Chapter 2.

165 4 0
                                    

CHAPTER TWO

Tina POV

Hinanap ko na lang si Janna at isinawalang bahala ko na lang yung lalaki kanina, sa pag-lalakad ko ay nasalubong ko na rin si Janna, kararating lang din ata niya.

“Janna! Andyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap e” Napangiti lang siya sa akin

“Bakit hindi ka pa naunang pumasok tin? Inantay mo pa talaga ako hahahaha”

“Syempre di ako sanay pumasok mag-isa, simula bata palang tayo palagi na tayo magkasama, parang kapatid na kaya kita, tara na janna? pasok na tayo” Napangiti lang siya ipinalupot ko ang braso ko sa mga braso niya

Si Janna lang ang bukod tanging kaibigan ko, oo marami naman akong nakakausap na iba pero iba ang trato ko kay Janna, mahalaga siya sa akin, kapatid na kaya ang turing ko sa kaniya, isa siya sa pinakaimportante sa akin.

Nagsimula na ang klase, wala akong ibang inatupag kundi ang pag-aaral ko, inisantabi ko muna ang lahat, ang goal ko kasi maiahon sa hirap ang inay at itay ko, naawa ako sa kanila, todo ang paghihirap nila para lang mapag-aral kami sa kolehiyo ni ate, buti nga.... kahit paano nakakuha ako ng scholar kaya dito ako nakapag-aral, kasama kong nagtake ng exam si Janna, pero hindi siya nakapasa kaya technically gumagastos talaga siya para sa pag-aaral niya, wala na rin kasing inaasahan yun, wala na rin kasi siyang mga magulang e, nakakaawa nga siya, kaya ginagawa ko ang best ko para sa kaniya, ayokong mafeel niyang wala siyang natatakbuhan sa oras na malungkot siya.

Ilang oras pa ang nagdaan ay tumunog na ang bell hudyat na uwian na kaya kinuha ko na agad ang bag ko at lumabas na, nakita ko pa si Janna na dere-deretso, tinatawag ko siya pero hindi siya lumilingon kaya minabuti kong habulin siya

“Uy Janna, bakit 'di mo ko pinapansin? Galit ka ba sa'kin?” Napangiti lang siya

“Sorry tin, hindi kita naririnig e”

“Okay lang, tara sabay na tayo umuwi—”

“Hindi na. Uuwi na ako mag-isa, may gagawin din kasi ako e, bye” Napatingin lang ako sa kaniya habang lumalakad palayo, hindi ko alam pero parang umiiwas siya sa akin, ayokong pag-isapan ng masama ang kaibigan ko.

Maya-maya pa ay may humarang sa akin na lalaking naka maskara, hindi ko kita ang mukha niya pero may iniabot lang siyang chocolates at teddybear sa akin, kita ko pa ang mga kalalakihan sa likod niya na nakamaskara din at inilantad ang tarpolin na naglalaman ng ‘S.O.R.R.Y’

Tinangggal niya ang mask niya, at siya yung lalaking nabunggo ako kahapon ata

“Ano ba 'tong ginagawa mo, ano kaba nakakahiya” Lumuhod siya at iniabot sa akin ang teddybear at bulaklak.  “Tumayo ka nga riyan nakakahiya na oh” Napapatingin tingin pa ako sa paligid dahil sa dami ng istudyanteng nanonood

“Hindi ako tatayo dito hangga't hindi mo ko pinapatawad” Napapatingin tingin pa ako sa paligid at tinayo ko nalang siya at tapatango nalang

“Oo na, sige na pinapatawad na kita tumayo kana dyan” Napangiti pa siya at kinuha ang kamay ko para halikan

“Salamat binibini, kita ulit tayo bukas” At tumakbo na siya paalis, napangiti pa ako habang napapatingin-tingin sa mga teddybear na binigay niya sa akin

Dave POV

“Oh paano ba yan? pinansin na niya ako, ano kayo ngayon hahahahaha” Nagtawanan sila at napatingin pa sa akin

“Sus, kahit ako rin naman pinapansin non hahahahaha apaka yabang mo, pinansin ka lang naman, hindi mo pa naman siya girlfriend noh” Napangiti pa ako habang nakatingin pa sa kanila

“Darating din tayo diyan, ang importante sa ngayon napansin na niya ako” Napailing pa sila habang nakatingin sa akin.

