CHAPTER IX (BECKY's POV)

5K 230 18
                                    

Pagtapos kumain ni freen, umalis na sya para bumili ng snacks and drinks. Kasama nyang umalis si Tee.

Habang naghihintay kami, nagkwento si Jim sakin about sa first kiss nila ng boyfriend nya. Si Jim ay isang bisexual. Pwede sa lalaki, pwede sa babae. May boyfriend sya ngayon pero hindi yun ang first kiss nya.

"Grabe nag init agad ako nung naramdaman ko yung dila nya nung hinalikan nya ako" kinikilig na kwento ni Jim.

Medyo naiilang akong makinig dahil hindi kopa naman naeexperience yung ganung bagay.

Kahit kasi sa smack na kiss hindi ginagawa ni freen sakin. But its okay, ayoko naman na halikan nya ako na ako lang ang may gusto.

"May nangyari na sa inyo ni freen?" Tanong ni sky.

Nagulat ako sa tanong nya.

Kiss nga wala eh, sex pa?

"Napaka straightforward mo naman magtanong. Hindi ba pwedeng itanong mo muna kung nagkiss na sila?" Sabi ni fon.

Natawa naman ako kasi may point sya.

"I agree.." tugon ko.

"Kiss nga wala, sex pa kaya?" Dugtong ko.

"Bakit naman wala pa? Isang taon na kayo ah" sabi ni jim.

"Isang taon na walang label.." sabi ko sabay ngiwi at tirik ng mata.

"Bat kasi ayaw nyo pang lagyan ng label? Jusko sardinas nga may label eh" sabi ni sky.

"Mas interesting kasi ang walang label, laging may thrill" sabat ni maddy sabay irap.

"Pointless relationship.. walang direksyon.. walang patutunguhan.." sabi ni fon.

Tama naman si fon. Pero paano naman magkaka-label? Hindi nya nga sinasabi sakin kung nanliligaw sya o kung gusto nya akong maging girlfriend.. kasi kung ako ang tatanungin, gusto kong maging kami.. gusto kong maging girlfriend nya..

"Sya lang naman ang hinihintay ko eh..." Sabi ko sabay ngiti.

"Kahit kailan napakabagal talaga ng kaibigan natin.." inis na sabi ni jim.

"I agree.." sagot ko sabay ngiti.

"Bec gusto mo bang mag sex kayo?" Tanong sakin ni jim.

Nawindang ako sa tanong nya. Habang ang lahat ay hinihintay ang sagot ko.

"Ano bang tanong yan jim?" Inis na sabi ni fon.

"Fon, sa isang relasyon natural na yung pagsesex.. magjowa ka kasi para makarelate ka naman." Pang aasar ni Jim.

"Hindi nga kami magjowa, bat naman namin gagawin yung ganung bagay?" Tanong ko.

"Osige ganito na lang, lahat ng tanong ko sayo ngayon, itatanong natin mamaya kay freen. Para malaman mo yung sagot nya." Sabi ni jim sabay ngiti.

Napangiti nalang ako sa sobrang speechless.

Maya-maya pa ay dumating na si Freen at Tee dala ang mga snacks at drinks na binili nila.

Inayos nila ito sa mesa bago maupo.

Bago namin simulan ang panonood, tinanong muna ni jim si Freen tungkol sa mga tinanong nya sakin kanina.

"Freen.. may tanong ako.." sabi ni jim.

"Ano yun?" Tanong ni freen.

"Anong relasyon nyo ni bec?"

Nagulat sya sa tanong ni jim kaya napatingin sya sakin. Sa sobrang hiya ay napayuko nalang ako. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang isasagot nya.

Hindi sya makasagot. Siguro ay hindi rin nya alam ang isasagot nya. Ano ba kasi talaga ang relasyon namin?

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now