CHAPTER LXXVI (FREEN's POV)

3K 149 20
                                    

Sino ba yun? Wala naman akong ineexpect na bisita. Rest day ko ngayon.

Pagbukas ng pinto ay pumasok si Tee na matalim ang tingin sa nagbukas ng pinto.

"Hey buddy!" Sigaw ni Tee mula sa pinto. Kasunod nyang pumasok si Sky, Jim at Fon.

Ano na naman kaya ang kailangan ng mga to? Mawawalan na naman ako ng pahinga for sure.

"Anong meron? Bakit ang dami nyong pagkain?" Nakangiting tanong ni Jim.

"Nagluto lang si nanay ng mga paborito ni Freen.." nakangiting sagot ni becky.

"Nanay??" Inis na ulit ni Tee..

"Kailan mo pa naging paborito to freen? Pinaka ayaw mong ulam to diba?" Sabi ni fon na puno ng pagtataka ang mukha.

"Woah. Oo nga.. Remember when we are in high school? Pinipilit kang pakainin ni Fon nyan pero never kang kumain. How come na favorite mo na yan ngayon?" Sabi ni Jim na nagtataka.

"Eh ano ba kasing alam nyan sa paborito ni Freen? Eh diba nga hindi naman nagpaka nanay yan." Inis na hirit ni Tee.

"Tee.." awat ni Sky.

"Totoo naman ah.." inis na sagot ni Tee.

"Ako kasi ang nagsabi kay nanay na paborito yan ni freen.." nakangiting sabi ni bec.

"Woah bec.. how come na hindi mo alam ang paborito ni freen?" Tanong ni Jim

"I said its my favorite.." sabi ko sa kanila kaya napatingin silang lahat sakin.

"Huh??" Reaksyon nilang lahat.

"Sinabi ko kay bec na paborito ko yan.. kasi yan lang ang kaya nyang lutuin sa ngayon.. Do you have any problems with that?" Sabi ko sa kanila.

"So you mean, napapakain ka ni bec ng mga pagkain na ayaw mong kainin?" Tanong ni Sky.

"What's wrong?" Tanong ko.

"Woah.. our freen is under control by bec.." tumatawang pang aasar ni Sky. Kaya naman tumawa silang lahat.

"Under ka pala eh.." pang aasar naman ni Jim.

"Okay lang, kung si bec naman ang mang a-under sakin eh." Nakangiti kong sabi sa kanila.

"Oh there you are again.. flirting.." inis na sabi ni Sky.

"Inggit ka lang, wala ka kasing jowa.." pang aasar naman ni Tee kay Sky.

"Hindi nga makaporma kay Lisa eh, kawawang sky. Sinilang ka lang para maging third wheel." Pang aasar naman ni Jim kay Sky.

"Kumain na kayo.. Join us.." aya ko sa kanila.

"Sandali.. Ikukuha ko kayo ng plato.." sabi ni aling marie.

"Pakibilisan yaya.." sigaw ni Tee nang makaalis na si Marie.

"Tee!! Have some respect please.." inis na sabi ni Fon.

"Yeah.. irespeto mo sya, kahit bilang tao nalang.." sabi ni Jim.

"Whatever.." inis na sabi ni Tee..

"Whether you like someone or not, you should respect them..." sabi ko kay Tee..

Sabay sabay kaming kumakain ng almusal..

"Wala bang lason to? Diba matagal ka na nyang gustong patayin." Sabi ni Tee sabay tingin kay marie.. Hindi nalang kumibo si Marie kasi alam naman nyang totoo ang sinasabi ni Tee..

Walang preno talaga ang bibig ng isang to eh. Ang sarap kutusan.

"Tee!" Awat ni Jim.

"Kung meron man syang lalasunin, sigurado akong ikaw lang yon.." tumatawang biro ko kay Tee. Kaya naman nagtawanan silang lahat.

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now