CHAPTER XXVII (FREEN's POV)

3.9K 162 10
                                    

Kinagabihan, dito kami umuwi sa bahay nila. Request din kasi ng mama nya, saka para maibigay narin nya ang pasalubong ni mami sa kanila.

Pagdating namin ay binigay nya agad ang mga pasalubong.

"Wow, mamahalin to ah" sabi ng mama nya.

"Wow ang ganda nito ate. Pakisabi sa mami mo ate freen salamat ah.." nakangiting sabi ni Rich na bakas sa mukha ang pagkatuwa.

"Oo nga, nakakahiya naman sa mami mo.. pakisabi maraming salamat.." nakangiting sabi ni mama.

"Makakarating po.." sagot ko.

Umakyat na kami sa kwarto. Di nagtagal ay nakatulog narin kaagad.


Midnight time ay nagising ako sa ring ng phone ko. Si Tee, tumatawag..

"Hello?" Bungad ko habang nakapikit pa ang mata dahil sa kaantukan.

"She's in the hospital right now, critical" sabi ni Tee na bakas sa boses ang pag aalala..

Agad namang nabuhay ang diwa ko sa sinabi nya. Sino ba naman kasi ang hindi mabibigla? Ganitong oras tatawag sya para magbalita ng hindi maganda.



"Who?" Tanong ko.

"Si Fon.. nagsuicide sya. Buti nalang kamo at dun dumiretso si Sky at Maddy pagkatapos natin mag dinner.." sabi ni Tee.

Nagulantang ako. Napalunok. Agad akong tumayo at nagmadaling pumunta sa hospital kung nasaan sya. Hindi na ako nakapagpaalam kay Bec dahil tulog na tulog sya.

Pagdating ko sa hospital ay naroon na si Sky, Maddy at Tee.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa sobrang pag aalala.

"Ayun pagdating namin nakahandusay na sya dun, hawak nya yung kutsilyo. Medyo maraming dugo na rin ang nawala sa kanya, sana maisalba pa sya.." umiiyak na sabi ni Maddy.

Napakamot ako sa ulo sa sobrang pag aalala..

Bakit mo ginagawa yan sa sarili mo fon? Hindi mo deserve yang ganyan. Wag mo kaming iwan ng ganito..

Pag may nangyaring masama sayo, hindu ko mapapatawad ang sarili ko..

Paglabas ng doktor ay sinabi nya samin na critical parin ang lagay ni Fon dahil sa dami ng dugong nawala dito.

Nai-stress na ako. Para akong mababaliw sa pag aalala.

Inabot na kami ng gabi ay hindi parin nagigising si Fon. Pero okay naman na sya sabi ng doktor.

"Umuwi kana muna, magpahinga ka.." sabi ni Tee.

Ako kasi ang naiwan kay Fon. Kaya pinagpapahinga na nila ako.

OMG!! SI BEC..

Hindi nga pala ako nakapagpaalam sa kanya. Pumasok kaya sya? Hindi ko rin nasagot ang mga tawag nya dahil sa sobrang pag aalala ko kay Fon. Pati ang nga texts nya ay hindi ko nabasa kaagad..

Ngayon naman ay kay bec ako nag aalala.. nawala sa isip ko si bec dahil sa sobranv pag aalala sa buhay ng bestfriend ko.

Dali dali akong umuwi ng bahay. Shempre dun ako umuwi sa bahay nila.

Pagdating ko don ay wala si bec, ang sabi nila ay pumasok sa office pero dipa rin nakakauwi. Sinusubukan ko syang tawagan pero pinapatay nya ang tawag ko.

San ko sya pupuntahan kung diko alam kung nasan sya? Kanina pa ang uwian nila so malamang wala na sya sa office.

Badtrip!! Wag ka namang sumabay bec..

Maya-maya ay may dumating na kotse..
Kotse ni Ron..

Nagulat ako ng bumaba si Bec sa kotse ni Ron.
Lalong nag init ang ulo ko. So kaya hindi nya sinasagot yung tawag ko kasi kasama nya si Ron?

Sa sobrang galit ko, hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Bec saka ko sya hinila.

"Wag mo namang saktan si Bec.." sabi ni Ron pero diko sya pinansin. Patuloy ako sa paghila sakanya hanggang makarating kami sa tapat ng bahay nila.

