CHAPTER XXXVI (BECKY's POV)

4K 191 14
                                    

Ilang buwan na ang nakalipas, natapos kona ang internship ko. Pero nagtuloy tuloy na ako sa company ni Freen, hindi na rin nya ako pinaalis. Graduation nalang ang hinihintay ko.

Uwian time.

"Bec, hayaan mona kasi akong ligawan ka. Ihahatid sundo kita kahit saan ka magpunta.." sabi ni Aaron. Ang napakakulit kong katrabaho na gustong gusto akong ligawan.

"Aaron, you should find someone else.. Becky is already married.." sabi ni Marga, ang isa ko pang katrabaho.

"Bakit mo ba sinasabing may asawa kana kahit wala naman talaga?" Tanong ni Aaron sakin.

"I have... Kasal nalang ang kulang.." nakangiti kong sagot sa kanya kaya naman kinilig ang mga kasama ko.

"Woah. Bakit di mo sya ipakilala samin? Para tantanan kana rin ni Aaron.." sabi ni Marga.

"Yung kasal nga napaghihiwalay, kayo pa kaya?" Nakangiting sabi ni Aaron na agad namang nakapagpainis sakin.

"Dont say that.. hindi kami maghihiwalay.." sabi ko sa kanya.

Kung nainis ako sa sinabi ni Aaron, merong isang sobrang nainis..

si Freen. Nasa likod pala namin sya at nakikinig.

"Yung mgagaling nga, nawawalan ng trabaho. Ikaw pa kaya?" Sabi ni Freen na nasa likuran ko. Hindi ngumingiti. At nakatingin ng matalim kay Aaron.

Napalunok ako. Habang napanganga naman sila sa sinabi ni Freen. Hindi naman ako pwedeng mag reac dahil hindi naman nila alam na si Freen ang tinutukoy ko.

Ngumiti si Aaron sa kanya..

"Maam, pauwi na po kayo?" Tanong nya.

Tumango lang si Freen bilang sagot.

"Bec, lets go." Aya sakin ni freen kaya naman nanlaki ang mata ko. .

Bakit nya ako inaaya? Usually kasi didiretso lang sya sa kotse at susunod ako para walang makakita.

"Sabay po pala kayong umuuwi.." nakangiting sabi ni Aaron.

Tumango si Freen bilang sagot. Pero nagulat ang lahat ng bigla syang magsalita.

"And we live in the same house.." sabi ni Freen na ikinagulat ng lahat. Miski ako ay napanganga.

Bakit nya sinasabi to? Pasaway..

"Huh??" Reaksyon nilang lahat.

"Magkamag anak po pala kayo, hindi namin alam.." nakangiting sabi ni Aaron na agad namang sasagutin ni Freen kaya inaya kona agad sya para hindi na sya makapag salita.

"Hmm lets go.." aya ko sa kanya sabay hila sa kamay nya.

Iniwan naming palaisipan ang nangyari.


Sa kotse..

Wala namang umaaway kay freen pero bakas sa mukha nya ang pagkabadtrip. Ang cute. Madalas ko syang makitang nagseselos pero hindi ako nagsasawa.. ang cute nya kasi kapag nagseselos. Ang sarap kurutin ng pisngi.. parang batang inagawan ng kendi.. Selosa kasi sya, kahit walang dapat ikaselos, nagseselos sya.

"Love.." tawag ko sa kanya. Hinarap ko sakin ang mukha nya habang hawak ko ang mga pisngi nya.

"Mukha kang chewing gum na sampung beses nginuya." Nakangiti kong asar sa kanya sabay halik sa labi nya.

Alam ko kasi na badtrip sya, so kailangan ko lang syang pakalmahin.. dahil kapag ako naman ang badtrip, yung halik nya rin ang ginagawa nyang pampakalma sakin.

"Lets get married.." bigla nyang sinabi ng hindi tumitingin sakin. Nabigla ako sa sinabi nya.

"Huh??" Reaksyon ko.

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now