Chapter 21.

124 1 0
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

Tina POV

Nagplano akong maglaba ngayon kasi wala naman akong magawa, kadadalaw ko lang din kayla inay kahapon, sa isang linggo tatlo o apat na beses akong pumupunta sa bahay, hindi ko kasi maatim na hindi sila makita o makausap man lang.

Binukod ko ang decolor sa puti, pagtapos ay pumukaw sa akin ang polo ng asawa ko na may bahid ng lipstick.... napakunot ang noo ko, inamoy ko pa nagbabakasakali na mali ako kaso hindi, amoy ito ng lipstick ng isang babae.

    --- “Dave? bakit parang.... iba yung amoy ng pabango mo? hindi naman 'yan ang gamit mong perfume ha?”
    --- “Ah... ano tin... ano kasi, tinry ko yung pabango ng kaibigan ko, sabi niya kasi mabango raw eh”

Bumalik sa ala-ala ko ang kaganapan na yan, bigla na lamang ako nabahala, natatakot. Hindi ko ata kaya kapag nagkataon.

Hindi ko na lamang pinansin at sinimulan ko na ang paglalaba, pero kahit anong pilit kong huwag isipin ay hindi mawagli sa isip ko.

“Hi tin” Ngumiti ako ng marahan kay janna na kararating lang.  “Oh what happened? bakit ganiyan ang itchura mo?” Napailing lang ako at ibinaling ang tingin sa washing na umiikot

“Wala janna... may mga bagay lang na... gumugulo sa isip ko”

“Tulad ng ano?” Napatingin ako sa kaniya

“Sa tingin mo ba janna, magagawa akong lokohin ng asawa ko?” Napakunot ang noo niya sa tinanong ko

“I don't know, hindi ko hawak ang desisyon ni dave... why did you ask?”

“May... may nakita kasi akong, bahid ng lipstick sa polo ng asawa ko eh, ayoko nang magisip ng magisip pero hindi ko maiwasang hindi isipin, natatakot ako.” Napangiti pa si janna at hinimas ang likod ko

“Ahm... i think sis, kailangan mo siyang bantayan, sundan mo ang mga galaw niya, kasi feeling ko? may babae rin si dave... feeling ko lang ha? na sasayo yun kung mapapatunayan mo.” Napaisip ako sa mga sinabi ni janna, tama naman siya, kailangan ko ngang bantayan ang asawa ko.

Kinaumagahan ay walang pasok sila papa at dave, na sa bahay lang sila... tinitignan ko ang mga sinampay ko kung tuyo na ba nang mapansin kong nakabihis si dave

“Dave, saan ka pupunta? wala naman kayong pasok ngayon diba? bakit nakabihis ka?”

“Sa kliyente ko, may pag-uusapan lang kami tin, hintayin mo ko ha? darating ako agad” Umalis na siya ng biglang tumunog ang cellphone ko, isang text ang natanggap ko sa isang number

UNKNOWN NUMBER;

Sundan mo ang asawa mo, makikipag kita siya sa kabit niya, marahil hindi mo ko kilala pero ako kilala kita... at wag mo ng alamin kung sino ako 'cause i'm here to help you my dear.

Nang mabasa ko ang text ay dali-dali akong lumabas ng bahay, sumakay lang ako sa taxi.

“Saan po kayo ma'am?” Tanong pa ng driver sa akin

“Pakisundan nalang po yung kulay asul na kotche na yun kuya” Turo ko pa sa kotche ng asawa ko

“Sige po ma'am.”

Huminto ang kotche ni dave sa isang mamahaling restaurant, binayaran ko rin si kuya at bumaba na nga ako, nakasunod parin ako sa kaniya.

Naalala ko pa ang sinabi sa akin ni janna, sana nga hindi yun totoo, sana nga hindi totoong niloloko ako ng asawa ko, kasi kung ganon hindi ko kaya.... Masyado kong mahal si Dave, hindi ko kayang iwanan niya ako at ipagpalit sa kabit niya.

Nagpaalam siyang umalis kaya minabuti ko siyang sundan. Sa pag-sunod ko sa kaniya ay napadpad ako sa isang restaurant, ano naman kayang gagawin ng asawa ko rito? Nilakasan ko ang loob ko, pumasok ako sa loob, hinanap agad ng mata ko si Dave, nagbabakasakali na sana'y hindi tama ang kutob ko, sana'y wala siyang babae.

At nakita ko nga siya. May kasamang babae. Pinipigilan ko pang maluha ng dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan nila.

“D-dave?” Napalingon siya sa akin at halata sa mukha niya ang gulat

“Tin??” Nang lumingon siya ay lumingon din ang babae, sa pagkakataong ito hindi ko na napigilan ang luhang kanina pa nagbabadya sa mga mata ko, bakit siya pa? sa dinami-dami ng babae bakit siya pa ang napili niya??

“J-janna?” Napangiti pa siya sa akin, at hindi alintana sa kaniya na nahuli ko sila, tila ba pabor pa sa kaniyang nakita ko sila.  “Ikaw... yung kabit ng asawa ko?”

“Exactly.” Tumayo siya sa pagkakaupo, pinigilan siya ni Dave pero ayaw niyang magpapigil.  “Wag ka ng magtaka tintin..... ipagpapalit ka talaga ng asawa mo, dahil diyan sa itchura mo hahahahaha, tignan mo nga yang itchura mo! ang losyang losyang mo!! sa tingin mo ba magtitiis sa'yo si dave? hindi, kasi bukod sa losyang kana, t@nga t@nga kapa!” Napaluha ako sa mga sinabi niya, hindi ko lubos maisip na gagawin to sakin ng kaibigan ko.

“Bakit mo 'to nagagawa sa'kin Janna? Anong kasalanan ko sa'yo, tinuring kitang kapatid ko, sa kabila ng ginawa ko para sa'yo bakit mo'to nagagawa sakin!!”

“Kasi gaga ka! common tin.... tanggapin mo nalang ang katotohanang mas karapat-dapat ako kay dave, kaysa sa'yo na pinagsawaan na ng asawa niya—” Nasampal ko lang siya kaya sinampal niya rin ako at tinulak ng malakas dahilan upang mapaupo ako sa sahig, tumayo ako at tumakbo palabas habang umiiyak, naramdaman ko ang paghawak ni dave sa braso ko dahilan upang mapatingin ako sa kaniya habang umiiyak pa rin.

“Sagutin mo nga ako.... Bakit siya pa? Bakit sa dinami-dami ng babae sa mundo bakit si Janna pa dave?”

“Im sorry tin... sorry, sana naman maayos natin 'to, sana naman please wag na tong makarating sa pamilya ko, specially kay dad, lagot ako ro'n tin—” Sinampal ko rin siya bago pa man siya magsalita pa

“Hahaha ang sarap mong mahalin dave... Wala ka na talagang pake sa nararamdaman ko, ok na sayong masaktan ako basta lang hindi malaman ni papa?” Napahagulgul lang ako habang nakatingin sa kaniya, wala akong makitang bakas sa mukha niya na nagsisisi siya.  “Magsama kayo ng kabit mo!” Tumakbo lang ako palayo, hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng paa ko ang mahalaga makalayo ako sa mga taksil na yon.

To Be Continued Chapter 22

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Where stories live. Discover now