Chapter 26.

170 5 0
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX

Dave POV

Kumakain kami nila dad umagahan, dito na rin nakatira si janna dahil enggage na kami, pumayag narin naman si dad kasi wala narin siyang magawa dahil sabi ni janna buntis siya, okay narin naman sila pero si ate? hindi niya magawang tanggapin si janna

“Dave?” Tawag ni dad sa akin habang kumakain kami

“Bakit dad?”

“Ikaw na muna ang umattend sa event huh?” Naningkit ang mga mata ko

“Event? ano yun dad?” Inabot niya sa akin ang isang card

Binasa ko ang invitation card, si loraine montelviar? sino 'to? bago lang siya sa pandinig ko

“Loraine montelviar? bago lang siya pandinig ko dad.”

“Hawak niya ang sikat na kumpanya na gumagawa ng pabango, at ang sabi... ngayon ay may bagong hahawak ng kumpanya, anak niya siguro.” Napakunot ang noo

“Pa, pwede ba akong sumama kay dave?” Sabi pa ni janna

“Hindi. Mag hintay ka rito, baka mapaano pa yang apo ko.” Kita ko ang pag-irap niya

“Pwede bang palayain mo muna yung kapatid ko kahit isang beses lang? para kang tuko eh... kapit ka ng kapit, palibhasa kasi takot kang maagawan kasi inagaw mo lang din 'tong kapatid ko” Sabi pa ni ate

“Ate!”

“Isa kapa! ang tino tino ng asawa mo, ipagpapalit mo lang dyan sa isang maarteng pabebe na walang alam sa gawaing bahay, hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis niyong mag move-on kay tina, ako??? naniniwala akong babalik siya. Siya at siya parin ang gusto ko hindi ikaw.” Umalis lang si ate at napatingin ng masama si thelyon kay janna at sa'kin bago sumunod sa mama niya.

Nag ayos na ako, suot ko ang polo dahil sabi ni dad magarbo ang show na iyon, bakit pa kasi ako pa ang pinapunta niya? sabi niya lang may meeting siya sa isang kliyente niya. Habang nagbibihis ako ay masamang nakatingin si janna sa akin

“Bakit nanaman? bakit ganiyan ka makatingin?”

“Wag kang magtatagal do'n huh? tignan mo lang dave pupuntahan talaga kita do'n”

“Ito naman.... napaka init ng ulo, oo na hindi na ako magtatagal do'n uuwi rin ako agad” Nakasimangot parin siya.

Ilang oras pa ay pumunta na ako sa sinasabing event, napakalaki at magarbo nga, kasama ko lang si lance, ito naman ang kaibigan ko rito sa pinas dahil yung dalawa lumipad pa singgapore.

“Buti na nakaalis ka do'n kay janna? hahahaha” Natatawang puna ni lance

“Ayaw pa nga akong payagan, nakakainis... hindi ko malaman kung nasasak4l na ako sa kaniya o ano, ni hindi ako pinapapunta sa'yo para man lang mag enjoy.” Napailing pa si lance

“Mas malala pala yan kay tina eh no? hahahahaha.” Napatingin kami sa harapan ng magsalita ang MC

“Let's all welcome, the one and only child of loraine montelviar. The new owner of the company.... Ms Natasha Montelviar”

Kita ko ang paglabas ng babaeng naka color blue na gown, kulot ang mga buhok at... at....

“Tina?” Sabi ko pa sa sarili ko

“Ano kaba bro, nakikinig kaba? Natasha Montelviar, yun ang pangalan hindi tina... atchaka anlabo maging si tina 'yan, ni hindi nga nagmamakeup yung ex wife mo.”

Oo nga, pero paanong nangyaring may kamukhang kamukha ang isang tao na hindi naman niya kamag-anak? kasi kamukhang kamukha talaga ng natasha na ito si tina, boses, mga mata, labi, ilong, walang sablay...

“First of all, i thank everyone who supports the company. To those of you who attended this event, i promise that the company will be better and grow under my proposition. And i promise to everyone who will invest in the company that they will not regret it. And that's it, thankyou.”

“Hindi naman ako nainform na ang hot pala ng bagong C.E.O ng kumpanya, kung 'yan ang amo ko? gaganahan ako palagi pumasok hahahaha” Tumatawa pa si lance

Maya-maya pa ay napatingin sa'kin si natasha, napangiti pa siya, hindi ko alam pero iba ang epekto ng ngiti na yon sakin, parang nanindig ang balahibo ko sa kaba.

“Uuwi na ako lance, sige na.” Umalis na ako, pumunta muna ako sa banyo, tinignan ko ang sarili ko sa salamin, ano ba dave?! bakit ka ba nagkakaganito? maya maya pa ay may narinig akong may naglock ng pinto, nagulat ako ng makita ko si natasha sa harapan ko

“Hi dave.”

“Ah... ah.. ms natasha, ano pong... ano pong ginagawa niyo rito?”

“Wala, mag ccr sana ako kaso... nakita kita, nagmamadali kang umalis, why are you in such a hurry to leave? can you tell me why?” Lumapit pa siya sa akin at tinignan niya lang ako sa mga mata

“Nagulat lang ako... kamukhang kamukha mo kasi yung, asawa ko, si tina.” Napataas ang kilay niya at napangiti

“Is she as beautiful as me?” Natawa lang ako ng bahagya

“Maganda siya yes, pero.... ang layo niyo sa isa't-isa, You're sexy, fierce, and you're not boring unlike her...”

“Ouch poor tina, sigurado ako... kung naririnig niya yon, mahuhurt siya.” Napangiti lang ako ng lumapit ang mukha niya sa akin, napapikit pa ako kasi akala ko hahalikan niya ako pero pag dilat ko nakangiti na siya.

“Don't be here.” May sinuksuk siya sa bulsa ko at nakakakiliting bumulong siya sa tenga ko

“I think we will meet again soon... goodbye  handsome.” Hinaplos niya pa ang dibdib ko bago lumabas,

Napabuga ako ng hangin, kakaibang pakiramdam ang bumabalot sa'kin, ano ba naman 'tong nangyayari sa akin

To Be Continued Chapter 27

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Where stories live. Discover now