Chapter 18.

104 2 0
                                    

CHAPTER EIGTHEEN

Tina POV

Bumaba nga kami ni janna, ilang saglit lang ay dumating na nga si dave, tinanong ko siya kung saan siya galing sabi niya may dinaanan lang, hindi na ako nagtanong pa, ilang sandali din ay umuwi narin kami ni dave, niyakap kong muli si janna upang magpaalam.

Gabi na nang mapansin kong wala parin si dave sa kwarto namin, sumilip ako sa bintana at nakita ko nga siya, may kausap sa cellphone, tumatawa pa siya habang nakikipagusap. Bumaba ako para puntahan siya, naibaba niya ang kausap niya at agarang pinatay ng dumating ako.

“Sino yung kausap mo dave?” alanganin siyang napangiti

“W--wala, kliyente, ah... tara na tin tulog na tayo” hinawakan niya pa ang likod ko upang umakyat na sa taas

Pagka-akyat namin sa taas ay humiga nalang siya agad, napatingin ako sa kaniya, tinititigan ko lang ang mukha ng asawa ko.

“Siguro.... kung buhay ang anak natin ngayon, siguro kamukha mo siya.” nakatingin lang siya sa akin

“Bakit mo nasasabi 'yan?” napailing pa ako

“Wala lang, naisip ko lang.” napatingin pa ako sa kaniya  “Dave paano kaya kung subukan uli natin? baka naman may mabuo na” napakunot ang noo niya habang nakatingin lang sa'kin

“Ilang beses nanating sinusubukan tintin, hanggang ngayon wala parin.... napapagod na akong umasa, itulog mo nalang 'yan” tumalikod siya sa'kin at napatingin pa ako sa malayo habang nag-iisip parin

KINABUKASAN

Nagvacuum na ako ng sahig ng mapansin kong may nagtatawanan sa sala, lumapit ako at nakita si mama at si janna na nagtatawanan, teka? andito si janna?? nang makita ako ni janna ay agad niya akong niyakap

“Hi sis...” pagkatapos ay humiwalay narin siya ng yakap sa'kin

“Janna bakit andito ka?” napangiti lang siya

“Isn't it obuse, of course I'm visiting you” napangiti pa ako.

“Buti naman... naging ok kayo agad ni mama?”

“Yes, why not? hindi ako makapaniwala janna na kakaibigan mo ang babaeng 'to, hindi kaba nandidiri sa kaniya?” napangiti lang si janna sabay tingin kay mama

“Nope. Tina is my friend tita... she's kind”

“Ohw really, you know janna? if I had a chance to ask, ikaw nalang sana ang naging asawa ng anak ko, you really fit into my family.” napatingin pa sa akin si mama habang nakataas ang kilay, natawa lang si janna

“Ah... do'n na po ako sa loob ma, may lilinisin pa kasi ako ro'n eh”

“Dapat lang, umalis kana sa harapan ko.” napatango lang ako at umalis na sa harapan niya

Janna POV

napatingin sa'kin si tita na umiiling-iling parin

“I can't imagine how you became her friend.”

“Ang totoo tita, she's not my friend.” napakunot ang noo niya sa sinabi ko

“It seems like lately, you were defending her huh?”

“Palabas lang yun tita.... i hate her, ginagawa ko lang na pumunta rito because of your son” naningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin

“You mean.... you like my son?” napangiti pa ako

“Yeah, dati pa tita, ang totoo niyan ako ang nauna kay dave, inagaw lang talaga ng tinang yan ang pag-aari ko.”

“Well... don't worry dear, I will help you to get my son from his wife” napangiti pa ako, niyakap ko lang si tita

“Reaaaally tita?? oh my god thankyou!”

“Your welcome dear, just always remember that i like you for my son, i will do everything to get tina out of my son's life” Dalawa kaming napangiti.

Tina POV

ilang araw ang nagdaan ay sumapit na ang pinaka espesyal sa buhay ko, maaga akong nagising at tinignan ko lang ang asawa ko na natutulog, nagising siya at seryosong napatingin sa'kin

“Bakit ganiyan ka makatingin?” Napangiti pa ako

“Wala kabang naalala ngayon dave?” Naningkit ang mga mata niya at seryosong napatingin sa'kin

“A--hmm... a--ano bang meron ngayon?” Nawala ang ngiti sa labi ko ng hindi niya maalala ang araw kung kailan ko siya sinagot

“Anneversarry natin ngayon... walang taon na tayong nagsasama, bakit hindi mo naalala” Napasapo siya sa noo at niyakap ako

“Ay!! oo nga pala no, sorry tin nawala sa isip ko, andami ko kasing inaasikaso eh...”

“Ayos lang.... basta mamaya, maaga kang umuwi ha? maghahanda ako para sa'tin”

“A--ahh ano tin... hindi ko alam eh, hindi ko maipapangakong darating ako sa tamang oras ha?” Nakatingin lang ako sa kaniya.

Bumaba na siya, hinandaan ko na sila ng makakain. Napangiti ako habang inaayos ang kwelyo ng asawa ko habang kumakain, napatingin ako kay papa na nakangiting nakatingin lang sa'kin, habang umiirap pa si mama ng inaayusan ko ng kwelyo ang anak niya.

To Be Continued Chapter 19

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon