CHAPTER XLVIII (BECKY's POV)

3.4K 164 34
                                    

Habang nagpapractice kami ng graduation ay may lumapit sakin na lalaki.

May hawak syang bulaklak sa kaliwang kamay at may hawak na isang supot na may lamang milktea at shawarma rice sa kanang kamay.

"Maam, kayo po ba si Ms. Rebecca Armstrong?" Tanong nya sakin sabay pakita sa picture ko na nasa phone nya.

"Ako nga po.." sagot ko.

"May nagpapabigay po." Sabi nya sakin sabay abot ng bulaklak at ng supot na bitbit nya.

Alam ko naman na kay freen galing yon. Wala namang ibang magbibigay nun kundi sya lang.

Napangiti ako nang binasa ko yung nakasulat sa card na nasa bulaklak..

Alam na alam nya kung pano ako kuhanin..

So I decided na tawagan sya..

"Hello my love.." masayang bungad nya sakin.

"Anong meron? Bat may pa-flowers and milktea ka?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Kailangan ba may okasyon para iparamdam ko sayong mahal kita?" Sabi nya sakin na agad namang nagpangiti sakin..

"I miss you.." sabi ko sa kanya.. at ayan na lumambot na ako ng tuluyan. Alam na alam kasi nya kung pano nya ako susuyuin..

"Please go home na..." Malambing kong sabi sa kanya. 

"I miss you too.. pag uwi ko, babawi ako sayo promise.." sabi nya sakin. ...

"Hmm.. you cant make it today?" Tanong ko sa kanya ng may paglalambing..

"Love.. gustuhin ko man pero hindi pa kasi kami tapos dito eh.." paliwanag nya sakin.

"Okay, I'll wait for you.." sabi ko sa kanya..

Pinatau kona ang tawag dahil nasa kalagitnaan kami ng practice.. ibinaba kona rin ang bulaklak at ang supot na bitbit ko..  

Masaya ako dahil okay na kami.. magaan na ang pakiramdam ko..

Nang mag uwian na ay dumiretso ako sa bahay ng parents nya.

"Woah.. Becbec.." bungad sakin ng mami nya nang buksan nito ang gate..

"I brought dinner for us. Let's eat together." Nakangiti kong sabi sa kanya sabay taas ng mga dala kong pagkain.

"Pasok ka.. nasaan si freen?" Tanong nya sakin.

"Nasa resort po for business.." nakangiti kong sagot.

"Ahh.." reaksyon nya..

"Btw, kailan ka free? Tuturuan kitang magluto.." nakangiting tanong ni mami.

Natatandaan nya parin yung sinabi nya sakin before sya umalis. Tuturuan nya akong magluto.

"Hmm.. how about today?" Nakangiti kong tanong.

"Kung ngayon tayo magluluto, sino naman ang kakain? Nagdala ka kamo ng dinner natin.." nakangiting sabi nya sakin.

Sabagay..

"How about tomorrow afternoon?" Nakangiti kong tanong..

"Okay, bukas tayo magluto. But for now, lets eat na.. mukhang masarap tong mga dala mong pagkain.." nakangiti nyang sabi habang excited na binubuksan ang dala kong pagkain.

Pagkatapos namin kumain ay umalis na rin agad ako. Kila Yuki ako dumiretso dahil kung sa bahay ako mag stay, baka hindi lang ako patulugin ng lungkot.. kahit na alam kong okay naman kami ni Freen.

Pagdating ko sa bahay ni Yuki ay tinignan ko agad ang phone ko.

15 missed calls from freen.

Kaya naman agad akong tumawag sa kanya..
Nag video call kami.

Secret Admirer (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon