CHAPTER XLVI (LISA's POV)

3.2K 147 11
                                    

After namin puntahan yung mismong lugar kung saan itatayo ang branch, at pag usapan ang mga materyales na gagamitin dito, agad kaming pumunta sa dalampasigan para mag volleyball. Pagkatapos nun ay sumakay kami sa jetski. Shempre angkas ako ni Freen. Kasi sabi ko ayokong sumakay sa tropa nya dahil wala akong tiwala sa mga to.

Nang mag gabi na ay nag inuman kami sa dalampasigan at konting kwentuhan. Sayang nga at hindi kami nakapag selfie dahil pare-pareho naming iniwan ang phone namin.

Hindi naman kami nalasing dahil konti lang ang ininom namin. Pero kahit ganon, ang saya namin. Ramdam kong masaya sila na kasama nila ako.

Habang naglalakad kaming dalawa patungo sa bahay na tutuluyan namin ay para akong mabibingi sa katahimikan.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Baka kasi tumatawag na si bec eh.." sagot nya sakin.

Kahit na wala dito si bec, sya parin ang iniisip ni Freen. Well, I dont care. Ang mahalaga sakin, ako yung kasama ngayon. And I'll do everything para maging masaya din sya sakin.. para magustuhan nya rin ako.

"Masaya ka rin palang kasama no? Akala ko kasi maarte at hindi ka madaling pakisamahan.." nakangiti nyang sabi sakin.

Inaamin kong kinilig ako sa sinabi nya. Sino bang hindi kikiligin kapag sinabihan ka ng ganun? It means napasaya ko sya..

"Thank you ha?.. kahit papano nakatakas ako sa magulo kong mundo.." sabi ko sa kanya..

Magulo talaga ang mundo ko.. minsan iniisip ko, sana hindi nalang ako sumikat ng ganito, malaya sana akong namumuhay.. hindi tulad ngayon, konting galaw may issue kaagad.

Nakakamiss ang buhay ko noon.. pero ayoko rin namang talikuran kung ano ang meron ako ngayon.. mas maraming nagmamahal at nakakaappreciate sakin ngayon kesa noon..

"Baka maiyak kapa, tara na sa loob" tumatawang pang aasar nya sakin.

Pagbukas nya ng pinto ay ako ang una nyang pinapasok. Ang bait diba? So sweet.

Kaya naman pagpasok ko ay hinintay ko syang makapasok at masarado ang pinto. Pagharap nya sakin ay agad ko syang hinalikan sa pisngi na ikinagulat nya ng husto.

"Thank you for making me happy today.." sabi ko sa kanya pagkatapos ko syang halikan sa pisngi.. Hindi na sya nakapagsalita. Well, wala naman na syang magagawa dahil masyado akong mabilis para maiwasan nya.

"Akyat na ko.." sabi ko sa kanya sabay alis..

Pag akyat ko ng hagdan ay nilingon ko sya. Dumiretso sya kung saan nya iniwan ang phone nya.

Nakita ko rin kung paano sya mag alala, siguro dahil yun sa mga text and calls ni bec.. napapakamot nalang sya sa ulo..

Umakyat na ako at naligo..
Masyado akong napagod ngayong araw.. Masyado akong nag enjoy.

Pagkatapos kong maligo ay nagpahid na ako ng skin care ko.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya naisipan kong bumaba.

Pagbaba ko ay nakita kong nag iinom mag isa si Freen habang nanunuod ng Tv..

Gusto kong maawa sa itsura nya dahil mukha syang problemado.

"Bat dika pa tulog? Malakas ba yung sounds ng Tv?" Tanong nya sakin at agad nyang pinatay ang Tv.

"No.. hindi naman.. nakaramdam lang ako ng pagkauhaw kaya bumaba ako para kumuha ng tubig.." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Nandun yung ref.." turo nya sakin.

Umupo ako sa tabi nya at nagbukas ako ng isang bote ng alak.

"Kailan pa naging tubig yan?" Tanong nya sakin.

"Pwede na to, ginagawa ko rin naman tong tubig kapag problemado ako.." nakangiti kong sabi sa kanya sabay tungga sa alak.

"So problemado ka?" Tanong nya ng hindi tumitingin sakin.

"Hindi, pero may nakikita akong problemado.." tumatawang sagot ko sa kanya.

Napabuntong hininga nalang sya..

"Wow.. ang lalim ng buntong hininga.." nakangiti kong sabi sa kanya.

"If you have a problem, you can tell me.. im not just a business partner.. I can be a friend too" nakangiti kong sabi sa kanya.

Ngumiti lang sya at tinungga ang alak na hawak.. pero hindi sya nagsalita.

"Lahat ng fans ko, sinasabi nila na ang swerte ko, na sana kasing perfect ng life ko ang life nila.. but they have no idea what I went through just to get here.." sabi ko sa kanya.

"Before all of this, I was useless. No one loves me, no one accepts me, not even my own family." Dugtong ko habang pinipigilan kong maiyak.

"Bakit mo sinasabi sakin yan?" Tanong nya sakin.

"I told you something I was ashamed to tell others. Because I know I can trust you. I hope you also see me as a friend .. someone you can trust." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ayokong nagkakalayo kami kasi nai-stress ako kapag ganitong nag aaway kami.." sabi nya sakin.

"Palagi syang nagseselos sa mga nakakasama ko, kahit wala naman syang dapat ikaselos.." sabi nya habang bakas sa mukha ang pag aalala.

"Tapos pag ganitong magkaaway kami, makikita kong magkasama sila ng bestfriend nyang may gusto sa kanya.." kwento nya sabay tungga sa alak.

Medyo lasing na sya, bakas sa mata nya na konti nalang ay makakatulog na sya.

"Lasing kana, matulog kana.. maaga pa tayo bukas" sabi ko sa kanya.

Ayokong sakyan ang pagkadrama nya dahil alam kong lasing na sya.

Bago sya tumayo ay nagtext sya, hindi ko alam kung kanino, pero nakapagtext pa sya.

Pambihira. Nakuha nya pang magtext kahit nakapikit na yung isang mata nya.

Tinulungan ko syang makaakyat sa kwarto nya. Nang nasa pinto na kami ay bigla syang napasandal sakin. Medyo mabigat rin kasi sya kaya nahirapan akong alalayan sya.

Nang malapit na kami sa kama ay natumba kami pareho, ako ang nakahiga habang nakapatong sya sakin.

Ang bigat.. nakadapa sya sakin ng walang malay.. kaya naman agad ko syang tinulak pahiga..

Okay sana kung papatong ka ng gising, ang bigat mo kaya.

Nakahiga na ang walang kalaban laban na si freen. Maglalasing pero hindi kaya ang sarili.

Nang tangka kona syang halikan ay biglang dumating si Tee. Ang istorbo nyang kaibigan.

"Anong ginagawa mo?" Tanong nya sakin habang nakatayo sya sa pinto.

"Ikaw anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya sabay tayo sa higaan.

"Ako na ang bahala dito, bumalik kana dun" sabi ko sa kanya pero hindi sya sumunod. Nahiga pa sya sa tabi ni Freen na para bang nang aasar.

Tinignan ko sya ng masama dahil sa sobrang inis ko. Bakit ba ang epal nya? Panira ng moment kahit kailan.

Kanina sa jetski, pinipilit nyang si Sky ang magdrive para sakin.

Nung nagbonfire kami, gumitna sya samin ni Freen. Parang nananadya na eh.

"Bat ba ang kulit mo?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Ako na ang bahala, matagal ko ng pinapalitan ng damit yan pag lasing. Simula highschool kami" sabi ni Tee sakin habang inaayos ang hihigaan nya.

Wala akong nagawa kundi umalis sa kwarto nya.

Kahit kailan, istorbo tong kutong lupa na to. Bakit ba kasi sila sumama dito? Hindi naman sila kailangan dito.




(Please do like and leave a comment every chapter.. dont forget to follow my account.. Thank you so much. You are my motivation, love you all ❤️)

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now