Chapter 37.

148 3 0
                                    

CHAPTER THIRTY-SEVEN

Tina POV

“Anak?” Napatingin ako kay inay.

“Bakit po nay?”

“Anak... bakit kaya hindi mo nalang itigil ang paghihiganti mo? para makapagsama na tayo anak, ayoko ng ganito, minsan kalang namin makasama dahil nagtatago ka sa katauhan ng ibang tao, please anak? wag mo ng pahirapan ang sarili mo.” Napaiwas ako ng tingin bago tumingin kay inay

“Hayaan mo nay, tatapusin ko na rin po ito huh?” Napangiti pa si inay at hinawakan ko siya sa pisngi ng biglang tumunog ang phone ko, sinagot ko ang tawag.

“Hello? Oh ano kamusta?”

(Okay na po ma'am, successfull na po ang plano, nakuha ko na po ang lahat ng properties ni austin, wala parin po siyang kaalam-alam sa mga nangyayari.” Napangiti ako

“Talaga? mabuti kung ganon, tapos na kay austin, sa tingin ko kailangan ko na 'tong tapusin.” Agad kong kinontact si dave.

“Hello dave? Meet me in my condo around 3pm.” Agad naman siyang pumayag, malapit na ako sa exciting part.

Sumapit ang alas tres ay dumating si dave sa condo ko, pero bago pa man siya dumating ay may nakaset na camera sa gilid ng kama. Agad ko siyang pinaulanan ng halik, gumanti rin naman siya, nakapatong ako sakaniya ngayon habang nakahiga siya sa kama

“Oh my god natasha, you make me crazy, ilang gabi na ang nagdaan ikaw palagi ang na sa isip ko, please.... i want you... all of you.” Hinalikan niya ulit ako, gumanti naman ako, pero bago pa man niya ako maihiga ay nagpaalam akong mag banyo muna, pasimple kong kinuha ang camera na nasa gilid ng kama ko at pumunta sa banyo. Inedit ko muna ang ibang part, kinat ko ang ibang scene na ayaw kong ipakita, sadyang paghahalikan lang namin ni dave ang gusto kong manatili habang nakapatong ako sa kaniya.

Sinave ko siya at agad na tinransfer sa phone ko, pagkatransfer ay agad kong pinadala kay janna gamit din ang isang dummy account, hahahahahahahhaa tignan lang natin kung hindi siya mapraning gaya ng naramdaman ko noon.

Janna POV

Tumunog ang phone ko at kita ko ang isang notification, send video? kanino naman galing, hindi ko kilala ang taong nagpadala ng video na to pero nagpasya na akong panoorin ang nilalaman ng video.

Kitang kita ko si natasha nakapatong sa boyfriend ko, nanlaki ang mata ko habang papaluha ng makitang naghahalikan sila, nawala rin agad ang video at nabasa ko pa ang message na kasunod ng video.

From; Secret No Clues.

Enjoying the video? Hahahaha common girl, kung gusto mo ng actual pumunta ka sa adress na 'to.

May ibinigay pa siyang location, nanginginig ang kalamnan ko sa inis, agad akong tumayo at pumunta sa adress na sinasabi ng may ari ng dummy na 'to.

Pagkarating ko sa isang condo ay dahan-dahan pa akong pumasok, kita ko si natasha na nakapailalim at si dave ang na sa ibabaw, napaiyak ako sa sakit

“Mga hay0p kayooooooo!!!!” Napatingin si dave sa akin at ganon din si natasha

“Janna? Janna anong ginagawa mo rito—” Sin4mp4l ko lang siya ng malakas at agad siyang tumigil sa pagsasalita

“Hayop ka!! ito pala ang trabaho na sinasabi mo ha?!?!” Napatingin ako kay natasha, agad kong hahablutin ang buhok ni natasha ng humarang si dave

“Janna wag ka mang gulo rito, ano ba!”

“Mal4ndi ka! Ang lakas ng loob mong kumabit sa taong ikakasal na!!! bakit?! insecure kaba sakin?!!! walang wala kana bang lalaking matitisod na pakakasalan ka?”

“Sa sarili mo itanong yan janna? Bakit sino ba ang unang naging kabit? hindi ba't ikaw? Sa sarili mo itanong ang mga tanong mo sa'kin, kasi sa ating dalawa ikaw ang kabit, ikaw mang-aagaw, ikaw ang nanira!!!!!” Napakunot ang noo ko sa mga sinabi niya, agad kong hinila ang buhok niya at wala ng nagawa si dave

Madulas ang sahig at nadulas ako, tumama ang likod ko sa sahig, napadagan si natasha sa taas ko, kita ko pagtataka sa mukha niya.

Tina POV

Naramdaman ko paglubog ng tyan niya, nakaupo parin siya habang nakatingin sa akin

“Janna yung baby mo...” Pag-aalala kong sagot

Tumayo siya na parang walang nangyari, kita ko paring nakalubog ang tyan niya, inayos niya yun at bumalik sa ayos ng lobo ang tyan niya. Kita ko ang agarang paglapit ni dave sa kaniya at pwersahang tinanggal ang na sa tiyan niya, napatakip ako sa bibig ko ng malamang isa lang yung fake pregnancy belly

“A--ano 'to janna?”

“D--dave, dave let me explain” Kita ko ang pag iling ni dave, kita ko rin ang pagpatak ng luha sa mata niya

“Umalis ka.”

“Dave ginawa ko lang naman to para manatili ka saki—”

“Ginawa mo para sakin? Dapat pala magpasalamat pa ako sa panggagag0 mo? Lahat kami pinaikot mo janna, andami mo ng nasira, pinaasa mo pa ako na magkakaanak na ako sa'yo!!!! Umalis ka!!!!!!!” Nakatingin lang ako kay janna habang papaluha rin

“Dave...”

“Sabing umalis ka eh” Hinila niya si janna palabas at tinulak paalis dito.  “Wag ka na magpapakita sa akin, tigilan nanatin 'tong kalokohan na 'to!” Malakas na sinaraduhan ni dave ng pintuan si janna, napaupo lang ako at napatingin kay dave na umiiyak. Napaluha rin ako habang nakatingin kay dave, matagal na sana siyang nagkaanak kung hindi lang pin4t4y ng janna na yun ang anak ko, h4y0p talaga siya kahit kailan

To Be Continued Chapter 38

📢A/N: Hi everyone, salamat sa pag suport

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Where stories live. Discover now