PROLOGUE

641 12 0
                                    


Naalala ko pa ang sinabi sa akin ni Janna, sana nga hindi yun totoo, sana nga hindi totoong niloloko ako ng asawa ko, kasi kung ganon hindi ko kaya.... masyado kong mahal si Dave, hindi ko kayang iwanan niya ako at ipagpalit sa kabit niya.

Nagpaalam siyang umalis kaya minabuti ko siyang sundan. Sa pag-sunod ko sa kaniya ay napadpad ako sa isang restaurant, ano naman kayang gagawin ng asawa ko rito? Nilakasan ko ang loob ko, pumasok ako sa loob, hinanap agad ng mata ko si Dave, nagbabakasakali na sana'y hindi tama ang kutob ko, sana'y wala siyang babae.

At nakita ko nga siya. May kasamang babae. Pinipigilan ko pang maluha ng dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan nila.

“D-dave?” Napalingon siya sa akin at halata sa mukha niya ang gulat

“Tin??” Nang lumingon siya ay lumingon din ang babae, sa pagkakataong ito hindi ko na napigilan ang luhang kanina pa nagbabadya sa mga mata ko, bakit siya pa? sa dinami-dami ng babae bakit siya pa ang napili niya??

“Janna?” Napangiti pa siya sa akin, at hindi alintana sa kaniya na nahuli ko sila, tila ba pabor pa sa kaniyang nakita ko sila.  “Ikaw... yung kabit ng asawa ko?”

“Exactly.” Tumayo siya sa pagkakaupo, pinigilan siya ni Dave pero ayaw niyang magpapigil.  “Wag ka ng magtaka tintin..... ipagpapalit ka talaga ng asawa mo, dahil diyan sa itchura mo hahahahaha, tignan mo nga yang itchura mo! ang losyang losyang mo!! sa tingin mo ba magtitiis sa'yo si dave? hindi, kasi bukod sa losyang kana, t@nga t@nga kapa!” Napaluha ako sa mga sinabi niya, hindi ko lubos maisip na gagawin to sakin ng kaibigan ko.

“Bakit mo 'to nagagawa sa'kin Janna? Anong kasalanan ko sa'yo, tinuring kitang kapatid ko, sa kabila ng ginawa ko para sa'yo bakit mo'to nagagawa sakin!!”

“Kasi gaga ka! common tin.... tanggapin mo nalang ang katotohanang mas karapat-dapat ako kay dave, kaysa sa'yo na pinagsawaan na ng asawa niya—” Nasampal ko lang siya kaya sinampal niya rin ako at tinulak ng malakas dahilan upang mapaupo ako sa sahig, tumayo ako at tumakbo palabas habang umiiyak, naramdaman ko ang paghawak ni dave sa braso ko dahilan upang mapatingin ako sa kaniya habang umiiyak pa rin.

“Sagutin mo nga ako.... Bakit siya pa? Bakit sa dinami-dami ng babae sa mundo bakit si Janna pa dave?”

“Im sorry tin... sorry, sana naman maayos natin 'to, sana naman please wag na tong makarating sa pamilya ko, specially kay dad, lagot ako ro'n tin—” Sinampal ko rin siya bago pa man siya magsalita pa

“Hahaha ang sarap mong mahalin dave... Wala ka na talagang pake sa nararamdaman ko, ok na sayong masaktan ako basta lang hindi malaman ni papa?” Napahagulgul lang ako habang nakatingin sa kaniya, wala akong makitang bakas sa mukha niya na nagsisisi siya.  “Magsama kayo ng kabit mo!” Tumakbo lang ako palayo, hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng paa ko ang mahalaga makalayo ako sa mga taksil na yon.

To Be Continued Chapter 1....

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon