CHAPTER XXIII (BECKY's POV)

4.4K 198 23
                                    

Paglabas ko sa office ni freen, inaya naman ako agad ni Heidi na mag miryenda.

Habang kumakain kami, nagkwento si Heidi tungkol kay freen.

"Alam nyo ba? Sarap na sarap sya sa kapeng tinitimpla ko" kilig na sabi ni Heidi.

"Talaga?" Tanong ko na may plastic na ngiti.

"Oo be! Jusko kinikilig ako lalo na kapag nginingitian nya ako" kinikilig na sinabi ni Heidi.

"May gusto ka sa kanya?" Tanong ko.

"Jusko diba halata? Kilig na kilig nga sya kapag dadaan si maam at ngingitian kami" sabi ni Riya.

Aba freen ang lakas ng loob mong ngitian tong mga hampaslupa na to ha..

"Girl eto pa, feeling ko may gusto rin sya sakin" sabi ni heidi habang dina mapigilan ang ngiti.

Nanlaki ang mata ko sa sobrang gulat. Naibuga ko tuloy ang iniinom kong milktea.

"Becccc..." Sigaw ni heidi ng matalsikan sya ng naibuga kong milktea.

"Im sorry.." sabi ko at pinunasan ko ang braso nya.

"Its okay.." sabi ni Heidi sakin at kinuha nya ang tissue para ipunas sa sarili nya.

"Tuloy ang kwento girl.." sabi ni Riya.

"So eto na nga, kapag pinapatawag nya ako sa office nya, tapos tinititigan ko sya habang may sinasabi sya.. grabe naiimagine kong nakahubad sya" kilig na kilig na sabi ni Heidi kaya naman hindi ko sinasadyang tumayo ng bigla at hampasin ang mesa gamit ang aking mga palad.

Napalunok ako..
Napatingin sila sakin dahil sa ginawa ko. Ang hirap magpigil kapag may naririnig akong ganito. Grabe!! Pinagnanasahan nya ang girlfriend ko.

"I'll go back to work.." sabi ko at umalis na ako.

Iniwan ko silang nakanganga at nagtataka.


Uwian time..

Nagtext sakin si Freen. "Love, I'll wait for you in the car.." sabi nya.

Nagreply ako. "K.."

So cold.. ewan ko ba. Naiinis ako kahit alam kong wala namang malisya sa kanya ang pagngiti nya sa mga employee nya.

Si freen kasi yung tipo ng tao na palangiti, palakaibigan. Pero bakit ako naiinis? Eh akin naman na sya. Hanggang tingin nalang sila.

Pero kahit na.. Gustong gusto nya pala yung kape na tinitimpla ni Heidi ah. Tskk.

Sa kotse.

Nakarating na kami sa bahay. Sa bahay ng parents nya. Pero hindi pa kami bumababa dahil napansin nya na hindi ko sya kinikibo.

"Kanina kapa tahimik ha?" Bungad nya.

Hindi kopa rin sya pinansin. Ewan ko ba. Gusto kong magpasuyo. Naiinis parin ako.

"May problema ba?" Tanong nya sakin.

"So masarap ang kape nya?" Sigaw ko na medyo mahina.

Nagtaka sya. Hindi nya alam kung saan nanggagaling ang sinasabi ko. Miski ako hindi ko alam kung bat ko natanong yon.

"Huh?" Tanging nasabi nya.

"Ewan ko sayo." Sabi ko sabay baba sa kotse.

Pagpasok namin sa bahay nila ay nagmano agad ako sa mga magulang nya.

"Oh Bec, you look so upset.. are you guys fighting?" Sabi ng mami nya.

Hindi ako sumagot. Tinignan ko lang ng masama si freen.

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now