"Ano ba? Nasasaktan ako!" Sigaw nya habang nagpupumiglas sa hawak ko.

"Ako ba hindi?!" Sigaw ko sa kanya.

"Wala akong ginagawang masama!" Sigaw nya sakin.

Alam kong malakas ang sigawan naming dalawa kaya napalabas si Rich at ang mama nya.

"Kung wala, bat hindi mo sinasagot ang tawag ko?!" Sigaw ko sa kanya.

"Wow! So kapag ikaw pwede mong dedmahin yung tawag ko? Pag ako hindi pwede?!" Sigaw nya.

"Sana naisip mo na may emergency ako!" Sigaw ko sa kanya.

"Sana naisip mo rin mag update kahit may emergency ka para hindi ako parang tangang naghihintay at nag aalala sayo! Magkasama nga tayong natulog kagabi diba? Pag gising ko wala kana, hindi ka rin pumasok sa office.. wala kang pasabi. Anong gusto mong maramdaman ko?!" Sigaw nya sakin.

"So yan yung reason mo kaya nagpapahatid kana sa kanya ngayon?!" Sigaw ko.

"ano bang pinagsasabi mo?!" Sigaw nya.

Puro kami sigaw.. Masyadong mainit ang ulo namin pareho. Walang gustong magpakumbaba.

"Now I know, kapag wala ako, hindi moko hahanapin.. mas masaya kapa yatang wala ako eh" nakangiting sabi ko sa sobrang dismaya.

"Hindi totoo yan!" Sigaw nya habang umiiyak.

"Anong hindi totoo?! Ito na nga diba? Kaya ka hindi sumasagot dahil kasama mo sya!" Sigaw ko sa kanya habang bakas sa mukha ko ang sobrang galit.

"Sumabay ako dahil nakita nya kong walang masakyan ng gantong oras, hinintay kita sa office pero ni isang text, ni isang tawag wala kang ginawa. Hindi ka sumasagot sa mga tawag ko. Anong gusto mong gawin ko?!" Sigaw nya sakin.

"Bullshit na dahilan yan!" Sigaw ko.

"Kung ayaw mong maniwala, bahala ka sa buhay mo!" Sigaw nya sakin.

"Fine! Magsama kayong dalawa!" Sigaw ko sa kanya sabay pasok sa kotse.

"San ka pupunta?" Umiiyak na tanong nya habang kinakatok nya ang kotse ko. Hindi ko sya pinansin. Umalis nalang ako dahil sa sama ng loob.

Ito ang unang pag aaway namin. Hindi ko alam kung bat ko sya sinigawan. Nadala narin siguro ako ng sobrang pagka stress sa nangyari kay Fon, tapos makikita ko pa sya na kasama nya yung lalaking yon. Sino ba naman ang hindi magagalit? Hindi nya sinagot mga tawag ko dahil kasama nya yung lalaking yon.

Pag uwi ko ng bahay ko, hindi ko mapigilan ang maiyak dahil sa nangyari. Hindi ko inakala na magiging ganito kalala ang away namin.

Hindi ba nya ako naiintindihan? Muntik ng mamatay si Fon dahil sakin. Tapos pag uwi ko, ang madadatnan ko silang dalawa ni Ron? Hindi nya ba naisip yung mararamdaman ko sa ginagawa nya? Knowing na iniignore nya yung tawag ko dahil kasama nya yung lalaking yon!.
Bakit moko sinasaktan ng ganito?

Nang makatulog ako dahil sa pag iyak, bigla namang tumawag si Tee.

"Gising na si Fon.. wag kana mag alala. Magpahinga ka muna jan.." sabi ni Tee.

"Sige.." sagot ko na halatang kakagaling lang sa pag iyak.

"Are you crying?? I said dont worry, gising na si fon.." sabi ni Tee.

"Yeah I heard.." sagot ko.

"Bat ganyan ang boses mo? Umiyak ka ba?" Tanong ni Tee.

"Im fine.." sagot ko.

"Wag ka ng umiyak. Buhay si Fon, hindi sya patay okay?" Sabi ni Tee.

Inoff kona ang phone ko at natulog ulit.





Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now