Chapter 31.

164 3 0
                                    

CHAPTER THIRTY-ONE

Janna POV

“Kilala ko na kung sinong kabit ng fiance ko lia.” Napakunot ang noo niya habang nakatingin sa'kin

“Sino naman teh? Iba rin 'yang si dave huh? Ikakasal na kayo't lahat nakuha pang mambabae.” Saad niya pa habang may kinakalikot sa computer niya

“Si Natasha. Si Natasha yung babae niya.”

“Sino yun? Ano girl maganda ba siya?” Napairap pa ako

“Hindi. Mas maganda parin ako noh, maputi lang siya”

“Ayy bongga ang taas ng confident mo teh gorl, ay teka nga... isesearch ko nga.” Napapunta ako sa pwesto niya upang tumingin kung isesearch niya nga. “Natasha ano sis?”

“Montelviar.” Napatango lang siya at tinype ang apilyido, ng lumabas ang resulta ay nanlaki ang mata niya sa mga nakita

“Oh my gosh!!! minumulto ba ako ni tina!! jusko bakit siya nabuhay, god! kinikilabutan ako.” Napairap pa ako bago siya binatuk4n, kumalma siya at masamang nakatingin sa akin

“Ang oa mo, she's not ghost, isa siyang imp0krita... kaya pala kumabit kay natasha kasi kamukha naman pala ni tina, letche talaga 'yang dave na 'yan, huwag ko lang silang makita naglalampungan makakatikim sila pareho sa'kin.”

“Grabe sis.... kamukhang kamukha siya ni tina, pero wow huh? May ganiyan palang version si tina, yung mamahalin tignan, mukhang ang hirap hawakan at talagang malakas ang karisma.”

“Malakas na s4mp4l ang dadampi sa mukha mo kapag hindi kapa tumigil.”

“Luh, ito naman.... nagjojoke lang eh.”

“May araw rin yan sa'kin yang natasha na yan, malalaman ko rin ang baho niya.”

Tina POV

May inutusan akong mga tao na papasok sa kumpanya ni papa, at sisiguraduhin kong lahat ng ari-arian nila sa'kin mapupunta hanggang sa gumapang na sila sa hirap.

May kasalanan din si papa, tinanggap niya agad ang mga panloloko ng anak niya, pinatira niya pa sa bahay niya yung babaeng sumira sa amin ni dave, kaya ngayon? galit na galit din ako sa kaniya

“Kumusta? May nangyayari na ba?”

(Inuunti-unti ko pa po ma'am, pero wag po kayong mag-alala, paniwalang paniwala po si austin na mag iinvest tayo kumpanya niya)

“Magaling, ayusin niyo 'yang trabaho niyo huh?”

(Yes ma'am) Binabaan ko ng cellphone at biglang dumating si denver

“Hindi ba sobra-sobra 'tong ginagawa mo natasha? Si dave lang naman ang may atraso sa'yo pati si janna, pero bakit pinaghihigantihan mo si sir austin?” Sad niya pa sa akin, napaiwas ako ng at masamang bumalik ng tingin uli sa kaniya

“Tinanggap niya agad ng ganoon kabilis yung mga panloloko ng anak niya, and worst? Pinalit niya sa posistion ko yung janna na yon bilang asawa ng asawa ko? Ang sakit.... ang sakit sakit denver, kasi isa si papa sa mga kakampi ko sa bahay at talagang inaasahan ko pero anong ginawa niya?! Kaya dapat lang na paghigantihan ko siya.” Nakatingin lang siya sa akin habang may namumuong galit sa isip.

Habang inaasikaso ng mga tao ko ang tungkulin nila kay papa gagawin ko na ang susunod na hakbang. Sa tingin ko? kailangan nanaming magharap ni mama.

Nancy POV

“Ma'am! Ma'am...”

“Ano ba? iniistorbo mo 'ko, ano bang kailangan mo??” Binalik ko ang pag tingin ko sa dyaryo at nakita ko ang isang babaeng nakatalikod lang, mahaba ang mga buhok na medyo kulot, hindi ko kita ang mukha niya dahil nakatalikod siya ng picturan ng camera man. “Natasha huh? Interesting.”

“May nakita po kasi akong package sa harapan po ng bahay, para po sa'yo to ma'm?” Napatingin akong muli kay delya at kinuha ang package, pagbukas ko isang mamahaling kwintas, hikaw at singsing, tinignan ko pang maigi baka galing lang to sa palengke yung isang pares ro'n na tig iisang daan, ngunit hindi... isa siyang mamahaling alahas

“This is for me?” Napatango lang si delya

“Yes ma'am, pangalan niyo po yung nakalagay eh.” Umalis na rin siya pagkasabi niya non, napangiti pa ako dahil ang gaganda ng mga alahas na ito, sino kayang nagbigay neto?

Isang liham ang nakita ko sa ilalim ng box, at binasa ko ito upang makahanap ng impormasyon kung kanino 'to galing.

To: Nancy Fernandez

Nagustuhan mo ba ang regalo ko tita? Don't wonder if who i am, let's meet at a restaurant around 6:00 pm at magpapakilala ako sa'yo.

From: Secret

Sino naman kaya 'to? Natutuwa ako sa kaniya huh? Pupunta ako sa oras na sinasabi niya, nagtataka rin ako kung sino siya.

To Be Continued Chapter 32

📢A/N: I'm really sorry po kung late ang pag update ko ng next chapter, marami lang pong ginawa, hope you understand guys.

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon