CHAPTER L (FREEN's POV)

3.4K 160 20
                                    

Pag gising ko ay tinawagan ko agad si bec dahil hindi ako nakapagpaalam sa kanya bago ako makatulog kagabi sa sobrang kalasingan.

Sinagot nya naman agad ang tawag ko, buti nalang..

Nag video call kami..

"Hello love?" Bati ko sa kanya habang gusot pa ang buhok ko at nakahiga sa kama.

Agad kong napansin ang mugto nyang mata. Umiyak ba sya?

"Did you cry?" Tanong ko ng may pag aalala..

Hindi sya sumasagot pero bigla nalang tumulo ang luha nya.

"Why are you crying? What happened?" Tanong ko sa kanya. Sobrang nag aalala ako. Anong dahilan ng pag iyak nya? May nangyari ba?

"Tell me, whats wrong?" Mahinahong tanong ko sa kanya.

Umiyak lang sya ng umiyak.. hindi nya sinasagot ang tanong ko. Kaya eto ako, nababaliw sa kakaisip kung anong dahilan..

May nangyari bang masama? May nagawa ba ko. May masakit ba sa kanya? Lahat yan diko alam ang sagot dahil hindi nya ako sinasagot.

"Love.. im worried.." mahinahong sabi ko sa kanya.

"Lets talk some other time.." sabi nya sakin..

"Pero love..." Tanging nasabi ko bago nya ako patayan ng call.

Napakamot ako sa ulo sa sobrang inis. Nag aalala ako sa kanya, pero bakit hindi nya sinasabi sakin kung anong dahilan ng pag iyak nya. Papatayin nya ba ako sa pag aalala?

Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang hirap kapag ganitong magkalayo kami. Gusto ko ng umuwi agad kahit na nakakadalawang tatlong araw palang kami dito.

Pero kung uuwi ako, sino ang mag aasikaso dito? Wala naman dito si fon para ayusin to lahat.

Si fon kasi ang pinaka nag aayos ng mga ganitong bagay eh. Pero dahil sa nangyari, hindi na sya gaanong sumasama sakin..

Tinawagan ko si Rich.. ang kapatid ni bec.  Para sana itanong kung may nangyari bang hindi maganda don sa bahay nila. Pero sabi naman ni Rich, okay naman sila. At hindi dun natulog si bec..

So I decided na tawagan si Yuki.

"Hello, yuki.." Bati ko sa kanya.

"Hello, freen.. bat napatawag ka?" Tanong nya.

"Tumawag kasi ako kay Rich, sabi nya dyan natulog si bec.." sabi ko

"Yep, dito sya natulog.." matipid na sagot nya sakin.

"Nag aalala kasi ako eh, tinawagan ko sya kanina.. umiiyak sya pero di nya sinabi sakin kung bakit.." sabi ko sa kanya.

"Ahh.. freen kailangan ko na palang maligo, male-late na kasi ako.." sabi nya para makaiwas sa tanong ko

"Yuki, alam kong may alam ka.. Magdamag kayong magkasama.... Wag mo namang itago sakin, nag aalala ako sa kaibigan mo.." sabi ko sa kanya.

"Dapat nga alam mo kung bakit diba? O nagpapatay malisya ka lang? Magkaibigan nga kayo ni Tee!" Inis na sabi nya sakin.

"Huh? Ano bang sinasabi mo? Pwede bang diretsuhin moko" sabi ko sa kanya ng puno ng pagtataka.

"Tinawagan ka nya kagabi diba? Tapos narinig nyang naglalandian kayo ni Lisa!" Pagmamaldita nya sakin.

"Wait, kami ni Lisa? Imposible yan.." sabi ko sa kanya.

"So sinungaling ang kaibigan ko? Iiyak ba sya ng ganyan kung hindi nya kayo narinig?" Tanong ni Yuki na bakas sa boses ang inis.

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now