Chapter 16.

103 1 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN

Tina POV

Dinaanan ko muna si mama, para ibigay ang mga pinamimili niya, kita ko ang pagkunot ng noo niya ng ilagay ko ang mga pinamili ko

“Nabili mo talaga lahat? ang pagkakaalam ko kulang ang pinadala kong pera sa'yo ha? saan ka kumuha ng pera? don't tell me, nam0kp0k ka muna para lang mabili yan”

“Hindi po 'yan totoo ma, hindi ko po magagawa yan, ayoko na po makipagtalo sa inyo ma, kailangan po ako ng pamilya ko ngayon” Umalis na ako sa harapan niya at lumabas na, na sa kanto lang yung lalaki habang hinihintay ako, pagkasakay ko ay nakatingin siya sa akin

“Ba't ganiyan itchura mo?” Napailing lang ako

“Wala.... wala lang 'to sir” Minaneho na niya ng pagkabilis-bilis, at pagkarating namin sa tapat ng bahay at bago ako lumabas ay napatingin ako sa kaniya. “Ano nga pangalan mo?”

“Denver.” Napangiti ako

“Salamat denver, oh siya dito na ako” aalis na sana ako ng hawakan niya ang braso ko.

“This is my calling card, call me if you need, promise darating agad ako” Napangiti pa ako, bumaba na ako sa kotche at kumaway pa sa kaniya bago umalis, sana ay marami pa ang kagaya ni denver sa mundo, gwapo na mabait pa.

Pumasok ako sa loob at sumalubong lang sa'kin si inay, pati si ate na halata sa mukha ang pagkairita

“Nay? bakit niyo po ako pinapapunta?”

“May bwisita ka ro'n sa sala tin” Napakunot ako sa sinabi ni ate

“Anak naman” Napairap lang si ate, minabuti ko ng pumunta sa sala at nakita ko nga si janna na andoon nakaupo, napangiti ako agad ng makita siya

“Janna? jannaaaa!" agad ko siyang niyakap at gano'n din siya sa akin. “Grabe janna, ang ganda ganda mo, lalo kang gumanda ngayon... namiss kita”

“Thankyou tin, ahm... sorry ha? hindi ako nakapag paalam sa'yo bago ako umalis, ayoko kasing sirain ang moment niyo ni dave”

“Sus, dahilan mo bulok” Napatingin ako kay ate nang napairap lang siya. “Haaay, lalabas na muna ako, ayoko ng atmosphere dito sa loob, amoy plastik na sunog” Kita ko ang pag tingin ni janna kay ate kaya hinimas ko ang balikat niya

“Hayaan mo nalang janna, nagalit lang yun kasi... hindi ka man lang nagparamdam sa'kin makalipas ang walong taon”

“Kaya nga ako nagsosorry eh, pero okay lang, gets ko naman siya” Napangiti pa ako

“Ah nga pala janna, bakit nandito?” Napangiti siya sa akin

“Ahm tin? can i ask for a favor?”

“Oum sige ano yun?”

“Pwede bang tulungan mo akong maglinis at ayusin ang bago kong bahay? please tin, i hope you say yes.... ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko”

“Ano kaba janna, sige... saan ba yung bahay mo para malinis ko na agad, wala naman akong ginagawa eh” May kinuha siya sa bag niya at binigay sa akin ang isang maliit na papel

“Here, this is my address, tamang tama rin na pupunta kana ro'n dahil andami pa talagang lilinisin, don't worry tin, I will pay you” Napailing pa ako

“Hindi na janna, kahit wag mo na akong bayaran”

“Aww.... you're the best, i really miss you tin” Niyakap niya ulit ako, masayang masaya ako na nakabalik na siya, yung nagiisa kong kaibigan.

Minuto pa ang nagdaan ay umalis na rin si janna, umalis na rin ako upang puntahan ang bahay na tinutukoy ni janna.

Pagpunta ko sa bahay ay namangha ako sa ganda neto, ang laki.... kita ko ang napaka laking paintings nakasabit sa dingding, larawan yun ni janna, ang ganda ganda niya, sobrang proud ako para sa kaniya na nakamit niya yung gusto niya makaraan ang ilang taon, sobrang daming nagbago sa kaniya, mukha na siyang mamahalin ngayon, nagpapasalamat nga ako na hindi niya ako kinalimutan eh, kaibigan parin ang turing niya sa akin. Sinimulan ko na nga sa taas ang paglilinis.

Janna POV

Nandito muna ako naglagi sa bahay ni lia dahil hinihintay ko pang matapos si tina ro'n sa bago kong bahay, hahahahaha oh my god i can't expect this, dati-rati lang.... isa siyang campus crush na halos lahat hinahangaan siya, ngayon? isa nalang siyang st*pid house wife na hanggang ngayon wala paring nararating sa buhay, poor tina.

“Nakakaloka ka talaga bacla, bakit naman pinalinis mo siya ro'n? anlaki laki kaya ng bahay, for sure bagsak yun mamaya hahahaha, nakakaawa naman siya” Napangiti lang ako

“Gumaganti lang ako lia, sobrang dami niyang inagaw sa'kin... at ngayon? aagawin ko rin ang lahat sa kaniya, syempre... uunahin ko na si dave, ang lalaking pinakamamahal niya, gusto ko tuloy maimagine ang itchura ni tina habang umiiyak at pinapatalsik sa mansion”

“Iba ka girl hahahahahahahahahaha”

Biglang nagring yung cellphone ko at napangiti ako sa kung sino ang tumawag

“Hi love? what do you need from me apart from my kisses” Rinig ko ang bahagyang pagtawa niya, napangiti pa ako lalo, he's so fvcking hot the way he did it, parang mas natetemp tuloy akong agawin siya kay tina. “Yeah, see you around, okay me too, adios mi amor” Binaba ko ang cellphone at napangiting nakatingin sa kawalan

Tina POV

Natapos ko ang paglilinis sa loob ng tatlong oras, navacuum ko na ang sahig, nalinis ang dingding cr, tapos na ang lahat

Napatingin ako sa salamin ng banyo, kita ko ang magulo kong buhok, dumi sa gilid ng balikat na galing sa paglilinis ko kanina sa dingding. Maski ako ay naaawa ako sa sarili ko, hindi ko alam kung ano ang plano ng dios sa akin pero may tiwala ako sa kaniya, alam kong.... mas maganda ang plano niya kaysa sa plano ko, inayos ko na lamang ang buhok ko, maya maya pa ay may nag doorbell na, baka si janna na yun, pag bukas ko ay nawindang ako sa nakita ko

“Dave?” Kita ko rin ang gulat sa mata niya, napatingin ako kay janna na nagpipigil matawa

To Be Continued Chapter 17

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Where stories live. Discover now