CHAPTER XLIX (LISA's POV)

3.1K 161 29
                                    

Sa sobrang kalasingan ni Freen, hindi sya makaakyat ng maayos sa kwarto. Kahit ako ay nahirapan na tulungan sya.

Nang makahiga na si Freen ay nakita kong may tumatawag sa phone nya.

Si bec..

Agad kong sinagot ang tawag at pinarinig ko sa kanya na nilalandi ko si Freen..

"I wanna kiss your lips." Sabi ko na rinig sa boses ang pang aakit..

Si Freen na walang malay.. Nakahiga at habang mahimbing na natutulog..

Alam kong sa simpleng ganon ay mag ooverthink si bec kung ano ang ginagawa namin ni Freen..

Goodluck.. for sure wala ka ng jowa bukas..

Binaba ko ang phone ni Freen kung saan ko ito kinuha.

Pinagmasdan ko syang maigi, yung mga labi nya, yung mata nyang mapang akit kapag tumitig..

Amoy na amoy ko ang perfume nya.. ang sarap nyang amuyin.. kahit nakainom ay hindi parin nag aamoy alak..

Unti unti kong inaamoy ang damit nya hanggang sa mapunta ako sa leeg nya..

Lisaaa.. come one.. pigilan mo ang sarili mo.. Lasing sya..

Temptation is everywhere..

Gusto ko sya, pero hindi naman ako desperada para pagsamantalahan sya habang natutulog.

Kinumutan ko sya, bago ako tumayo. Pagharap ko sa pinto ay nakita ko si Tee na nakasandal habang pinapanood ako.

"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya.

"Dito ako matutulog.." sagot nya sakin.

"Okay.." sagot ko sabay labas sa kwarto. Dumiretso ako sa ibaba dahil hindi pa ako nakakaramdam ng antok.

Maya-maya ay sumunod sakin si Tee.

"You cant sleep?" Nakangiting tanong nya sakin. Tumango lang ako bilang sagot.

"Mahirap matulog kapag marami kang iniisip.." sabi nya sakin sabay upo sa tabi ko.

"Marami ka ring iniisip no?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Pano mo nasabi?" Nakangiting tanong nya.

"Kasi nandito ka, gising na gising.." sagot ko.

"Ang sarap sa lugar na to.. tahimik.. kahit papano nakakatakas ako sa magulo kong mundo.." malungkot na sabi ko.

"Pano naman naging magulo? Eh ang saya nga ng mundo na meron ka.. Look at yourself, maraming umiidolo sayo.. maraming nagmamahal at humahanga sayo.. maraming nangangarap sa buhay na tinatamasa mo ngayon.." sabi nya sakin na para bang kilalang kilala nya ako.

"Hindi ko naman gustong maging sikat.. gusto ko lang ng may magmahal sakin.." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Wow.. para namang walang nagmamahal sayo.. dami dami mong fans oh" sabi nya sakin.

"Alam mo yung feeling na ayaw mong maging sikat, pero dahil sa kasikatan mo kaya minahal ka ng pamilya mo.." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Bakit mo ba sinasabi yan?" Tanong nya.

"Wala lang.. malungkot ang buhay ko.." sabi ko sa kanya.. Tumahimik sya dahil sa sinabi ko.

"Gusto ko si Freen.." sabi ko sa kanya.

"Huh??" Reaksyon nya.

"Kamukhang kamukha nya yung babaeng minahal ko noon.." nakangiti kong sabi sa kanya.

"So are you into girls talaga?" Tanong nya sakin.

"Yes.. I have a girlfriend before.. hindi pa ako sikat non.. sya lang ang nagparamdam sakin na mahal nya ako kahit wala akong maoffer sa kanya." Sabi ko sa kanya..

"Minahal ko sya ng buong buo.. wala na akong tinira para sa sarili ko.. ganun ko sya kamahal.." sabi ko habang pinipigilan kong pumatak ang luha ko.

