CHAPTER LXXI (BECKY's POV)

3.2K 167 9
                                    

Magkasama kaming nag gogrocery ni mama sa mall nang may sumigaw ng pangalan nya.

Paglingon namin ay binigyan nya ng isang matamis na ngiti ang babae, habang ako ay nanlaki ang mga mata dahil sa gulat..

Ang nanay ni freen.. Magkakilala sila ni mama? How come?


"Wena.. its nice to see you again.." bati nya kay mama.. Siguro ay hindi nya ako napansin dahil halos nasa likuran ako ni mama.

"Marie.. my daughter.. Bec.." nakangiting pagpapakilala sakin ni mama.

Is it real? Tinawag nyang Marie itong babaeng nasa harap namin? So it means sya yung ex ni mama na babae??? Shit.

Napanganga ako..

Nang matingin sya sakin ay napanganga rin sya ng makita nya ako. Hindi sya makapaniwala na ako ang anak ng dati nyang nobya..

"Ikaw.." mahinahong sabi nya.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni mama..

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang totoo.. Na sya ang tunay na ina ni Freen..

"Hindi.." sagot nya kay mama.

"Pero.." sabi nya nang balak nyang dugtungan ang sagot nya pero hindi kona sya pinatapos.. Inaya kona si mama na umalis..

"Ma lets go.." aya ko kay mama sabay. Kaya nagpaalam na rin sya kaagad kay aling wena..




Nang makasakay na kami sa kotse ay malalim ang iniisip ko..

Well, iniisip ko lang naman kung paano ko sasabihin kay freen na yung mama nya at mama ko ay mag ex lovers??

Nang mapansin ni mama na tahimik ako ay agad nya akong tinanong..

"Para kang nakakita ng multo.. Anong iniisip mo?" Tanong nya sakin pero hindi ako sumagot.

"Kung iniisip mong may nararamdaman pa ako sa kanya, nagkakamali ka.. Mahal ko ang papa mo.." nakangiti nyang sabi sakin kaya napangiti ako.

Pano nya naisip na ganun ang iniisip ko? Wala ba talaga syang idea na yung ex nya ang totoong nanay ni freen?

"Alam kong mahal mo si papa, wala po akong pagdududa dun.." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Eh ano yung iniisip mo?" Tanong nya ulit sakin.

Bakit ba ang hirap sabihin? Paano ko sasabihin kay freen ang lahat ng to? Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nya.

"Sya yung mama ni freen.." sagot ko sa tanong nya na ikinagulat naman ni mama.

"Huh??" Reaksyon nya sabay harap sakin. Napalunok nalang ako ng laway sa natuklasan ko.


"Si marie ang totoong nanay ni freen??" Tanong ni mama.. at tumango ako bilang sagot.

Hindi na nakapagsalita si mama sa nalaman nya. Siguro ay iniisip nya kung paano nagawa ni aling wena na iwan ang anak nya.

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay freen ang lahat ng to.. hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nya.." sabi ko kay mama.

"No matter how she feels, you should tell her the truth. Keeping a secret in a relationship doesn't make it better, it destroys trust." Payo ni mama sakin.

"Alam ko naman po yun, but im afraid na baka magbago sya sakin.." sabi ko sa kanya.

"Wala ka namang ginawang mali.. bakit mo naman naiisip yan?" Tanong ni mama..

"Sa dinami-rami ng babae, bakit yung nanay pa ni freen.." mahinahong sabi ko habang napapakamot ako sa ulo.

"Hindi rin ako makapaniwala na si Marie yung nanay ni freen na nang iwan sa kanya. Hindi sya masamang tao.. Yun ang pagkakakilala ko sa kanya.." sabi ni mama.

"People change based on their life experiences. Maybe she has changed since you left her, and she is no longer the person you knew before." Sabi ko sa kanya..

"Sigurado akong may dahilan sya kung bakit nya nagawa yun.." sabi ni mama..

Bakit parang biglang nagbago ang isip nya? Last time we talked about it, she said that if she were in freen's situation she will be mad too.. but now?? She's defending her..

"Everything has a reason.. but not all are valid.." sabi ko naman kay mama.

"Valid or not, she needs to hear her mother's explanation." Sabi ni mama..

"I know.. but how? She doesnt even want to talk about her real mother.." sabi ko naman sa kanya.



Sa dami-dami nvmg babae sa mundo, bakit yung ex pa ni mama ang totoong nanay ni freen? Pinaglalaruan ba kami?

It seems like pinagtagpo kami ni freen para magtagpo silang mag ina??




Pag uwi namin sa bahay ay naroon na si freen.. sinusundo na ako..

Sinalubong nya ako ng ngiti at mahigpit na yakap pagkamano nya kay mama.

"Kanina ka pa dito anak?? Kumain kana ba? Ipaghahanda kita ng makakain.." sabi ni mama sa kanya..

"Kumain na po ako, thank you po.." sagot naman ni freen habang nakayakap sakin.

"Do you miss me??" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"What's new?" Tanong nya sakin kaya napangiti ako..

"Im hungry.." sabi ko sa kanya..

"Hindi ka pa kumakain? Lets order some meal.." sabi nya sabay kuha sa phone nya para umorder kaya naman agad kong inagaw ang phone nya.

"Why??" Tanong nya habang bakas sa mukha ang pagtataka kung bakit ko inagaw ang phone nya.

"Im hungry.. I wanna eat you.." nakangiti kong sabi sa kanya na agad namang nagpangiti sa kanya. Nang hahalikan na nya ako ay bigla namang may sumira sa moment  namin..

Si Rich..

"Ate freen, bilyar tayo.. Nandyan po si Tee sa labas, kasama si ate yuki.." nakangiting aya ni Rich kay freen.

Totoo ba tong narinig ko?? Tee lang ang tawag nya kay Tee?

"Hey.. anong tawag mo kay Tee?" Tanong ko..

"Tee.." sagot nya.

"Close kayo? Mas matanda pa sakin yun tapos Tee lang ang tawag mo sa kanya.." sabi ko sa kanya.

"Anong itatawag ko sa kanya? Bro?? Eh ayaw nyang tawagin ko syang ate.." Sabi ni Rich na bakas sa mukha ang pagkalito kaya naman natawa agad si freen..

"Its okay.. lets go.." sabi ni freen ng nakangiti sabay alis.

"Wait.. where are you going??" Tanong ko naman kay freen.

"Magbibilyar kami.." sagot ni freen.

Seriously? Pipiliin nya pa na magbilyar kesa makasama ako? Akala ko ba miss nya ako??

"Payagan mo na si ate freen, kasama namin si papa.." sabi ni Rich. 

"Akala ko ba miss moko? Uunahin mopa magbilyar.." sabi ko na kunwari ay nagtatampo..

Lumapit sya sakin at humawak sa bewang ko sabay bulong..

"Lets each other later.." bulong nya sakin sabay kiliti..

"Promise?" Nakangiting sabi ko sa kanya..

"Promise.." sagot nya sabay kiss sa labi ko..

Pagkatapos non ay lumabas na sila.. si Yuki naman ay pumasok.. nagkwentuhan, nag foodtrip habang nag mu-movie marathon kaming dalawa.

Wala kasi kaming interes sa pagbibilyar kahit pa sabihin na manunuod lang naman.. Mas bet namin ang mag movie marathon mag bestfriend.


.
.
.
.
.
.
(Stay tuned.. and dont forget to comment about the chapter..)

Secret Admirer (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon