CHAPTER XXXIV (BECKY's POV)

4.4K 191 30
                                    

It's saturday, REST DAY!!
7:00am

Maaga akong gumising at umalis ng bahay. Iniwan kong natutulog si Freen..

Pumunta ako sa apartment ni Yuki.
Pagbukas ng pinto ay bumungad sakin ang nakangiting si Tee na tila kakabangon lang sa higaan.

"What are you doing here?" Nagtataka kong tanong.

Ngumiti sakin si Yuki at sinabing "Dito sya natulog kagabi.."

"Saan ba kayo pupunta? Napakaaga naman ata.." sabi ni Tee.

"I'll buy something special for freen.. I want you to help me.." sabi ko kay Yuki sabay hawak sa kamay nito.

"What kind of 'something special'?.." tanong ni Yuki.

"Necklace.." nakangiting sagot ko.

"Woah.. ayaw nya ng kwintas.. hindi mo alam?" Sabi ni Tee.

Napasimangot ako. Totoo ba? At kung totoo nga, Bakit nga ba hindi ko alam?

"Mahilig sya sa relo, kasi para sa kanya, time is Gold.." sabi ni Tee sabay higop sa kape.

"But I want her to wear a necklace.." sabi ko sabay ngiti..

Pag alis namin ni Yuki ay dumiretso agad kami sa mall. Its already 10am..

Ang aga kong umalis pero dumating kami sa mall ay 10am na dahil sa kabagalang kumilos ni Yuki..

"Kailan mo ba yan ibibigay?" Tanong ni Yuki.

"Mamaya.." sagot ko habang pumipili ng necklace na bagay kay Freen.

Ang hirap pumili, dahil lahat to ay bagay sa kanya.

"I'll prepare a dinner tonight.." sabi ko habang nakangiting tumitingin ng necklace..

"Huh? How?? You're with her all day today because its saturday.." sabi ni Yuki..

"I talked to Jim, sabi ko ayain nilang umalis si Freen.." nakangiting sabi ko..

"Sabi ko mga 5pm na nila ibalik si Freen.." nakangiting sabi ko habang tumitingin parin sa mga necklace..

Halos lahat maganda.. lahat bagay kay freen. Ang hirap pumili.

Kring!! Kring!!

Napangiti ako ng makita ko ang pangalan ni Freen sa phone ko.

"Hello?" Bati ko.

"Where are you?" Tanong nya.

"Im with Yuki, idedate nya raw ako.." sabi ko..

"What time ka uuwi?" Tanong nya.

"Mybe 7pm tonight" sagot ko.

"Huh? San ba kayo pupunta para abutin ka ng gabi.." tanong nya.

"Hmm hindi ko alam kay Yuki eh.. Sya daw ang bahala sakin.." sagot ko.

"Fine.. Jim is here.. inaaya nya akong umalis, thats why im asking you kung anong oras ka uuwi para makasama ka.." sabi nya.

So sweet. Naaalala nya talaga ako palagi.

"Hmm.. you can go.. dont think of me.. Enjoy.." sabi ko..

"Okay, I love you.." sabi nya.

"I love you too" sabi ko sabay off ng phone..

Pagkatapos kong bumili ng neclace ay nagpunta na kami sa bahay ni Freen.

Tinulungan akong mag ayos ng mga design ni Yuki, Rich at Tee.

I want it to be special, kahit simpleng dinner lang. Gusto kong iparamdam sa kanya na mahal ko sya, na after what happened to us, I chose to be with her.

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now