CHAPTER XVIII (FON's POV)

4.4K 173 23
                                    

Finally nandito na kami sa Resort ni Freen.

Ewan ko ba kung bakit hindi pa ako bumukod ng kotse, para kong tinotorture yung sarili ko habang dalawang couple ang naglalambingan sa harap ko. At isa na don, si Freen..

Oo, mahal ko sya.. since we're highschool. Pero takot akong aminin yun sa kanya. Ayokong masira ang friendship namin.. and besides, she dont feel the same way.. Alam kong walang pag-asa.. lalo na ngayon na may girlfriend na sya. Si bec..

Mabait si bec, maganda, masipag.. I tried na pakisamahan sya.. Pero sa twing nakikita ko sya, sa twing nakikita ko kung gaano nila kamahal ang isat isa.. hindi ko mapigilan ang masaktan..

Siguro we can be close friends kung hindi sya ang girlfriend ni Freen..

Nandito na kami sa bahay kung saan kami matutulog. Meron ditong anim na kwarto.

At shempre solo ko nag kwarto ko..

Pagkatapos namin kumain ay binuksan na nila ang karaoke at inihanda na ang mga alak.

Nag inuman kami habang nagkukwentuhan at nagkakantahan.

Nang medyo may tama na ako, biglang napunta sakin ang atensyon nila.

"Bakit hindi ka pa nagkakajowa?" Tanong ni Yuki sakin.

Naaah.. as if were close..

"Babe.. how many times do I have to tell you, walang nanliligaw dyan dahil pinaglihi sa sama ng loob.." tumatawang sabi ni Tee.

Magjowa nga sila, parehong nakakairita.

"Grabe ka naman kay fon. Marami kayang nanliligaw dyan." Sabi ni jim.

"Marami nga, binabasted naman lahat.." singit ni sky.

"Bakit nga ba?" Tanong ni Yuki.

Usisera.. maritess. Bago palang sya dito pero kung umasta kala mong close kami.

"Alam nyo ba? Palagi kong sineset up ng blind date yan si fon, pero ni isa don wala syang nagustuhan." Sabi ni freen habang tumatawa.

Tumingin lang ako sa kanya..

Gustuhin ko man sabihin na mahal ko sya, hindi ko magawa.

Maybe someday I'll find the strength to say that she is more than just a bestfriend to me..

"Ano ba kasing problema? Sinet up kota sa lalaki, ayaw mo. Sinet up kita sa babae, ayaw mo rin." Dugtong ni Freen.

"Bakit ba kasi panay ang set up mo sakin?" Iritang sabi ko sa kanya.

"Nah... It's because ikaw nalang ang walang jowa dito." Sabi ni Jim.

"Ano ba kasing gusto mo?" Tanong ni Sky.

"Dont waste your time trying to find someone for me.. I already have someone in my heart.." sabi ko na ikinagulat nilang lahat.

"Ha? Why didnt you tell me?" Tanong ni Freen.

"Should I?" Tanong ko.

"Ofcourse im your bestfriend.." sagot nya sakin.

"She's not mine.. she belongs to someone else.." malungkot na sabi ko.

"Kahit na.. im yoyr bestfriend.. I should know.." sabi ni freen na parang nagtatampo pa sakin.

"Even if I told you, nothing will change.." Sabi ko sa kanya.

"So anong itsura ng jowa nya?" Tanong ni Jim.

"Baka mas maganda ka pa don." Sabi ni sky.

"I know, mas maganda talaga ako don." Sagot ko.

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now