"Kaso namatay sya eh.. naaksidente kami nung nagpasya kaming magsama at takasan yung pamilya namin.." kwento ko pa, hindu kona napigilan ang pagpatak ng luha ko. Bumuhos na parang ulan.

"Gabi-gabi akong hindi pinapatulog ng lungkot.. at gumigising ako araw araw ng may pagsisisi.." umiiyak na sabi ko.

"Pano kung hindi ako nagpumilit na takasan ang pamilya ko para sumama sa kanya? Sana buhay pa sya ngayon" patuloy parin ako sa pag iyak habang nagkukwento.

"Im sorry.." tanging nasabi ni Tee.

"Pero nung ipinakita sakin ni Jen yung mga videos ni Freen, parang buhay na buhay parin si Lea sa katauhan ni nya.." nakangiti kong sabi habang pumapatak parin ang luha.

"Akala ko talaga sya si Lea, kasi magkamukha sila.. but I know that its impossible.. kasi ako mismo yung nasa tabi ni Lea sa mismong morgue.. Hindi ko sya iniiwan don, kasi hinihintay ko syang gumising.. Umaasa akong gagalaw pa sya, hahawakan nya ako.." sabi ko habang patuloy na nag uunahan ang luha sa mga mata ko.

"Kaya ba ganun mo kagustong mapalapit sa kanya?" Tanong ni Tee.. Tumango lang ako bilang sagot.

"Kapag kasama ko sya, hindi si freen ang nakikita ko.. kundi si Lea.. Pero sa twing maiisip kong hindi sya si Lea, nadudurog ulit ako.. bunabalik lahat ng sakit nung nawala sya sakin.." sabi ko habang patuloy parin sa pag iyak.

"Bakit ba patuloy parin akong nasasaktan? Ito ba yung parusa sakin ng Diyos? Yung araw araw akong gigising ng nangungulila?" Umiiyak na sabi ko. Wala syang masabi sa lahat ng inoopen ko sa kanya.

Hindi ko rin alam kung bakit ako nag oopen ng ganito sa kanya. Samantalang inis na inis ako sa taong to.

Niyakap nya ako para pakalmahin dahil humihikbi na ako sa pag iyak.

"May dahilan ang Diyos kung bakit ka nya nilagay sa ganyang sitwasyon.." sabi nya sakin habang hinihimas nya ang ulo ko.

"Siguro, you should forgive yourself.. dont blame yourself too much.. Hindi mo naman ginusto yung nangyari.. And im sure na walang may gusto sa nangyari.." sabi nya sakin..

"With or without Lea, tuloy parin ang ikot ng mundo.. Wag kang tumigil kung saan kayo nahinto, magpatuloy ka.. Its a blessing na buhay ka ngayon.. Wag mong isipin na pinaparusahan ka ng Diyos.." dugtong nya habang tinatapik ang balikat ko.

"Lahat tayo may pagkakamaling nagagawa sa kapwa, at sa sarili natin. But in the end of the day, sarili mo lang din ang kakampi mo.. Kaya wag mong sisihin ang sarili mo.. Forgive yourself.." sabi nya sakin.

Inaamin ko, napagaan nya yunh nararamdaman ko ngayon. Pero bakit ang hirap magpatawad kung sarili mo ang kalaban mo? Nawala sya ng tuluyan sakin dahil sa pagkaselfish ko. Kasalanan ko yun. Walang ibang dapat sisihin kundi ako. Kaya pano ko mapapatawad ang sarili ko? Kung ako mismo ang dahilan kung bat ako nagdudusa ngayon?

At ngayon, nagiging makasarili na naman ako. Nagagawa kong manira ng relasyon para lang makuha yung taong hindi naman talaga naging akin.

Inaamin ko, gusto kong maramdaman ulit yung pagmamahal ni Lea sa katauhan ni Freen.. Masama na ba ako nun?




(Please do like and leave a comment every chapter.. dont forget to follow my account.. Thank you so much. You are my motivation, love you all ❤️)

Secret Admirer (GL)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora