Chapter 44.

129 3 0
                                    

CHAPTER FORTY-FOUR

Tina POV

Nakaupo lang ako habang hinihintay na matapos siya sa ginagawa niya, ng matapos siya ay inayos niya ang pagkain sa mesa, nakangiti lang akong pinagmamasdan siya, ano ba naman 'to bakit ako nakangiti hayss!!
Nang mapatingin siya sa akin ay ibanalik ko ang mukha ko sa pagkaseryoso, mahirap na at assuming ang taong ito

“Tara na kain na tayo, thelyon tara na...”

“Wow tito ano po yan luto niyo?”

“Oo naman siyempre, pag natikman mo bumoto ka ng isa kung sino ang mas masarap magluto sa amin tita mo ha?”

Lumapit siya sa akin at napangiti pa, nailang ako kaya umiwas ako ng tingin

“Huy... tara na? kain na...”

“Ayoko... busog pa ako.”

“Ayoko rin tanggapin yang excuses mo bahala ka hahahaha teka teka” Umalis siya saglit at kinuha ang niluto niyang pagkain, napatingin ako sa kaniya na nakasalubong pa ang kilay

“Ano yan?”

“Tikman mo muna... sige na...” Nakatingin lang ako sa kaniya at iniripan ko pa

“Ayoko nga, mamaya... may gayuma kang nilagay dyan eh” Tumawa lang siya ng malakas sa sinabi ko

“Hahahahahhahahahahaha woooooow, hahahaaha porket alam mong gustong gusto kita iisipin mo na yan sakin, grabe ka naman”

“Eh bakit hindi ba totoo?”

“Soon sige....” Hinampas ko lang siya at natawa lang siya.  “Sige na kasi.... tikman mo lang, sige na pleaseeeeeee?” Nag pacute pa siya sa akin, pinipigilan ko ang sarili kong matawa

“Sige na tita, tikman mo lang luto ni tito pleaseee”

“haysss, ang hirap namang humindi sa'yo thelyon ang cute mo kasi eh, tsk!”

“Yun oh, tikman mo to.” sumandok siya ng sabaw na may lamang meat at sinubo sa akin.  “Oh dahan-dahan lang ha? baka mapaso ka” Nang maisubo niya sa akin ay napatingin ako ng masama sa kaniya, nakangiti lang siyang nakatingin sa akin.  “Ano? Masarap diba? Huy hinaluan ko ng pagmamahal yan kaya masarap yan.”

“Hindi kaya masarap, mas masarap parin ang luto ko”

“Susssss hahahahahaha”

“Ayoko na niyan, ang pangit ng lasa” Masungit kong saad sa kaniya

“Okay...” Bumalik siya sa mesa habang kumakain, tumitingin tingin pa siya sa akin habang nakangiti, tinatarayan ko lang siya.

Janna POV

Nandito lang ako sa gilid, pinagmamasdan sila. Hindi nga nagbibiro si Dave, mahal na nga talaga niya si Tina, nakakainis!! Ang saya-saya nilang tignan habang ako nandito, nagdudusa!! Nabawi ko na si Dave noon pero bakit nakuha nanaman siya ni Tina!!! Arrrgggghhh nakakainissssss!!!

Dave POV

Kumakain ako ng biglang tumunog ang phone ko, napatingin ako at kita ko sa screen si mom.

“Mom? Bakit po?”

“You need to go home, may mahalaga kaming sasabihin sayo”

“O--okay....” Napatingin ako kay tina, lumapit ako sa kaniya at pinagmasdan ko lang ang mukha niya, mataray siyang napatingin sa akin

“Ano nanaman ba?!” Napailing lang ako, seryoso lang ang mukha ko habang nakatingin sa kaniya, hinawakan ko lang ang kamay niya

“Hindi ko alam kung... kailan ulit tayo magkikita, tin? kung pwede nga lang hindi na ako aalis gagawin ko, dito nalang ako sa tabi mo...” Nakatingin lang siya sa akin, hinalikan ko ang palad niya, bago umalis.

Tina POV

Nang makalabas siya ay lumabas rin ako, tumungin ako sa kotche niyang papaalis, hindi ko alam kung bakit ganito? Ang alam ko'y galit ako sa kanilang lahat lalo na kay Dave pero bakit ganon? Bakit parang ayoko na rin siyang umalis.

“Uyy si tita tina, namimiss agad si tito” Papangatya pa ni thelyon habang nakangiti, napaupo ako sa mesa sa tapat niya

“Hindi ha? ano kaba....” Humagikgik pa ang bata kaya natawa rin ako.

Tinikman ko ulit ang niluto niya, napangiti pa ako.... masarap din pala siyang magluto, sa buong pagsasama namin hindi ko alam na may alam siya sa pagluluto, hindi niya kasi ako pinagluto noong nagsasama kami.

Umuwi ako sa bahay dahil nakapangako ako kay Denver, pag-uwi ko ay nakita ko si denver sa pool umiinom ng wine

“Denver?” Dali-dali siyang napatingin sa akin, nakangiti pa siya

“Tin andyan kana pala... ahm.. sorry? Uminom kasi ako ng alak para kahit paano may lakas ako ng loob” Nakakunot pa ang noo ko, bigla niyang hinawakan ang kamay ko at napangiti

“Tina hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo eh.... pero.... tina? i really really like you, noon pa.” Seryoso na ang mukha niya habang nakatingin sa akin

“Den--denver... ahm, an--ano ba tong sinasabi mo—”

“Gusto kita, alam kong mali kasi magkaibigan tayo pero.... tina hindi ko kayang pigilan, pinigilan ko maniwala ka, tinuruan ko yung sarili kong wag kang mahalin pero... pero hindi ko kaya, gusto kitang ligawan tin, gagawin ko ang lahat para akong piliin mo, kung papayagan mo ko” Napaluha lang ako habang nakatingin sa kaniya

“Denver.... hindi ko alam, alam mo naman yung nakaraan ko diba? hin--hindi ko pa alam, sobrang naguguluhan parin ako” Napatango lang siya habang papaluha

“Okay lang tin, kahit wag kana magpalusot eh, alam ko naman na.... si Dave parin ba?” Napaiwas ako ng tingin habang lumuluha parin.  “Ano pa nga bang laban mo sa kaniya, asawa mo siya eh... mas matagal mo siyang nakasama, pero wag ka mag-aalala tin, masaya ako na masaya ka, kasi mahal na mahal kita” Hinalikan niya lang ang noo ko sabay pasok sa loob, umiiyak parin.

Lumuluha rin ako, pagod na pagod na yung isip ko, gulong gulo na ako hindi ko na alam kung ano pang iisipin ko. Mabait na tao si Denver, kung ready pa ang puso kong magmahal? Pipiliin ko siya, mamahalin ko siya pero... hindi ko maintindihan kung bakit ayaw parin ng puso ko, pagod na ako.

To Be Continued Chapter 45

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Where stories live. Discover now