CHAPTER XXXI (TEE's POV)

3.8K 157 17
                                    

Nandito ako sa bahay ni Fon.
Nashock ako sa nakikita ko..

Isang freen na mahina, lugmok, at parang gusto ng kitilan ang sariling buhay. Ibang iba sa freen na nakilala at nakasanayan ko.

Hindi sya ganito, pero bakit sya nagkakaganito?

"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?" Tanong ko sabay agaw ng bote ng alak na hawak nya.

"What are you doing here? Tanong nya na hindi man lang tumitingin sakin.

"tinawagan ako ni Fon para papuntahin dito.." sagot ko.

"Traydor.. I told you not to tell anyone about this.." inis na sabi ni Freen.

"Hey, dont be mad at her.. tinawagan nya ako because she's concern about you.." sabi ko sa kanya.

"Ayokong makita mo akong nagkakaganito, umalis kana.." mahinahong sabi nya.

"No, hindi ako aalis.. gusto kong uminom at maglasing kasama ka.." sabi ko sa kanya sabay upo sa tabi nya para mag inom.

Sinenyasan ko si Fon na lumabas na muna para makausap ko si Freen ng masinsinan. Agad naman din syang lumabas.

"Bakit mo ginagawa to? Bakit hindi kapa umalis?" Tanong nya sakin.

"Bakit ako aalis? Natatandaan mo ba nung gusto ko ng tapusin ang buhay ko noon dahil namatay ang mom and dad ko?" Tanong ko sa kanya sabay lagok ng alak.

"Sinabi ko rin na umalis ka at iwan moko, pero hindi mo yun ginawa.. kasi sabi mo.. kaibigan kita.." dugtong ko pa..

"So bakit ako aalis ngayon? Kaibigan moko.." Tanong ko sa kanya. Sabay kaming tumungga ng alak..

"Hindi mo naman kailangan gawin sakin yung mga ginawa ko noon para sayo.. Ginawa ko yon kasi kaibigan kita.." sabi nya sakin.

"I know.. at gusto ko rin gawin dahil kaibigan kita.." sagot ko..

"Natatandaan mo ba nung walang tumatanggap sakin na company dahil lesbian ako? Nandyan ka, hindi ka nagdalawang isip tulungan ako. Kaya eto ko ngayon, may sarili na ring kumpanya dahil sa tulong mo.." sabi ko sa kanya. Pinipigilan kong maiyak dahil hindi bagay sakin maging iyakin.. ayoko rin na makadagdag sana sa bigat na nararamdaman nya..

"You're good in everything, kaya ka naging successful.. not because of me.." sabi ni Freen na ayaw parin paawat sa pagtungga ng alak. Mugto ang mata. Mukhang kulang rin sa tulog. Malayo sa freen na presentable palagi..

"Pinipilit kong maging katulad mo.. matino.. magaling sa lahat ng bagay.. pero ang hirap maging ikaw.. kahit ginawa ko na yung best ko, wala parin.." sabi ko..

"Bakit mo gustong maging ako? Iniwan nga ako ng sarili kong ina sa lansangan dahil wala akong kwenta.. isa akong bunga ng pagkakamali nya.." umiiyak na sabi nya. Hindi na nya napigilan ang umiyak..

"Para sa kanya isa kang pagkakamali, pero para sakin hindi.. ikaw yung naging pag-asa ko, ikaw yung dahilan kung bakit nandito pa ko ngayon.." sabi ko sa kanya habang tinatapik ang balikat nya para pakalmahin sya sa pag iyak.

"Isa akong duwag na ginagawa ang lahat para mahalin ako.. Ginagawa ang lahat para hindi magkamali, kasi natatakot akong maiwan ulit, katulad ng pag iwan sakin ng nanay ko noon.." umiiyak na sabi nya..

"Gusto ko lang malaman mo na hindi mo kailangan maging perfect, hindi mo kailangan maging tama palagi, hindi mo kailangang unahin palagi ang iba para lang hindi ka maiwang mag isa.. kasi may mga taong mahal ka at hindi ka iiwan kahit na anong pagkakamali ang magawa mo sa buhay.." sabi ko sa kanya..

"Ang dami ko ng pagkakamaling nagawa, pero bakit nandyan kapa rin? Kasi kaibigan moko. At gusto kong malaman mo na kahit magkamali ka, nandito ako.. kaibigan mopa rin ako.." sabi ko sa kanya.

Alam kong makalokohan ako, pero kapag ganitong usapan? Matino akong kausap. Parang kapatid kona si Freen dahil tinuring nya akong kapatid mula nung namatay ang mami at daddy ko. Halos walang wala ako noon pero nandyan sya, hindi nya ako pinabayaan. Tinulungan nya akong makabangon. At gusto ko ganun din ang magawa ko sa kanya.

Ayokong nakikita syang ganito kalugmok, kawasak.. ang bigat sa pakiramdam..

"Bakit ang sakit sakit naman magkamali?" Tanong nya sakin habang humihikbi kakaiyak. Ang nakikita ko ngayon ay ang batang freen na humihikbi sa pag iyak..

"Pag usapan natin kung ano ba talaga ang nangyari. Bakit ka nagkakaganyan?" Tanong ko sa kanya..

"Nakalimutan ko sya dahil sa sobrang pag aalala ko kay Fon nung nakita ko syang nag aagaw buhay sa hospital.." patuloy ang pag iyak nya habang nagsasalita.

"Isang pagkakamali lang yon.. pero inentertain na agad nya yung lalaking alam naman nya na may gusto sa kanya.. ginawa nya parin kahit na alam nyang masasaktan ako.." galit na sabi nya habang umiiyak sabay lagok sa alak na hawak nya.

"Maybe its just a misunderstanding.. its normal in every relationship.." sabi ko sa kanya. Its her first relationship kasi, maybe hindi nya pa alam na ang ganitong away ay normal lang sa magkakarelasyon.

Tumayo sya at binasag nya lahat ng bote sa harap nya. Tinaob nya ang lamesa, sinipa ang mga upuan..

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang gagawin, o kung paano sya aawatin.

Ngayon ko lang sya nakitang magwala..

Niyakap ko sya para wala na syang magawang hindi maganda..

Nagpasukan sina Jim, Fon, sky, at maddy ng marinig ang mga kalabog na dulot ng pagbabasag ni Freen.

Patuloy na umiiyak si freen habang yakap ko sya. Bakit ba nangyayari to?
What should I do?

Maya-maya ay nakatulog na si Freen..

"Its your fault bitch.. kung dika nag suicide, hindi mangyayari to.. yung pagkaselfish mo, nakakasira ng relasyon." Inis na sabi ko.

"Tee.." awat ni Jim.

"Dont put the blame on her." Dugtong nito.

"Totoo naman diba? Hindi mangyayari to kundi dahil sayo. Even now, alam mong nagkakalabuan sila pero hindi mo man lang kausapin si Becky para sabihin na nandito si Freen." Inis na sabi ko.

"I did.. Tinawagan ko sya pero hindi nya sinasagot yung tawag ko" umiiyak na sabi ni Fon.

"Ang sabihin mo, pabor sayo na maghiwalay sila kasi selfish ka!" Sigaw ko sa kanya. Ewan ko ba, nadala na rin ako ng emosyon.

"Tee stop it!" Awat ni Jim.

"Walang may gusto ng nangyayari.. wag tayong magsisihan dito.." sabi ni Sky.

"Oo pabor sakin na maghiwalay sila.. mahal ko sya eh.." umiiyak na sabi ni Fon..

Nagulat kaming lahat sa sinabi nya.

"See?" Inis na sabi ko.

"Pero nung nakita ko syang nagkakaganito, hindi ko kaya.. Ang sakit sakit.. Hindi ko sya kayang tignan ng hindi ako nasasaktan.. thats why tinawagan ko si bec.. pero hindi nya sinasagot yung tawag ko.." patuloy parin sa pag iyak si Fon habang nagpapaliwanag..

"Nakita kong tumatawag sya sa phone ni Freen kaya sinagot ko, dahil gusto kong sabihin na nandito si Freen.. pero hindi na nya ako binigyan ng chance na masabi yon dahil pagkasabi ko palang ng hello, pinatayan na nya ako.." dugtong pa nya habang umiiyak.

"Kaya nga tinawagan kita kahit pinagbawalan nya kong sabihin sa iba na nandito sya.." sabi pa nya..

Natahimik ako.

Bigla akong nakonsensya sa sinabi ko. Mali talaga na nagpapadala sa emosyon. Dahil sa galit o inis natin dahil sa nangyayari, may mga bagay tayong nasasabi na hindi na natin napag iisipan.. kaya sa huli, nagsisisi tayo.

Npatingin kaming lahat sa pinto ng may kumatok..

Binuksan ko ang pinto..

Oops!!

Si bec..


Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now