Tina POV

Nakamasid lang ako sa mga bulaklak na binigay nung lalaki sa akin, dave ang ngalan niya sa pagkakatanda ko. Ewan ko hindi ko maintindihan kung bakit hindi siya maalis sa isip ko mula pa kanina, inamoy-amoy ko lang yung bulaklak ng biglang dumating si inay

“Iba ang mga ngiti mo ngayon ha?” Napatingin ako sa kay inay at inayos na ng pagkasalansan ang mga bulaklak bago umayos ng upo

“Hindi nay.... ambango po kasi nung, mga bulaklak e hahaha”

“Sa'kin ka pa ba magsisinungaling? e anak kita, sino yang lalaking yan? gusto mo ba siya anak?”

“Nako hindi po, natuwa lang po ako, akala ko po kasi loko-loko siya at masama ang ugali, hindi po pala.... yun lang po yun nay” Inayos niya ang side ng buhok ko habang nakangiti

“Alam mo anak, hindi naman masama ang magkaroon ng crush o hinahangaan, pero sana anak hanggang do'n lang muna ha? ikaw lang ang inaalala ko... ayokong... ayokong maranasan mo ang sakit ng dahil lang sa nagmahal ka, tandaan mo anak, maraming kaakibat na sakit kapag nagmamahal ang isang tao, ayoko lang na...”

“Alam ko po yun nay... palagi ko po yung tatandaan.” Niyakap lang ako ni inay at ganon din ako sa kaniya, alam ko naiintindihan ko, ginagawa lang ni inay ang mas makakabuti sa akin.

Dave POV

Anong oras na, hays yari nanaman ako nito kay dad, okay lang, alasais palang naman e.

Sa pagmamaneho ko ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan, dinahan-dahan ko lang ang pagmamaneho ko ng may madaanan akong babaeng basang-basa sa ulan, minabuti ko nalang bumaba at tulungan siya. Dahil hindi maatim ng konsensya ko na walang gawin lalo pa't babae siya

“Salamat ha?” Napatingin ako sa kaniya, basang basa na siya kaya binigay ko ang jacket ko para ipatong sa katawan niya

“Saan ba ang bahay niyo?”

“Malayo pa rito e, ihahatid mo ba ako?” Napailing lang ako

“Hindi na siguro, dito nalang tayo sa hotel magpalipas hangga't hindi pa tumitila ang ulan, mahirap na baka maubusan ako ng gas” Napangiti lang siya.  “By the way, what's your name?”

“Janna” Napatango lang ako, ng makarating kami sa hotel ay agad agad na kaming nag check in, room 6 ang kwarto namin.

“Magpahinga ka na, bukas maaga pa tayong aalis” Hindi umaalis ang tingin niya sa akin

“Parang nagmamadali ka? May asawa ka naba? Girlfriend or what?” Napailing lang ako sabay tawa ng marahan

“Hindi pa ako kasal, at mas lalong wala akong girlfriend”

“Sooooooo, walang maghahanap sa'yo?” Kita ko sa mga mata niya ang pantutukso

“ah... y-yes?” Tinulak niya ako sa kama kita ko ang pagtanggal niya sa damit niya, bra nalang ang naiwan pero heto ako, nakatingin pa rin roon, tila ba nag-aantay nalang hubarin niya iyon.

“Basang basa na ako, pwede ko ba 'tong hubarin?” Napalunok ako ng sunod sunod ng mahub@d na niya ang bra niya, sinunud niya ang pants at panty niya hanggang sa wala na siyang tirang suot.  “Ngayon? Gusto ko magpainit? tulungan mo naman ako, nilalamig kasi ako e” Hindi na ako nakapag pigil ng sunggaban ko siya ng halik, madiin, sinigurado kong kakapusin siya ng hininga.

Pinagbigyan ko siya sa gusto niya, pinainit namin ang gabi, walang tumatakbo sa isip ko kundi ang mga sandali namin, tila ba hindi ko na naiisip ang mga pwedeng mangyari basta ang mahalaga ay ngayon.

To Be Continued Chapter 3

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon