CHAPTER LIII (BECKY's POV)

3.5K 157 12
                                    

Lunchtime.

Lumabas kami ni Yuki para maghanap ng makakainan. Ayaw kasi namin ng pagkain sa canteen, nakakasawa.

Habang naglalakad kami ay nakita namin si Tee.

"Yuki, si Tee yon diba?" Tanong ko sa kanya..

"Oo nga no? Tara ayain narin natin kumain." Sabi ni Yuki sabay hila sa kamay ko papunta kay Tee.

Nang makalapit na kami ng konti sa kanya ay napahinto kami dahil may babaeng humila sa kanya..

Si Lisa..

Bat sya nandito?? Akala ko ba iniwan nila si Lisa don? Pero bakit nandito sya?

At bakit kasama nya si Tee?

Hinila ni Lisa si Tee papunta sa kotse nya. Pagbukas nya ng kotse ay pinapasok nya si Tee.. hindi naman nag atubili o nagdalawang isip si Tee na pumasok sa kotse.

Nang makapasok na si Tee ay sumunod din si Lisa na para bang may ginagawa silang kakaiba sa mismong iisang pinto ng kotse. Kung saan pumasok si Tee, dun naman nakatayo si Lisa. Nakapasok ang kalahating katawan nito at nasa labas naman ang kalahati.

Odiba? Anong iisipin mo kung ikaw ang makakakita?

Hindi na nakapagpigil pa si Yuki. Sumigaw sya sa sobrang inis.

"Hindi to hotel!" Sigaw ni Yuki kaya napalingon ang dalawang nasa kotse.

Lumabas si Tee at lumapit samin.

"Its not what.." hindi pa man natatapos magpaliwanag si Tee ay agad na syang binigyan ng mag asawang sampal ni Yuki.

"Ano? 'its not what you think?' nanaman ang sasabihin mo?" Sigaw nya sabay ngiti.

Hindi nakapagsalita si Lisa.. hinayaan nyang si Tee ang magsalita para sa kanilang dalawa.

"Mali ka ng iniisip.." paliwanag ni Tee.

"Akala ko ba iniwan nyo si Lisa don? Bakit nandito sya? Sinungaling!" Sabi ni Yuki sabay walk out pero agad syang hinabol ni Tee..

Hinawakan ni Tee ang kamay nya at pinatigil ito.

"Oo, iniwan naman talaga namin sya don.." sabi ni Tee na hawak parin ang kamay ni Yuki.

"Do you expect na paniniwalaan ko yang dahilan mo?" Inis na sabi ni Yuki sabay hawi sa kamay ni Tee.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Aawatin ko ba sila? O hahayaan ko silabg mag usap?

Pero wag naman dito sa gitna ng kalsada. Nakakahiya.

"We're done.." sabi ni Yuki sabay alis.

"Yuki.." sigaw ni Tee pero hindi huminto si Yuki sa paglakad..

Hindi ko alam kung dapat ko bang sundan si Yuki o dapat akong mag stay kay Tee. Alam kong pareho silang nasasaktan.

Pero shempre, sinundan ko si Yuki.. alam kong galit lang sya kaya nya nasabi kay Tee yon. Pero ngayon lang din kasi nangyari to sa kanila.



Kinausap ko ng masinsinan si Yuki about sa nangyari.

"Yuki, maybe you should listen to her explanations.. for you to know the truth.." sabi ko sa kanya.

"What else is true besides what we have seen?" Tanong nya.

"We didn't see them having sex in the car, we didn't even see them kiss. I hope you listen to her explanations of what really happened inside the car.." sabi ko sa kanya.

"What for? If they're not dating, why did she say that they left Lisa in Resort? Why are they together now?" Sabi ni Yuki.

Well, may point sya. maybe they are hiding something.

Secret Admirer (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon