Chapter 12.

97 3 0
                                    

CHAPTER TWELVE

Tina POV

Kasalukuyan akong na sa kwarto ng biglang pumasok si ate lucille, napaupo lang siya sa tabi ng kama ko habang pinagmamasdan ako

“Oh? bakit ka nagkukukulong dito? nasaan pala yung magaling kong kapatid?” Napailing lang ako, ewan ko ba, palagi nalang siyang wala

“Ewan ko ate... hindi naman niya sinasabi kung saan siya pupunta eh”

“Hindi parin talaga siya nagbabago, pasensya na tintin ha? wala akong magawa para sa'yo”

“Ayos lang ate... nasanay nalang din ako, uuwi naman siya eh, uuwi parin siya sa akin” Pumatak ang mga luha sa mga mata ko at ramdam ko ang mga bisig ni ate na nakayakap sa akin, hinihimas himas niya yung likod ko

Dave POV

Hating gabi ng umuwi ako, nagulat pa ako kasi akala ko si dad ang bubungad sa'kin pero mali ako. Si ate. Agad niyang piningot ang tenga ko, napatingin lang ako sa kaniya ng masama

“Aray ko ano ba!!”

“Saan ka galing? galing mo rin no? ano ka binata?? hindi kana binata dave magkakaanak kana! ano bang ginagawa mo?!? naaawa na ako sa asawa mo, alam mo? wala ka parin talagang pinagbabago, nakakadissapoint ka”

Umalis lang si ate, ewan parang tinamaan ako sa sinabi niya, pumunta ako sa kwarto niya at nakita ko si tina. Tulog. Habang yakap ang litrato naming dalawa months ago na, i don't know pero naawa rin ako sa kalagayan niya, agad kong inayos ang pag-higa niya ng maalipungatan siya sa ginawa ko

“Dave? umuwi kana?” Nakatingin parin siya sa akin, bakas sa mata niya ang pag-iyak

“Sorry—”

“Ayos lang... asawa kita, ayoko namang mas@kal ka sa'kin gaya ng sabi mo” Napaluha ako sa sinabi niya, bakit napaka bait niya?  “Pero dave? miss na miss na kita, pwede bang... mag stay ka ng isang araw kahit sana hindi na para sa'kin, para nalang sana sa anak mo” umiiyak siya ngayon, wala sa sariling niyakap ko siya, ewan kusa na lamang gumalaw ang mga katawan ko upang gawin yon

Tina POV

Nagising akong wala sa tabi ko si dave, ano pa nga bang aasahan ko? palagi naman siyang wala, tatayo na sana ako ng bigla siyang dumating dala ang tray ng pagkain, napakunot ang noo ko at nagtataka

“Gising kana pala” Napaupo siya sa tabi ko, hinawi niya ang buhok ko patungo sa gilid ng tenga ko

“A-akala ko... umalis kana” Napangiti pa siya sa akin

“Dito muna ako? para kay baby, sige na kainin mo na 'to ha” Napangiti pa ako

Hindi nga siya umalis ng araw na iyon, na sa garden lang kami, nag picnic, ang saya.... ganitong ganito kami noon, sana hindi na 'to matapos, nakita ko sa malayo na nakatanaw si ate lucille, nakangiti sa akin samantalang si mama ay blangko lang ang mukha

“Sali rin po ako ate tina” Saad pa ni thelyon

“Oo naman, tara nga dito” Ikinandong ko siya sa binti ko at nilaro-laro, napapatingin ako kay dave na nilalaro-laro rin si thelyon

“Ate tina? pwede po favor?” Cute na sabi niya sa akin

“Oum ano ba yun?” Nakangiti kong saad

“Pwede po bang tita nalang itawag ko sa'yo, asawa mo naman po si tito dave eh” Natawa ako sa kacutetan niya

“Oo naman ano kaba, ang cute cute mo kaya”

“Syempre po.... baby boy po ako ni mommy ko eh” lalo akong natuwa, napakabibo ng batang ito.

“Thelyon? magkakaroon kana ng bagong kaibigan” Napatingin ako kay dave ng sabihin yon

“Really tito?” Napatango lang si dave.  “Sino po? saan ko po siya pwede makita” Tinuro ni dave ang tyan ko

“Here. May baby diyan sa tyan ni tita tina mo, and soon pwede mo na siyang laruin kapag lumabas na siya” Pumalakpak pa ang bata at tuwang tuwa sa mga sinabi ni dave

“I hope he's a boy, para po playmate kami”

“At sana rin kasing cute mo siya” Pinisil ko ang pisngi niya at tumawa siya ng malakas, napangiti ako at hinagod ko ang buhok niya, nagkatinginan kami ni dave, namiss ko 'to.

