CHAPTER XX (FREEN's POV)

4.2K 183 4
                                    

SATURDAY

Pag gising ko, wala na si becbec sa tabi ko.
Ang aga nya gumising.. Himala..

Bumaba ako para hanapin sya, nakita kong nagluluto si Fon.

Sya kasi ang marunong magluto sa tropa.. masarap din syang magluto.

"San sila?" Tanong ko kay Fon.

"Nandun sa dalampasigan.." cold na sagot ni Fon.

"Ano yang niluluto mo? Mukhang masarap ah" sabi ko..

"Patikim nga.." sabi ko sabay lapit sa kanya.

Kumuha sya ng isang kutsara at sumandok.. hinipan nya ito bago nya isubo sakin.
Pero pagkasubo nya sakin ay napaso parin ang labi ko.

Binitawan nya agad ang kutsarang hawak nya at hinawakan ang labi ko.

"Sorry.. sorry.." sabi nya sabay hawak sa labi ko.

"Okay na.. okay na.." sabi ko sabay tanggal ng kamay nya sa labi ko. Nagtawanan kami pareho dahil sa nangyari.

Bigla kaming natigil sa pagtawa ng marinig namin si Bec.

"So sweet.." sabi ni Bec sabay palakpak.

"Nakakaistorbo ba ako?" Nakangiting sbai nya.

Alam kong hindi totoo yung ngiti nya. The way she speaks, alam kong may mali.

"Hindi naman love.. come here, tikman mo yung niluluto ni fon" sabi ko. Kinuha ko ang kutsara para patikimin sya pero bigla syang nag walkout.

Im worried.. kagabi lang pinag iisipan nya ng kung ano si fon.. baka kung ano na ang iniisip nya samin ngayon.

Lumabas ako para habulin sya.

"Love.." tawag ko sa kanya.

Hindi sya humihinto kaya nang maabutan ko sya ay hinila ko ang braso nya.

"Bitawan moko nasasaktan ako!"  Sigaw nya kaya naman napatingin samin sina Jim at ang iba pa naming kaibigan na naglalaro ng volleyball sa dalampasigan.

Binitawan ko sya kagaya ng hiling nya. Nagtataka ako kung bakit galit na galit sya. Wala naman akong ginagawa.

Nakita ko ang namumuong luha sa mata nya kaya agad kong hinawakan ang kamay nya. Pero agad nyang iniwas ang kamay nya para diko ito mahawakan.

"Ano bang problema?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin sya sa sa itaas para subukang pigilan ang luhang pabagsak na sa mga pisngi nya pero hindi nya ito napigilan.

"Why are you crying?" Tanong ko..

Nag aalala na ako. Bakit naging ganito sya kasensitive pagdating kay fon?

"Please.. wag mo muna akong kausapin.." sabi nya sabay lakad palayo.

Namuo ang luha ko sa mata ng makita ko syang palayo sakin.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Hindi man lang nya ako hinayaang magsalita. Hindi man lang nya ako pinakinggan.

Lumapit sakin sina jim pagkalayo ni bec.

"What happened?" Tanong ni Tee.

"Hindi ko alam.." sagot ko.

"Umalis nalang sya bigla nung nakita nya kami ni fon na naghaharutan sa kusina.. but its nothing.. matagal naman na kaming ganon ni fon.." sabi ko pa.

"Maybe she found out something.. thats why she felt this way.." sbai ni yuki na nagpatahimik samin.

Umalis si yuki at hinabol nya si Bec.

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now