CHAPTER XXVI (BECKY's POV)

4.4K 159 9
                                    

Umalis si Freen, pero nagsabi naman sya kung saan sya pupunta.

Kay fon.

Okay lang naman sakin, as long as wag syang gagawa ng bagay na makakasakit sakin. Mag bestfriends naman sila, ayoko naman na maging selfish dahil lang sa nalaman kong may gusto sya kay freen.

Pagbalik nya sa office, bakas sa mukha nya ang lungkot. Bakit kaya? Anong nangyari? Diretso sya sa office nya, wala syang sinabi.

Maya-maya ay nag uwian na ang lahat. Kami na lang ang naiwan kaya pumasok na ako sa office nya.

"Lets go?" Bungad nya sakin.

"Bat parang malungkot ka? Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya sabay back hug habang nakaupo sya sa upuan nya.

"Wala naman.. namiss lang kita.." nakangiti nyang sagot sabay hawak sa kamay ko.

Biglang tumawag si Tee kay Freen. Ano na naman kaya ang kailangan nito? Last time kasi nagpapatulong sya sa proposal for Yuki kahit ilang days palang silang naging mag jowa.

"Lets have dinner together, my treat.. in our favorite place.." sabi ni Tee

"Okay.." sagot ni Freen sabay off ng phone.

"Lets go.. lets have dinner with Tee." Sabi nya na bakas parin sa mukha ang lungkot.

Parang may idea na ako kung bakit sya nalulungkot. Sinabi na kaya ni Fon?

Pagdating namin sa restaurant ay naroon na si Jim, si sky, si Tee, si Maddy at si Yuki.
Naupo ako sa tabu ni Yuki at shempre magkatabi kami ni Freen.

"Where is Fon? Never na-late yon sa ganito ah." Sabi ni Jim.

"I don't think she will come.." sabi ni freen na bakas sa mukha ang lungkot.

Nagtaka ang lahat kung bakit nasabi ni Freen yon.

"Bakit? What happened to her?" Tanong ni Tee.

Tumingin sya sakin at hinawakan nya ang kamay ko. Hindu ko alam kung para saan yung paghawak nya sa kamay ko.

"Ako yung..." sabi ni freen na tila babagsak na ang luhang namumuo sa mata nya. Habang ang mga kaibigan nya ay naghihintay sa kasunod ng sasabihin nya.

Hawak nya parin ang kamay ko..

"Ako yung dahilan kung bat sya nasasaktan.." sabi nya na bakas sa mukha ang pagkalungkot.

"Ha?? What do you mean?" Tanong ni Tee.

"Wait what?!!" Sabi ni Jim.

"So that means, ikaw yung tinutukoy nya?" Sabi ni Jim na bakas sa mukha ang pagkagulat at pag aalala.

"Oh my god!" Tanging nasabi ni Sky.

Tumingin lang sakin si Freen.. hindi ko alam kung paano ko sya icocomfort.

"She told me a while ago, pinuntahan ko sya sa bahay nila kanina dahil wala sya sa office, hindi nya rin sinasagot ang mga tawag ko.." sabi ni Freen.

"That's so painful.. falling in love with bestfriend.." sabi ni Maddy.

Bakas sa mukha nilang lahat ang pag aalala kay Fon. Hindi ko sila masisisi, dahil kung sa kaibigan ko mangyari yon, maaawa rin ako.

"Hindi ba naisip ni Fon na mag bestfriends kayo?" Sabi ni Jim.

"Im sure naisip nya yon, pero hindi naman natuturuan ang puso" sabi ni Tee.

Tahimik lang ako at hindi kumikibo..

"Bec are you okay?" Tanong ni Yuki.

Tumingin silang lahat sakin. Kaya naman tumango nalang ako. Hindu ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa ganitong sitwasyon.

"Lets eat.. Fon is a strong woman. I know she'll get through it.." sabi ni Freen na pinilit nalang ngumiti.

"but we know that all strong people also get tired and they also need someone to lean on." Sabi ni sky..