Hapon ng biglang lumapit sa'kin si papa habang naglilinis ako dito sa kwarto, nakakapagtaka ang ginagawa ni papa

“Bakit po pa? may problema po ba?”

“Tina gusto ko magsabi ka ng totoo, please?” Napakunot ang noo, bakas sa mata ni papa ang pagpipigil niyang maluha.  “May lalaki ba ang asawa ko?”

     ‘- siguraduhin mo lang tintin ha? dahil kapag nalaman 'to ni austin I will make sure your life will be miserable -’

Nagbalik tanaw sa'kin ang mga sinabi ni mama bago ako bumalik sa wisyo, naawa ako kay papa, pero.... natatakot ako sa pwedeng gawin ni mama

“Please tin.... just tell me the truth, alam kong may alam ka since palagi kang nandidito sa bahay nakikita at nasusubaybayan mo siya so please, tell me” Napaluha pa ako

“Si mama po kasi...nung nakaraan pong gabi, n-n-nak-nakita ko po siyang may, may kasamang, may kasamang lalaki po.... papa yun lang po yung nakita ko sorry po pa” Halos maiyak iyak kong kwento kay papa

“Thankyou, alam ko nanaman na yung totoo, gusto ko lang marinig sa'yo yung totoo, i saw them in cctv at nakita ko ring andon ka, akala ko.... maglilihim ka tina, thankyou tin” Lumabas na siya habang napaupo pa ako, umiiyak, hindi ko na alam, maghahanda nalang ako sa pagsugod ni mama sa akin kapag nalaman niyang sinabi ko 'yun kay papa.

KINABUKASAN

Rinig ko ang pagtatalo ni papa at mama sa baba, pagbaba ko ay kita kong inaawat ni dave si papa at nakahawak naman si ate lucille kay mama

“Wala akong lalaki ano bang sinasabi mo!! may dalawa na tayong anak austin ano ba naman yang binibintang mo?!?!” Sigaw ni mama

“Talaga ba?? wag mo nga akong ginagawang mangmang nancy, i know everything, I know all the stup!d things you do!!” Napatingin sa'kin si mama ng makita ako

“Why? sinabi na ba sa'yo ng impaktang babaeng 'to, l3tche ka talaga sinisira mo ang pamilya ko!!” Lumapit siya sa akin at hinil@ niya ang buh0k ko, nasasaktan na ako ng pigilan siya ni ate at ni papa

“Stop!!!! stop!! walang kinalaman si tina dito nancy! wag mo nga siyang dinadamay!!” Umiiyak lang ako habang yakap ni ate lucille. “Sa ginagawa mo, mas lalo mo lang sinasabi sakin na totoo ang mga sinasabi ko!! you want to know how i found out? here!” Hinagis niya ang USB ng cctv at mga picture na nakunan sa cctv, kita si mama na yakap ng lalaki at naghahalikan pa ito, kita ko sa mga mata ni mama ang mga luhang nagwawaldas. “Nakalimutan mo atang may cctv sa lugar kung saan kayo naglal4ndian ng kabit mo”

“Austin please? let me explain—”

“No. Wala ka ng dapat ipaliwanag kasi malinaw na sa akin ang lahat, kaya pala.... dati palang nagdududa na ako sa mga kinikilos mo nancy, kung inaakala mong maiisahan mo'ko nagkakamali ka, don't worry, i will not cast you out, and I will not hurt you like you did, hahayaan lang kitang manirahan sa bahay ko, nasasayo na 'yan kung tutuluyan mo kong lokohin, dahil pag ako napuno nancy hindi mo yun magugustuhan, hindi mo magugustuhan ang mga gagawin ko, tandaan mo, kaya kong baguhin ang buhay mo sa paraang alam ko, wag mo kong susubukan nancy, wag.” Naluluha lang ako habang nakatingin sa kanila, kita ko ang pag-alis ni papa at ang matatalim na tingin ni mama sa'kin, natatakot ako ngayon palang.

To Be Continued Chapter 13

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Where stories live. Discover now