CHAPTER VII (BECKY's POV)

4.9K 213 8
                                    

So ayun na nga..

Hindi pa man din natatapos ang celebration, nakahandusay na sya sa sofa.

Oo si freen.

Yung nagsabi na kaya nya raw mag drive kahit nakainom sya.

Heto, nakahiga at natutulog sa sofa habang nag iinuman sila mama.

"Rich, tulungan mo nga akong iakyat tong mahinang nilalang na to." Sabi ko.

"Hindi ata sanay uminom si ate freen, ang bilis nya malasing eh" sabi ni rich.

Inakyat na namin si freen sa kwarto ko.

Oo sa kwarto ko.

"Hindi nga ako lasing..."  Pilit na inilalaban ng naniningkit nyang mata.

"Dito kana matulog.." sabi ko sa kanya.

Inayos ko ang pagkakahiga nya sa kama. Binuksan ko ang aircon dahil paniguradong maiinitan sya.

Hindi ko maiwasang pagmasdan ang mukha nya.
Noon palang gusto kona sya, at walang nagbago dun kahit matagal ko syang hindi nakita sa personal.

Tinititigan ko sya..

Ang ganda nya kasi kahit pulang pula na yung mukha nya dahil sa kalasingan.

Nagulat ako nang bigla syang dumilat at magsalita habang nakatitig ako sa kanya.

"Crush moko no?" Tanong nya sabay ngiti.

Napalayo ako bigla. Gising pa pala sya.

"Matulog kana, lasing kana.." sabi ko sa kanya.

"Eh.. sagutin mo muna yung tanong ko.." pang aasar nya sakin.

"Tinatanong pa ba yan. Obvious naman.." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Kukuha ako ng damit, para makapagpalit ka." Sabi ko sa kanya.

Pagtayo ko sa higaan ay bigla nya akong hinila palapit sa kanya.

Kaya naman napadapa ako sa kanya habang nakayakap sya sakin.

Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang pagkabigla.

Ikaw pa ba yan? Omg. Kinikilig ako.

"Dito ka lang, wag mo kong iwan.." bulong nya sa tenga ko kaya agad akong kinilabutan. May iba akong naramdaman.

Omg bec wag kang magpapadala sa tukso..

Lasing si freen.

Nagpalit kami ng pwesto, ako na ang nakahiga habang nakayakap sya sakin..

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang anytime sasabog na sa tuwa.

Totoo ba to? Hindi naman ako nakainom kaya imposibleng imahinasyon ko lang to..

Hinayaan ko lang syang nakayakap sakin hanggang sa makatulog sya. Halos limang minuto nya akong niyakap.

Omg kailangan ba lagi kang lasing para lagi kang malambing?

Gusto mo rin ba ako? O nag aassume lang ako kasi gustong gusto kita?

Tumayo ako sa higaan para maligo. Pagbalik ko sa kama, mahimbing parin syang natutulog.

Pinagmasdan ko sya..

Ang ganda nya.. sobra..

Tinitigan ko yung labi nya, ang pula kahit walang lipstick.

Ang sarap halikan..

Closer..

Napakagat labi ako..
Gusto ko syang halikan pero nag aalangan rin naman ako.

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now