Chapter 38.

145 3 0
                                    

CHAPTER THIRTY-EIGHT

Dave POV

Umuwi muna ako sa bahay, kakatapos ko lang uminom, ewan ko.... ang buong akala ko kasi magiging ama na ako eh, antagal ko ng pangarap magkaanak, kaya parang... parang gumuho yung mundo ko nung malaman kong niloloko lang ako ni janna

Pag-uwi ko kay sumalubong siya sa akin, nag-init agad ang ulo ko ng makita ko siya

“Anong ginagawa mo rito?? Umalis kana wala kanang lugar dito!!” Hinawakan niya lang ang braso ko

“Dave naman.... please pag-usapan natin 'to, pakinggan mo naman ako”

“Umalis kana!!! Ayoko ng pakinggan ang kahit ano mang sasabihin mo!!!”

“Dave pleaseeeee”

“Aalis ka? O kak4l4dk4rin nanaman kita palabas? Umalis kana lang pakiusap janna habang nakakapag timpi pa ako sa'yo!”

“What's going on here huh?” Bumaba si dad at napatingin lang kay janna na umiiyak.  “Anong nangyayari sa'yo? ba't ka umiiyak?”

Hindi siya nakapag salita, nanatili lang ako nakatingin sa kaniya habang iyak lang siya ng iyak

“Paalisin mo na 'yang tao na yan dito dad, please lang”

“Ano ba talagang nangyari huh?” Naguguluhang tanong ni mom

“Oh bakit ayaw mo sabihin janna? Bakit hindi ka makapagsalita?? Ako ang magsasalita para sayo”

“Dave pleaseee...”

“Niloloko lang tayo ng babaeng 'to, wala kayong aasahang apo sa kaniya kasi lahat lang yun ay kalokohan, niloloko niya tayo dad... isang fake pregnancy belly lang ang laman ng tyan niya, ngayon gusto ko... paalisin niyo sa harapan ko bago ko pa siya masaktan”

“Is it true janna?” Paluhang tugon ni dad

“D--dad sorr—” Isang malakas na s4mpal ang inabot ni janna kay daddy

“All this time??!!! Pinatira kita sa bahay ko, niloloko mo lang pala kami, now get out, pack your things and leave.”

“D--dad please.... M--mom.. help me please.”

“Sorry my dear pero... hindi kita matutulungan, you better leave na rin talaga” Agad akong umakyat sa taas at kinuha ang mga gamit ni janna, pinipigilan niya pa ako habang umiiyak

“Daveee naman please wag.... walong buwan tayong nagsama, dave... please, papakasalan mo pa ako hindi ba??!?” Itinulak ko siya palabas ng mansion habang umiiyak

“Walang kasal na mangyayari, hindi ako magpapakasal sa katulad mo!!”

“Dave!!! daveee please daveeee!!!!” Rinig ko pang sigaw niya habang sinasara ko ang gate, ayoko siyang makita, ayokong makita ang pagmumukha niya.

Janna POV

“Huy tama na yan ano kaba.... girl lasing kana oh” Napatingin ako kay lia na pinipigilan akong uminom

“Hindi ako lasing!!! ewan ko nga eh kung bakit hindi ako matamaan ng alak, siguro ganon kasakit? Lia?? Bakit nangyayari sa'kin 'to? Karma ba 'to sa ginawa ko kay tina? Hindi ko sinasadya ang nangyari, aksidente ang lahat, hindi ko siya pin4t4y!! Bakit nangyayari sa'kin 'to lahaaaaaaat!” Napatingin ako kay lia na nanlalaki ang mata habang nakatingin sa'kin

“P--pin4--t4y mo si tina? May kinalaman ka sa nangyari???” Hindi ako makapagsalita, nakatingin lang ako kay lia, nadulas na pala ako sa sobrang bigat na nararamdaman ko

“Aksidente ang nangyari, hindi ko yun sinadya, ginawa ko lang naman yun kasi natatakot ako eh.... buntis si tina no'n, at sasabihin niya kay dave, natakot ako lia, natakot na baka pag nalaman ni dave na... na buntis si tina baka... baka maitchapwera ako eh... kaya... kaya” Umiiyak kong saad

“Kaya pin4t4y mo yung bata? Yung bata na walang kaalam alam??? Ano bang nangyayari sa'yo, nang dahil sa pagmamahal mo hindi na kita makilala janna, nagagawa mo na ngayong pum4t4y ng isang walang kamuwang muwang na bata?”

“Hindi ko nga sabi pin4t4y eh, nahulog si tina sa bangin, wala akong kasalanan do'n!”

“Oh my god.... wala paring nakikita na katawan ni tina hindi ba? hindi kaya....” Napatakip siya sa bibig niya

“Oo... hinala ko rin, kaya ang gawin mo, pumasok ka sa trabaho niya, pumunta ka sa office niya at humanap ka ng kahit ano mang kagamitan niya, dalhin mo sa akin pagkatapos.”

“Ayoko natatakot ako....”

“Sige na lia!! Kailangan natin malaman ang totoo, kailangan nating mapatunayan ang mga hinala natin.” Hindi pa siya makatingin sa akin, nagdadalawang isip pero kalaunan ay pumayag rin.

Dave POV

KINAUMAGAHAN

Kita ko ang panlulumo sa mukha ni dad at ni mom habang nakaupo sa mesa, hindi ko alam kung anong nangyayari

“Dad? Anong nangyari? Bakit parang may namat4y4n?”

“We have big problem dave....” Napakunot pa ako, naghihintay ng sasabihin ni dad.

“Anlaki ng pera na nawala sa kumpanya natin, naimbest ko sa mga tao na nagpakilala upang mag invest sa kumpanya natin, nag invest naman sila pero hindi ko maintindihan pero bakit parang anlaki parin ng nawawala, anlaki ng utang natin sa Montelviar Compony kaya.... naniningil na sila. Nagpasya akong ibigay yung isang properties sa kanila, bukod pa ron, andaming nawawalang properties, hindi ko na alam ang gagawin ko dave..” Hindi ako makapagsalita, bakit sunod sunod ang mga kamalasan na dumarating sa amin

“Oh my god no!! I don't want to be poor austin, ayusin mo yan agad”

Tina POV

Umiinom lang ako ng wine habang nakatingin sa akin si mama

“Anong plano mo ngayon natasha?” Napatingin ako kay mama

“Ayoko na ma, pagod na po ako, gusto ko na pong manahimik, nakapag pasiya na ako.... ngayong gabi tatapusin ko na ang lahat, sa dami ng kasalanan nila bakit para ako pa ang nagtatago sa katauhan ng iba?”

“What do you mean?” Nakakunot na tanong ni denver.

“Mamayang gabi tatapusin ko na ang lahat, sa tingin ko lahat sila makakapunta sa lugar na sinasabi ko, doon kami maghaharap-harap.”

To Be Continued Chapter 39

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Where stories live. Discover now