"But I cant be that one anymore.. gustuhin ko man na damayan sya, baka lalo lang lumala ang sitwasyon.. At isa pa, ako ang dahilan kung bat sya nasasaktan." Sabi ni Freen.

"Its not your fault.." sabi ni Tee.

"But I cant do anything about it." Sagot ni Freen.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon, kailangan mo syang saluhin." Sabi ni Tee.

"Just give her time to accept things.. Maybe she needs time for herself.. let her be alone.." sabi ni Tee.

Pagkatapos namin mag usap ay nagsikain na kami. Maya-maya ay nagulat kami sa paglapit ng mga musiker samin.

May lumapit na isang babae kay Yuki at pinatayo sya para pumunta sa gitna.. saka nila ito tinugtugan..

Uhh-uhh-uhh, ohh-yeah, hmmm
A hundred and five is the number that comes to my head
When I think of all the years I wanna be with you
Wake up every morning with you in my bed
That's precisely what I plan to do

And you know one of these days, when I get my money right
Buy you everything and show you all the finer things in life
Will forever be enough, so there ain't no need to rush
But one day, I won't be able to ask you loud enough

I'll say, will you marry me?
I swear that I will mean it
I'll say, will you marry me?
Singing, uh-oh-oh, uh-oh-oh
Uh-oh-oh, oh-yeah

Ang smooth ng music.. nakakainlove..
Nagulat kami ng biglang lumuhod si Tee sa harap ni Yuki at naglabas ng isang maliit na box..

Singsing!! Oh my God!!!

Magpo-propose na si Tee!!

"Will you marry me?" Tanong ni Tee habang nakaluhod sa harap ni Yuki.

Bakas sa mukha ni Yuki ang pagkabigla, hindi nya alam ang isasagot nya.

"I can't.." sabi ni Yuki sabay iling..

Nagulat kaming lahat sa sagot ni Yuki. Kung ibang babae kasi yon, paniguradong nagtatatalon na sa tuwa. Pero iba si Yuki.

"Im sorry but I think its too early for that.." sabi ni Yuki at hinawakan ang kamay ni Tee at tinulungan nya itong tumayo.

Ang saklap sa part ni Tee, marami pa naman ang nakatingin dahil sa ginawa. Akala nya lahat ng babae ay makukuha nya ng ganun kadali.

Nanatili syang speechless. Bukod sa napahiya sya sa harap ng lahat, alam kong nasaktan ang ego nya. Hindi kasi sya sanay ng nirereject..

Sa sobrang pagkahiya ay nag walk out si Tee. Sinundan sya ni sky.

"Mali ba yung ginawa ko?" Tanong ni Yuki.

"You did the right thing.." sagot ni Freen.

Like what?? Kaibigan ka ni Tee pero parang isa ka sa pabor sa ginawa ni Yuki.

"You have a valid reason.." sabi ni Jim.

"Its too early for that.. kailan lang naman naging kayo.. marami pa kayong pagdadaanan.." sabi ni Freen.

"You did the right thing.. dont worry.. marriage is not a joke.. kaya wag mong tatanggapin kung alam mo sa sarili mo na hindi ka handa para dun.." sabi ko sa kanya sabay yakap sa nag aalalang si Yuki.

"Im sure galit sya sakin.. Napahiya sya sa harap nyo.." sabi ni Yuki.

"Dont think about her.. sanay kasi sya na hindi nirereject.. so tama lang ang ginawa mo.. Hindi lahat ng tao ay pwede nyang paglaruan.." sabi ni Maddy.

"Kung tinanggap mo agad yon, for sure ikaw ang magsa-suffer. Pabago bago sya ng desisyon sa buhay. Hindi sya marunong mag isip bago gumawa ng desisyon. Hindi rin marunong manindigan.." sabi ni Jim.

Kaibigan ba talaga kayo ni Tee? Bat lahat ng sinasabi nyo ay against kay Tee?

Well tama naman lahat ng sinabu nila. Maybe ayaw lang din nila na mapasok si Tee sa mas malaking problema, lalo na't pabago bago ang isip nito.

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now