

"Sabi ko tara na, pero wala akong sinabi na sasakay ako ng rides... ang mahalaga, mag enjoy si Rich ngayon.." Tumatawa kong sabi sa kanila.

"Para-paraan." Tumatawang sabi ni Sky.



Pagpunta namin sa Enchanted Kingdom ay nag enjoy silang lahat. Ako lang ang tanging hindi sumakay sa rides dahil mabilis akong mahilo at sumuka.. Takot rin kasi ako sa rides..

Pero masaya naman ako na pinapanood silang halos lumabas na ang bituka sa bibig sa sobrang pagkabuka dahil sa kakasigaw... Nakakatawa silang panoorin..

Nang makalimang rides na sila ay nag pasya kaming kumain na muna bago sila mag simula ulit na sumakay ng rides..

Naghanap kami ng makakainan sa loob ng Enchanted.. At nang makakita kami ay agad kaming umorder..


"Grabe nalunok ko ata lahat ng laway na lumabas sa bibig ni Fon kakasigaw.." tumatawang sabi ni Sky.

"Ang salahula mo talaga.." inis na sabi ni Fon.

"Woahh.. So it means nag indirect kiss kayong dalawa?" Tumatawang sabi ni Tee.

"Yieeeee!!" Pang aasar namin sa kanya.

"Yieee ka dyan.. Kadiri ah" inis na sabi ni Fon. Kahit kailan talaga, pikon si Fon. Sa barkada, sya yung nakakatakot biruin.

"Wow lugi ka pa?" Tanong ni Sky.

"Tinatanong pa ba yan?" Tanong ni Fon.

"Hindi kita type no.." sabi ni Sky.

"Mas hindi kita type.. in your dreams.." sabi ni Fon sabay irap kay Sky.

"Eh sino ang type mo? Si freen? Di naman love.." tumatawang pang aasar ni Sky kay Fon.

"Hey.. enough na yan. Namemersonal kana.." sabi ni Jim na tila di natutuwa sa biro ni sky. Well kahit naman ako hindi rin natutuwa. Ayoko kasi na inuungkat pa yung ganung bagay.. Hindi naman kasi biro yun.

Nang kumakain na kami, nagkakasiyahan kaming lahat. Panay kwento si Rich about sa naramdaman nya habang naka sakay sa rides. Ang saya syaa nya.. ang sarap panoorin..

Sa gitna ng kasiyahan naming lahat ay biglang nag ring ang phone ko..

Tumatawag ang mama ni bec..

"Si mama? Bat sayo tumawag?" Tanong ni bec

"Baka kakamustahin si Rich.." sabi ko kaya sinagot kona ang tawag ni mama.

"Hello ma bat ka po napatawag?" Nakangiting tanong ko. Pero ang ngiting yon ay biglang naglaho nang marinig kong umiiyak si mama.

"Ma?? Are you okay?? What happened?? Why are you crying?" Tanong ko na bakas sa mukha ang pag aalala. Kaya naman nakatingin silang lahat sakin at naghihintay ng balita.

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now