Chapter 25.

194 4 0
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE

Tina POV

Wala akong magawa dito sa bahay ni ma'am, anlaki laki pa man din, kaya minaigi kong maglinis muna, hindi kasi ako sanay na nakatunganga lang at walang ginagawa ko, sa pagpupunas ko ng litrato ay kita ko ang larawan ng isang babaeng kamukhang kamukha ko.

Biglang dumating si ma'am nakita niyang hawak ko ang larawan na tinutukoy ko, napatingin ako sa kaniya, nagtataka.

“Ma'am, bakit po meron kayong picture ko?” Napatingin siya sa ibang dereksyon at tumingin uli sa akin

“Ang totoo, hindi ikaw yan.... she is my daughter, natasha. She died in a car accident at wala akong nagawa para iligtas siya.” Napaluha rin ako sa kwento ni ma'am, alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng anak, alam ko ang nararamdaman niya, hinawakan ko lang likod ni ma'am at hinimas himas ko yun.

“And then i saw you, pag nakikita kita, gumagaan ang pakiramdam ko, kamukhang kamukha mo ang anak ko... nung tinulungan kita nung mga araw nag-aagaw buhay ka hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko nung sinabi ng doctor na okay kana... pakiramdam ko, may nagawa ako para sa anak ko, ang gaan ng loob ko sa'yo tina.” Hawak niya ang pisngi ko ngayon habang naluluha-luha pa.

“Sorry po ma'am”

“No. It's okay, at pwede bang.... huwag mo na akong tawaging ‘ma'am?’ mama nalang... ha?” Napangiti pa ako at niyakap ko lang siya

Janna POV

Nandito lang kami sa bahay ni dave, nakahiga habang yakap ang isat-isa

“Dave? kailan mo ako iuuwi sa inyo?”

“Janna naman... kam4m4t@y palang ni tina, hindi kita pwedeng iuwi agad sa bahay, ni hindi ko pa nga nasusulusyunan yung problema ko kay dad tapos gusto mo iuwi kita agad?” Napairap lang ako

“Hanggang kailan kasi ako mananatiling kabit diba? dave hindi ako bumalik dito para maging kabit mo lang... basta palipasin mo lang 'to huh? sa ayaw at gusto mo, iuuwi mo ko sa mansion at papakasalan mo ko”

“Gusto ko naman pero janna maghintay ka naman... hindi madali to eh, syumesyempo pa ako.” Napairap ako sa kaniya at niyakap niya lang ako.

Tina POV

3 DAYS AGO

“Tina? may papakilala ako na tutulong sa atin sa lahat.” Napangiti pa ako

“Sino po ma?” Pumasok ang pamilyar ng mukha ng lalaki, napangiti ako dahil kahit matagal na yon ay naalala ko siya, siguro ay naalala niya rin ako dahil nanlaki rin ang mata niya

“Denver?!”
“Tina?!” Sabay naming tinuro ang isa't isa, nagtaka si mama na napatingin sa amin

“Kilala niyo na pala ang isa't isa?”

“Opo ma, si denver po kasi yung... tumulong sakin do'n sa market dati.” Nakangiti ko pang paliwanag kay mama

“Buti naalala mo pa yun.” natatawang saad ni denver

“Oo noh hahahaha” Natawa na rin siya ng tumawa ako

“Ahm tin... si denver, pamangkin ko.” Napangiti lang ako

“Ah tita? bakit pala andito siya? paano po kayo nagkakilala???”

“Mahabang kwento, pero hayaan mong ikwento ko sa'yo mamaya, ang gusto ko... alalayan mo si tina sa mga ensayong gagawin niya? maliwanag ba denver?” Kita ko ang pagtango ni denver

“Sige ta ako bahala” Napatingin siya muli sa'kin

Sa loob ng ilang araw ay nagsimula na kaming mag ensayo, unang ensayo ay tinuruan nila ako kung paano ang lumakad gamit ang highills, kailangan ko raw masanay gumamit ng matataas ang takong, nahihirapan nga ako dahil minsan sa buhay ko ay hindi ko sinubukan ang mag sandals man lang, nakakangalay siya sa paa, mga 2 weeks kong pinag-aralan yun, ng masanay sanay ako ay iba naman ang inaral namin.

Sunod ay ang pagsasalita ng english, kailangan  fluent ang pagsasalita ko ng english... hindi naman na ako nahirapan dahil may napag-aralan naman ako kahit paano noong nagaaral pa ako.

Sunod ang pagpapractice ko ng pagkain, paano gamitin ang tinidor, kutchily0 para sa meat at iba pang klase ng kagamitan, nalilito pa ako pero nakayanan ko namang mapag-aralan.

Janna POV

Naalipungatan ako ng gising, kaya bumaba ako para uminom ng tubig ng mapansin kong may tao sa likuran ko ay nilingon ko ito, napatingin ako at kita ko si tina, nakangiti lang siya habang nakatingin sakin

“Bakit nandito ka?!?! p4t4y kana!! wag mo na akong guluhin, manahimik kana!!” Napangiti siya lalo habang nakatingin sa akin

“Akala mo ba janna habang buhay mong matatago ang mga ginawa mo? hindi.... lalabas at lalabas ang totoo, at kapag nalaman yun ng lahat, makukulong ka! hahahahahahhahahahahhaahahhahaha”

“Hindi!! hindi!!! hindiiii!!” Napatakip ako sa tenga ko dahil sumasakit ang ulo sa mga tawa ni tina.

“Hindi!!!!!” Napabalikwas ako ng bangon at napatingin-tingin sa paligid, bangung0t lang pala, nagising si dave habang nakatingin sakin

“Bakit ka sumisigaw?”

“Wala.... wala” Bwisit na tina, p4t4y na nga, nanggugulo parin sa panaginip ko.

Tina POV

MAKALIPAS ANG TATLONG BUWAN

“Sa tingin ko ay handa na siya.... come here dear, kailangan mo nang magpakilala sa kanila”

Paglabas ko ay napatingin sa'kin si denver, suot ko ang color blue na gown, makinang ito na para bang mga dyamante.

“Oh my god, tina, you look stunning.”

“Opps she is not tina denver, for now on she is natasha. Natasha Montelviar”

“Natasha huh?”

“So natasha? are you ready?” Napatingin pa ako kay mama, nakangiti.

“Matagal na akong handa ma, i can't wait to make their lives hell, lalo na si janna.” Nakangiti pa si mama sa akin

Hindi pa ako nagsisimula, iisa-isahin ko sila, ipaparanas ko ang sakit na pinaranas nila sa'kin, ibabalik ko kay janna lahat ng ginawa niya sa'kin ng triple.

To Be Continued Chapter 26

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon