CHAPTER LXXXII (BECKY's POV)

3.3K 167 24
                                    

Kinabukasan.. umagang umaga pero ramdam ko ang init dahil sa mga suot nina Jim, Fon, Yuki at Maddy.

Mga naka shorts at bra ba naman eh. Parang gusto ko tuloy mag bra din. Sakto, bumili ako ng pang swimming na bra.. pero sana payagan ako ni freen.

"Love, pwede ba akong mag suot ng katulad sa kanila?" Nakangiting tanong ko kay freen habang nakayakap ako sa kanya. Well, nilalambing ko sya para payagan nya ako pero hindi umubra yon.

Oo hindi nya ako pinayagan. Kahit hindi pa sya sumasagot, alam ko na agad ang sagot dahil sa matatalim nyang tingin sakin.

"Woy bec, makuha ka sa tingin.." pang aasar ni Tee. Wala akong choice kundi ang mag sando nalang. Mas katanggap tanggap pa daw kasi yon kesa mag bra ako.

Nag jejetski si Rich sa dagat at angkas nya si Sky. Habang sina Tee, Yuki, Jim, Fon at Maddy naman ay naglalaro ng volleyball.

Si freen naman ay pumasok sa loob dahil may kukuhanin sya kaya naman sinundan kona lang sya. Wala rin naman akong ginagawa.

Pag pasok namin sa bahay ay agad ko syang niyakap habang nakatalikod sya.. kaya napuno sya ng pag tataka.

"Why? Do you miss me?" Nakangiting tanong nya sakin saka sya humarap.

"I miss you everyday.." nakangiti kong sagot sa kanya sabay kiss sa labi nya.

"Prove it.." nakangiting hamon nya sakin.

"Busy silang lahat, tayo lang dalawa ang nandito.." nakangiting sabi ko sa kanya sabay halik sa labi nya at pisil sa pisngi ng pwet nya.

Napakagat labi sya dahil nakita nya akong nakakagat labi na para bang gigil na gigil sa kanya.

Well, totoo naman na gigil na gigil ako sa kanya. Duhhh ang tagal na naming hindu nag me-make love.. kasi palagi kaming may kasama sa bahay.. 

"I'll be on top today.." nakangiting sabi ko sa kanya sabay tulak sa kanya kaya napaupo sya sa sofa.. Agad akong kumandong sa kanya paharap at hinalikan ko sya sa labi at sa leeg..

Habang hinahalikan ko sya sa leeg ay biglang bumukas ang pinto kaya nagulat kami pareho at napatigil.

Si Rich.. nakatingin samin nang nanlalaki ang mata at nakanganga. Habang ako ay nakakandong parin kay freen.

"Hala ate, anong ginagawa mo kay ate freen?" Nagtatakang tanong nya. As if naman na wala syang alam.

"Huh?? Ahhh... Ehhh.." tanging nasabi ko dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Bigla akong napatayo habang si freen naman ay nakangiti at halos matawa na sa nangyayari.

"Inaamoy ko lang yung leeg nya, bumili kasi sya ng bagong pabango.. diba?" Sabi ko sabay tingin kay freen.. at shempre tumango naman sya bilang suporta sa dahilan ko.

"Ahh.. kailan pa naging pang amoy ang dila ate?" Tanong ni Rich na tila nang aasar, dinedemonstrate pa nga yung nakita nya. kaya naman hinampas ko sya ng unan sa braso.

"Bakit ba kasi hindi ka marunong kumatok? Wala ka bang pinto sa bahay nyo?" inis na tanong ko sa kanya.

"Eh bakit kasi dito mo inaamoy si ate freen, eh may kwarto naman.." tumatawang tanong ni Rich. Ang kumag na to, magaling mang asar.

"Bakit kailangan pa sa kwarto, eh inaamoy ko lang naman sya.." sabi ko kay Rich habang si freen ay pinipigilan ang tawa dahil alam nyang gustong gusto kong lusutan yung nakita ni Rich.

"Oo na naniniwala naman ako. Tuturuan kona lang si mama at papa kung paano ang tamang pag amoy.. sasabihin ko sayo ko natutunan.." tumatawang pang aasar ni Rich.. kaya naman tumawa rin si Freen.

"Subukan mo lang talagang sabihin kila mama yung nakita mo, tatapyasin ko tong tenga mo.." sabi ko habang hila hila ko ang kanang tenga ni Rich.

"Sige na hindi na ako mag iingay.." sabi nya para bitawan ko ang tenga nya.

"Siguruhin mo lang.." sabi ko sa kanya.

"Grabe, takot na takot naman. Wala namang masama sa ginawa mo ah, inamoy mo lang naman ang leeg ni ate freen gamit ang dila mo.." tumatawang pang aasar ni Rich sakin..

"Pag dika tumigil sasamain ka talaga sakin.." banta ko sa kanya kaya nag zipper sya kaagad ng bibig. Pagkatapos non ay bigla namang pumasok si na Yuki, Tee, Fon, Maddy, Jim at Sky.

"Oh bat nandito na kayo?" Tanong ni Freen sa kanila.

"Eh tapos na kaming mag laro, nagkakadayaan kami eh. Baka masira lang pagkakaibigan kapag tinuloy pa namin." Tumatawang sabi ni Maddy.

"Bat ba kasi nandito kayo sa loob?" Tanong ni Fon.

"Eh kasi itong si ate, inaamoy lang naman nya yung leeg ni ate freen gamit yung dila nya.." tumatawang sabi ni Rich kaya piningot ko sya.

"Oh my Gid bec, is it real??" Tumatawang tanong ni Yuki.

"Kailan pa naging pang amoy ang dila?" Curious na tanong ni Tee.

"Kanina lang po, si ate ang nagpauso.." tumatawang sabi ni Rich kaya piningot ko ulit sya.

"Pipilasin ko talaga yang tenga mo pag di ka la tumigil" banta ko sa kanya.

"Babe paamoy nga rin, kaso ang ipang aamoy ko sayo e yung dila ko.." tumatawang sabi ni Tee kay Yuki.

"Parang ang sarap naman maamoy gamit ang dila.." tumatawang pang aasar ni Sky.

"Hey hey.. wag nyo ngang asarin yung baby ko.." nakangiting awat ni freen sa kanila sabay yakap sakin.

"Love oh, inaasar nila ako.." sabi ko at umarteng parang bata.

"Wag nyo ngang awayin ang wifey ko.." nakangiting sabi ni freen sa kanila.

"Woah.. wifey.." bulyaw ni Tee.

"Pwede ba magpakasal na kayo? Mas gusto naming makita ang little freen at little becbec na sweet sa isat isa.. Umay na ako sa inyo eh.." tumatawang biro ni Sky.

"Eto naman si Sky, mas excited kapa sa ikakasal eh. Mauna kana kaya?" Sabi ni Fon.

"Kanino naman ako ikakasal? Hindi naman ako type ni Lisa.." sabi ni Sky.

"Umaasa ka pa talaga kay Lisa? Hindi mo ba nabalitaan? Nagde-date na sila ni Jenie, yung kaibigan nya na umamin ng feelings sa kanya.." sabi ni Rich..

"Huh?? Kailan pa?" Tanong ni Sky.

"Yay.. di ka siguro naka follow sa kanya noh? Kinonfirm na nya sa live nya kahapon na nag de-date na sila ni Jenie.." sabi ni Rich at ipinakita pa ang recorded video nito sa live ni Lisa.

"Kawawang bata, kung ako sayo mag madre kana lang.." tumatawang sabi ni Tee.

"Bagay sila... akalain mo yun? Lagi silang mag kasama pero ngayon lang sila nag simulang mag date.." nakangiting sabi ni Jim.

"Cute din kaya si Jenie.." sabi ni Maddy..

Lahat kami ay masaya sa lovelife ni Lisa, maliban kay Sky na mukhang depress na naman. Type na type kasi talaga nya si Lisa. Pero anong magagawa nya kung hindi naman sya ang gusto?

Pagkatapos mag asaran ay inisa isa na namin ang activities ng resort katulad ng ginawa namin noon. Si rich kasi ay ngayon pa lang yata magagawa ang mga activities na meron dito. Kaya sinulit namin ang buong araw.. Pinasubok namin sa kanya lahat ng activities na pwedeng gawin sa resort. At bakas naman sa mukha nya ang pag eenjoy.




(Stay tune, the end is so near..)


Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now