CHAPTER LVI (FREEN's POV)

3.5K 169 26
                                    

Nagkukwentuhan sina Yuki, Jim, Bec at Fon. Habang kami naman ni Tee at Sky ang nagkukwentuhan. Hindi nakasama si Maddy samin dahil nasa thailand sya para sa kanyang business trip.

"Magpo-propose na ako sa kanya.." sabi ko na ikinagulat naman ni Tee at Sky. Nanlaki ang mga mata nito at napanganga sa sinabi ko kaya naman tinakpan ko kaagad ang bibig nilang dalawa. Baka kasi marinig kami ng kabilang grupo, which is sila bec.. ..

"Wag kayong maingay..." Sabi ko sa kanya.

"Kailan mo balak?" Tanong ni Tee.

"Bukas.." sagot ko.

"Pero diba sabi mo hahayaan mona muna syang makapag give back sa parents nya?" Sabi ni Tee. Napag usapan na kasi namin to before, nagsabi ako sa kanya na gusto kong bigyan ng time si Bec to give back to her parents.

"Getting married doesn't mean you won't help your parents. When we're married, she won't have to do it alone, because I'm here." Nakangiti kong sabi kay Tee.

"Wow! I love the fighting spirit!" Nakangiting sabi ni Tee.

"Fighting spirit ka jan.. kinakabahan nga ako eh.." sabi ko.

"Bakit ka naman kinakabahan?" Tanong ni Sky.

"Im afraid that she wont say yes to me.." malungkot na sabi ko.

"You'll never know unless you'll try.." sabi ni Tee.

"But what if she wont say yes? I can't be brave like you. I don't know how can I accept that..." sabi ko sa kanya.

"If you love her, no matter what her decision is, you'll still love her.. nothing will change.." sabi ni Tee.

Well, tama naman sya. Pero shempre, masasaktan ako kapag hinindian nya ako. Kasi parang ibig sabihin non, mahal nya lang ako pero hindi ako yung gusto nyang makasama habang buhay. Ang sakit non diba?


Kinabukasan..

Halos alam na nilang lahat ang plano ko, maliban kay bec. Shempre hindi nya pwedeng malaman kasi hindi na sya masusurprise.

Iginala ko muna si Bec malayo sa resort kung saan kami nag stay, habang nag aayos naman sila Tee, Fon, Jim, Sky at Yuki sa resort. I want it to be romantic, so that she wont say no to me..

Habang nasa labas kami at kumakain ay puno na pala sya ng pagtataka. Iniisip nya kung bakit kaming dalawa lang ang umalis, at ang iba ay iniwan namin sa resort.

"Bakit tayong dalawa lang ang lumabas para kumain?" Tanong ni bec sakin.

"Gusto kitang masolo.. I want to be with you alone.." nakangiti kong sagot sa tanong nya.

"Saka may pagkain naman don para sa kanila, dont worry.." dugtong ko sabay ngiti at hawak sa kamay nya.

"Okay.." nakangiting sabi nya sakin.

"Ang sarap ng pagkain dito no?" Tanong ko sa kanya para lang magkaroon kami ng topic. Dahil pareho na kaming tahimik, lalo akong kinakabahan sa binabalak ko. Kaya nilibang ko ang sarili ko sa pagtatanong sa kanya.

Nag ring ang phone ko at napatingin din sya. Si Tee ay tumatawag. 10 missedcalls na. Pero hindi ko pa rin sinagot. Ayokong makahalata si bec kahit na 1% lang.

"Oo ang sarap, lalo na yung adobo.. pero favorite ko pa rin yung adobo ni mami mo.." sabi nya sabay ngiti.

"The best ba?" Nakangiting tanong ko habang kumakain. Tumango lang sya bilang sagot dahil busy sya sa pagkain.

"I want Adobo ala'freen to be your favorite adobo.." sabi ko sa kanya sabay pa-cute..

"Woah.. you're so cute.." nakangiti nyang sabi saby pisil sa pisngi ko.

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now