CHAPTER LI (BECKY's POV)

3.6K 184 55
                                    

Sigurado ako sa narinig ko, pero hindi ako sigurado kung may nangyari sa kanila. Hindi magagawa ni Freen sakin ang bagay na yon dahil alam nyang masasaktan ako.

Kilala ko si freen. Hindi nya ako sasaktan. Hindi nya gagawin ang isang bagay na alam nyang makakasakit sakin. Nirerespeto nya ako.

Becky, motivate yourself.. mahal ka ni Freen.. Hindi nya magagawa yon..

Woooo!

Hindi nya magagawa yon..

Pero bat ako naiiyak sa twing naaalala ko yon??
Bakit ang sakit?

Ang sakit kahit na narinig ko lang, kahit na hindi naman nakita ng mga mata ko..

Sana hindi totoo tong naiisip ko..

Waaaah!!!

Becc don't overthink about it.. Hindi ganun si Freen.

Okay.. okay..

Woaahh!!

"Hoy! ano bang iniisip mo?" Gulat na tanong sakin ni Yuki dahil napansin nya na nakatulala ako.

"Wala.. wala.." sagot ko.

"Bec.. don't overthink about it. Kung mahal ka nya, hindi nya yun gagawin." Sabi ni Yuki.

"What if.." sabi ko na puno ng pangamba ang boses..

"What if? Totoo??" Sabi ni Yuki.

"Then ask her.." suggest ni Yuki.

"What if hindi sya magsabi ng totoo?" Tanong ko.

"Bec, sino bang umamin sa kasalanan nya?" Tanong ni Yuki.

Tama naman sya. Sino nga ba?

"At kung aaminin nya man na may nangyari sa kanila, magiging kasing strong ka ba ni Moira na hiniwalayan yung asawa nya?" Tanong ni Yuki..

Pano nga kung totoo? Anong gagawin ko? Ayoko naman mag stay sa ganung relasyon. Pero kaya ko ba syang iwan?

Kung totoo man, kailangan kong kayanin. Hindi ako pwedeng mag stay sa ganung relasyon.

"Bec.. mas mabuting kausapin mo sya about dyan.. kasi hindi mo malalaman ang totoo kung hindi mo sya susubukang tanungin." Sabi ni Yuki.

Tama naman sya. Pano namin maaayos ang isang problema kung hindi ko inoopen sa kanya?

"Natatakot ako.." sabi ko sa kanya nang may pangamba sa boses ko.

"Natatakot ka na ano?" Tanong ni Yuki.

"Natatakot akong malaman yung totoo.." sagot ko.

"Truth will set you free.. Kailangan mong malaman ang totoo, maging masakit man to para sayo.." sabi ni Yuki.

Well, si Yuki ba talaga tong kausap ko. Last time na kinausap ko sya puro negative ang sinabi nya. Pero ngayon, matured na Yuki ang kausap ko.

"Naniniwala ako na kaya mong magdesisyon ng tama once na nalaman mo ang totoo.. alam kong alam mo ang gagawin mo.. totoo man yon o hindi.." sabi ni Yuki sabay tapik sa balikat ko.

Hindi ko pa rin kinausap si Freen maghapon.
Natapos na ang practice ko pero dinedma ko lahat ng message nya, pati ang calls. As in no communication kami today..

Hindi pa kasi ako handang tanungin sya.

Wait, hindi ba ako handang magtanong o hindi ako handa sa sagot nya?

Bec bat ka ba ganyan? Wag kang mag isip ng di maganda..

Pag uwi ko samin ay nagbihis ako at kumain. Pakiramdam ko ay nakahalata nila mama na hindi ako okay.

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now