Chapter 1.

409 8 0
                                    

CHAPTER ONE

Tina POV

“Bango naman niyan nay... ano ba yang niluluto niyo” Sinilip ko pa ang niluluto ni nanay.  “Wooow paborito ko yan ha? Mukhang bondat nanaman ako neto bago pumasok ha? hahahaha” Napatingin si nanay sa akin at inayos ng bahagya ang kwelyo ko

“Syempre anak, masaya ako dahil isang taon nalang gagraduate ka na sa kurso mo, magiging nurse kana... basta anak? mag-aral kang mabuti ha? wag ka munang magboboyfriend, makakasira lang yan sa pangarap mo” Napangiti pa ako sa payo ni inay, alam ko naman yun, pangarap muna talaga ang priority ko ngayon.

“Hay nako nay.... maiiwasan mo ba ang sandamakmak na manligagaw niyan ni tintin, ang ganda ganda kaya ng kapatid ko” Natawa ako sa sinabi ni ate

“Ikaw talaga rachelle ha? tama lang ang sinabi ko para kay tintin, mahirap na sa panahon ngayon, bibihira lang ang matinong lalaki” Napatingin ako kay inay, nakakatakot palang magmahal ngayon, buti nalang wala pa yan sa isip ko.

“Kagaya ba ni itay nay?” Tanong pa ni ate, napangiti lang si inay at nagpatuloy sa pagluluto.  “Uyyyy si nanay kinikilig pa rin kay itay hahahahahahahaha” Sabay-sabay kaming nagtawanan.

“Hay kayong dalawa talaga, basta mga anak? pag butihan niyo ang pag-aaral niyo, lalo kana Tintin?”

“Opo nay, lagi ko namang tinatandaan yang bilin niyo sa akin, atchaka gusto ko muna pong maging isang magaling na nurse, pagkatapos mag-iipon ako para sa pagpapatayo ng bahay, para nang sa ganon nay, hindi kana nagpapabalik-balik do'n sa palengke para lang magtinda ng isda, pangako ko yun sa'yo nay.... ako naman ang magtatrabaho para sayo, kayo naman po ni itay ang aalagaan ko” Hinawakan lang ni inay ang mukha ko

“Apaka swerte ko talaga sa inyo mga anak ko.... napaka bait ng dios na kayo ang naging anak ko, mahal na mahal ko kayo mga anak” Niyakap lang kami ni inay, at ganon din kami sa kaniya

“Ano 'yang yakapan na yan??? Sali naman ako” Biglang dumating si itay at nagtawanan lang kami.

Masaya ako na kahit mahirap lang kami, masaya naman kami, at napakaswerte ko na mayroon akong maarugang ina, mapagmahal na ama at ate ko na kakampi ko sa lahat, sila ang kayamanan ko, pag wala sila? hindi ko na alam.

Janna POV

“Teh girl, ano? wala kang balak pumasok?” Tinarayan ko lang siya at napabaling sa ibang dereksyon ang paningin ko.

“Papasok? Tapos makikita ko nanaman yang tinang yan, nakakapagod rin kayang makipagplastikan sa kaniya, masyado ba siyang t@nga para hindi mapansin na ginagamit ko lang siya para sa mga assignments ko”

“Hindi kana chussy gaga, buti nga t@nga e, edi may aasahan kana sa mga homework mo, easy pass para gumraduate” Tinarayan ko lang siya

“Nakakainis lang kasi, puro nalang siya ang magaling, nakakairita siyang kasama, hindi nila ako napapansin, simula palang noong mga bata kami, puro nalang si tina ang magaling, maganda, matalino letche!!! nakakainis!”

“Ano yan te? insecure ka kay tina?”

“Hindi noh!! Mas maganda pa rin naman ako sa kaniya ha? matalino lang siya noh”

“Hahahahahahaha kinikilabutan ka ba sa sinabi mo? ano kaba maganda talaga si tina, aminin mo na yun, yung mga crush mo nga e halos lahat sila nanliligaw kay tina diba?”

“Kapag hindi ka pa tumigil, ibabato ko na sa'yo tong plato”

“Okay chill... ito naman, napaka init ng ulo, sige na pumasok kana”

“Bwisit!”

Tina POV

Kanina pa ako nagpapaikot-ikot dito sa campus pero hindi ko pa rin makita si Janna, nasaan na kaya yun? Inilibot ko pa ang buong campus hanggang sa mabangga ako ng isang lalaki, tumilapon ang mga dala kong libro pati ang suot kong eyeglasses ay nalaglag rin. Tinulungan niya naman akong kunin lahat ng mga nalaglag at iniabot niya iyon sa akin pati ang eyeglasses ko.

“Nako sorry ha? Sorry.....” Napatingin ako sa kaniya habang nakatingin lang siya sa akin.

Dave POV

Hindi ko sinasadyang mababgga ang babae na 'to, tinulungan ko siya sa lahat ng gamit na nalaglag niya, hindi pa siya tumitingin sa akin noong nagsosorry na ako sa kaniya, pagsuot niya ng eyeglasses ay napatingin na rin siya sa akin.

Natulala ako. Ang ganda niya. Para siyang anghel na inihulog dito sa lupa.

“Ah... i'm dave by the way” Tinignan niya lang yung palad ko na nagaabang na makipagshakehands sa kaniya

“Hindi ko naman tinatanong ang pangalan mo e, sa susunod tumingin ka sa dinaraanan mo” Saad niya pa bago siya umalis, pinagmasdan ko lang siya paalis ng biglang dumating yung mga kaibigan ko

“Type mo? Hahahhahahahaa itigil mo nayan tol, wala kang mapapala diyan, puro pag-aaral na sa isip niyan e”

“Sino yun? Ganda niya.” Wala sa sariling sabi ko sa kanila

“Si tina yun, nanligaw din ako don dati pero binasted ako hahahahahahaha andami ng binasted niyang bro, wag ka ng magtangka”

“Ibahin niyo ko. Kung ano ang gusto ko, nakukuha ko, alam na alam niyo naman yan diba? yang tinang yan.... magiging akin din yan”

“Sus, parang ang labo ha?”

“Walang tiwala sa kaibigan niya, manood kayo, mapapasakin din siya, tina pala ha?”

Continued Chapter 2

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon