Chapter 30.

169 3 0
                                    

CHAPTER THIRTY

Tina POV

Nandito lang ako ngayon sa garden, ang lamig ng hangin, pag ganito ang panahon may mga ala-alang bumabalik sa akin.

   --- “Oh anak, bakit nandito ka sa labas? hindi ka pa ba inaantok?” Napangiti akong napatingin kay inay.
   --- “Hindi pa po ako inaantok nay, ang lamig lang po ng panahon ngayon...”
   --- “Ay siya teka, may kukunin lang ang inay ha?” Napatango lang ako sa kaniya. Pagbalik niya ay dala na niya ang mainit na kape at isang makapal na kumot. “Ito anak oh, inumin mo at ito kumot nang sa ganon eh mabawasan lamig sa paligid hahaha” Natawa ako sa sinabi ni inay habang binabalot niya sa akin ang kumot
   --- “Nay lalo po akong hindi makakatulog nito eh hahahaha, pero salamat po ha?”

   --- “Nako wala yun anak ko.”

Nakangiti ako sa kawalan habang inaalala ang nakaraan, may mga tumutulong luha sa mga mata ko, marahil naging masalamuot ang nakaraan ko, pero.... naging okay ako, nakayanan ko lahat dahil nandyan sila, nandyan pamilya ko, ang tanging kalakasan ko.

“Natasha? bakit ka umiiyak anak?” Niyakap ko lang si mama ng makita niya ako habang umiiyak, hinimas himas niya pa ang likod ko habang umiiyak parin ako

“Mama? pwede bang tawagin mo ulit akong anak, nang sa ganon maramdaman ko si inay.”

“Shh tahan na anak... magkikita rin kayong dalawa huh? alam mo naman palaging nandito ako para sa'yo, nagpapasalamat akong nakilala kita... nang dahil din sa'yo pakiramdam ko hindi nam4t4y ang anak ko, tinuring na kitang anak natasha, nandito palagi si mommy para sa'yo huh?”

“Salamat ma.” Hinawakan niya lang ang pisngi kong may luha at pinunasan niya yun gamit ang palad niya

“Wag kanang umiyak? hmm? hindi kana dapat umiiyak, hindi na ikaw si tina... yung tinang malambot sa lahat.”

“Hindi ko alam ma, bato ang puso ko, pero pag pamilya ko na ang pinaguusapan lumalambot ako bigla, sila ang kahinaan ko.”

“Ayan ang iwasan mong malaman ng kalaban, dahil kapag alam nila ang kahinaan mo, matatalo ka sa laban niyo.”

“Hindi ko yun hahayaang mangyari ma, nang dahil sa kanila nagkahiwalay kami ng pamilya ko, nam4tayan ako ng dalawang anak kaya dapat lang na sobra pa sa sobra ang singilin ko sa kanila!!!” Isinandal lang ni mama ang ulo ko sa dibdib niya at doon ako nagpahinga, sobrang laki ng pasasalamat ko sa taong ito, kung wala siya wala ako rito.

Lori POV

Dumalaw kami sa puntod ng anak ko, hanggang ngayon ang sakit parin ng mga nangayayari, kahit ako ay hindi ko parin matanggap na wala na si tintin

“Anak? miss na miss kana namin, sana anak kung nasaan ka man ngayon maging masaya ka palagi, kasi kami anak... hanggang ngayon hindi namin matanggap na wala kana, ni hindi ka man lang nagpaparamdam sa akin anak... gustong gusto kang maramdaman ni inay nak, miss na miss na kita” Napahagulgul pa ako habang nakatingin sa puntod ni tina, niyakap lang ako ng asawa ko, wala si rachelle dahil na sa trabaho, kaya kaming dalawa ni rey ang bumisita kay tina

Tina POV

Pumunta kaming mall ni mama dahil may mga kailangan siyang bilhin, sinamahan ko lang siya upang mamili, nagpunta ako sa mga set ng shoes ng may makita akong isang pares ng high hills, ang ganda mukhang babagay siya sa paa ko. Ngunit ng kukunin ko na ito ay biglang may kamay na gusto rin itong kunin, napangiti ako ng makita siya, sa wakas, nagtagpo narin kami.

Janna POV

Gulat akong nakatitig sa mukha niya, nanlaki ang mata ko, hindi alam ang gagawin, para akong nanigas sa kinatatayuan ko.

“Tina? b--bakit, bakit buhay ka? p--p4tay kana hindi ba?” Naningkit pa ang mga mata niya

“Excuse me... who's tina?”

“Pwede ba!! wag mo kong idaan-daan sa kagagayan mo, kung sa tingin mo mapapaniwala mo ko na ibang tao ka pwes nagkakamali ka, alam kung ikaw yan tina!!” Natawa siya ng natawa habang umiiling iling nakatingin sa'kin

“Aminin mo? nag ddrugs kaba ms? first of all i don't know who's tina, second i don't who are you to talk to me like that, third... ako ang nauna sa sandals na 'to so give it to me!” Inagaw niya sa akin ang sandals na ito ng malakas pero hindi ko parin ito binibitawan.

“I don't care who you are, ako ang nauna rito, ibigay mo 'to sa'kin.” Malakas ko ring inagaw ang sandals pero hindi parin niya binibitawan. Kita ko ang maliit na pangalan na nasa suot niyang damit, maliit lang ito pero kita ko parin ang pangalan na nakasulat roon.

Natasha Montelviar? Hindi ba ito ang nagmamay-ari ng calling card na nakita ko sa polo ng boyfriend ko, siya ang kabit ni dave? kaya naman pala....

“Ikaw si natasha?”

“Yes my sweet, bakit mo naman natanong?” Nasamp4l ko siya ng malakas, napatingin sya sa akin na kalmado parin ang mukha

“Ikaw babae ka!! lumayo-layo ka sa boyfriend ko, ikakasal na kami! ikaw kabit kalang matuto kang lumugar, kakabit kana nga lang sa magkakaanak pa.” Napatingin siya sa tyan ko at napangiti rin siya sa akin, nagulat ako ng s4mpalin niya rin ako, malakas ito ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko

“Kabit? ako, commoooon girl, hindi pa kayo mag-asawa, kung yung mag-asawa nga... naagaw yun pa kayang boyfriend palang?”

“Papakasalan ako ni dave, sa oras na mapawalang bisa ang kasal nila ng losyag niyang asawa!!”

“Really huh? Well congrats... sana nga ay matuloy, kasi... andaming napapabalita na naagaw ang mga mahal nila, ingat ka... baka pag-gising mo, may kinakain ng ibang putahe ang fiance mo, ikaw rin baka maudlot.” Nakangiti pa siya sa akin

“Letche ka! Anong ibig mong sabihin ipagpapalit ako ni dave sa kagaya mo?”

“Hahahaha opps wala akong sinasabi, pero... malay mo naman. Si dave kasi yung tipo ng tao na gustong kumain ng fresh na putahe kesa sa papanis na... baka maging tama nga ang—”

“Shut up!!! Hindi pa ako papanis!! ikaw ang mapapanis pag sinira ko yang mukh4 mo!!!!”

“Hahahahaha okay sabi mo yan eh, sige na... sa'yo na yang sandals na yan, tutal mabait naman ako, namimigay ako ng pag-aari ko, bye girl.” Tumatawa pa siya habang papaalis, tila ba nang-aasar pa, bwisit kang natasha, letche ka!!!

To Be Continued Chapter 31

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Where stories live. Discover now