Chapter 22.

136 5 0
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO

Dave POV

Sumunod si janna sa akin sa labas habang tumatawa pa.

“Ikaw ba ang nagpapunta kay tintin dito?”

“Yes why?”

“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo janna?” Napataas ang kilay niya habang nakatingin sa akin

“Alam ko ang ginagawa ko! magpasalamat ka pa nga sa'kin at alam na ng losyang mong asawa na may relasyon tayo.... ayoko ng itatago mo ako dave.” Napakunot pa ang noo ko habang nakatingin lang sa kaniya

“Anong magpasalamat pa? hahaha nagiisip kaba talaga? kapag nagsumbong si tina kay dad malalagot ako ano ba! hindi mo ko naiintindihan eh, kabwisit naman!” Nilayasan ko lang siya habang tawag siya ng tawag ng pangalan ko.

“Dave bumalik ka dito, dave!! daveeeee!!”

Tina POV

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng paa ko, basta ang alam ko ang sakit, ang sakit sakit... paano nagawa ng dalawang taong mahalaga sa'kin pagtaksilan ako? ano bang mali ang ginawa ko sa kanila?? Ang sakit sakit, para akong mauubusan ng hininga sa kakaiyak at bigat na nararamdaman ko, napaupo nalang ako sa gilid ng kalsada dahil sa bigat at panlulumo na nararamdaman ko.

Umuwi muna ako sa amin, pagbukas ng pinto ay sinalubong ako ni inay, niyakap ko lang sila ng mahigpit habang iyak parin ng iyak, gusto ko man itago ang nararamdaman ko pero di ko kaya, di ko kayang maglihim at sarilinin ang problema ko ngayon, kailangan na kailangan ko sila.

KINAUMAGAHAN

Nagising akong hinahagod hagod pa ni inay ang buhok ko.... napangiti pa ako at nakatingin sa kanila

“Ang sama ng panaginip ko nay... akala ko totoo, kasi para po siyang totoong totoo eh” Nagkatinginan pa silang tatlo nila ate sabay tingin sa'kin

“Anak... kung ano man yung nangyari, hindi yun panaginip, kagabi umuwi ka rito sa'min, iyak ka nang iyak, ano ba ang nangyari anak?” Nagaalalang wika pa ni inay

“Hindi yun panaginip?” Hindi ko namalayang may tumulong butil ng luha sa mata ko

“Bakit? sinaktan kaba ng dave na'yan ha?” Sabi pa ni itay

“Hindi lang si dave tay... dalawa sila, niloko nila ako pareho” Napahagulgul ulit ako sa pag-iyak

“Ano ba kasi talaga ang nangyari tin? sabihin mo na sa'min ng madamayan ka namin”

“May babae si dave ate. May babae siya, at alam niyo ba kung sino ang babae niya? hahahaha si janna, si janna yung babae niya ate, si janna yung bestfriend ko haha arrghh!! bakit?? bakit nila nagagawa sa'kin 'to, bakit nagagawa sa'kin ni janna 'to ate?” Kita ko ang pagbago ng itchura nila ng sabihin ko yun, niyakap lang ako ni inay habang iyak parin ako ng iyak.

Rachelle POV

Nakatulog ulit si tintin dahil sa kakaiyak niya, naawa ako sa kapatid ko... hindi niya desserve ang kahit anong pinagdadaanan niya, hindi ko nga maintindihan kung bakit napakadamot tadhana sa kaniya, ni ayaw siyang maging masaya.

“Oh anak saan ka pupunta? ba't ganyan ang suot mo” Puna ni inay nang makitang nakahoody ako na itim, naka pants.

“Basta nay... may gagawin lang po”

“Oh siya magiingat ka ha?” Umalis na ako agad at sinundan ko lang si janna kung saan siya pupunta.

Nagtungo siya sa gym, hindi muna ako gumawa ng eksena hanggang sa nagsimula na nga siyang mag excercise, lumapit ako sa kaniya at tinignan lang siya

“Wow naman.... wag kana magpafit janna, sexy kana.” Saad ko pa, napatingin pa siya sa'kin

“Ginagawa mo rito?” Nakataas na ngayon ang isa niyang kilay habang nakatingin sa'kin

“Wala.... gusto lang kitang iremind na mag-ingat, kasi janna alam mo ba? nagkalat ang mga ahas ngayon, wala na sila ngayon sa gubat, kaya mag-iingat ka” Kita ko ang pagkunot ng noo niya habang nakatingin sa'kin

“Anong gusto mong iparating sa'kin? hahahahaha for sure alam mo na rachelle, nagsumbong na siguro yung losyang mong kapatid sayo—” Sinampal ko siya at masama napatingin sa'kin, sasampalin niya rin sana ako ng nakailag ako at tinulak ko siya ng malakas, nakatingin na sa'min ang mga tao rito sa gym, nagbubulungan

“Alam mo matagal na akong nagtitimpi sayo eh, matagal ko ng gustong gawin sa'yo to janna pero pinipigilan lang ako ni tintin... pero ngayon? malaya na akong gawin sa'yo yung mga gusto kong gawin noon pa letche ka!” Sinampal ko ulit siya at napahawak siya sa pisngi niya habang nakatingin sa'kin, hinawakan ko ang buhok niya at tinayo, hinarap ko siya sa mga tao sa gym

“Ngayon gusto kong pagmasdan niyo ang pagmumukha netong taong 'to, hindi naman siya kagandahan diba? pero ang kapal ng mukha niyang traydurin ang kapatid ko, hindi kaya ni tina ang lumaban sayo kasi nirerespeto ka niya kasi tinuring ka niyang kaibigan! tapos anong ginawa mo? kumabit ka sa asawa niya? hahahahahaha nakakatawa ka janna, hindi mo kayang lamangan si tintin kaya inahas mo ang asawa niya?” Nagpupumiglas pa siya pero hindi siya makaalis dahil nasasaktan siya at hawak ko ang buhok niya

“For your information, kaya ko ng lamangan si tina, mas mayaman na ako sa inyo ngayon... kayang kaya ko na kayong bilhin!!” Diniinan ko ang hawak ko sa buhok niya

“Hindi mo kami kailangan bilhin, hindi mo kailangan pag-aksayahan ng pera, kapag bin4sag ko 'tong mukha mo, ito ang kailangan mong pag-aksayahan ng pera” Aambahan ko sana siya ng s4p4k ng sumigaw siya, binitawan ko siya at napatingin lang sa kaniya.  “Matuto kang lumugar, kabet kalang, at tandaan mo janna.... hindi parin magiging sayo si dave kasi kasal sila ng kapatid ko, ikaw? mananatili kalang kabet hahaha kawawa ka naman.”

Janna POV

Umalis na siya, napasigaw ako sa inis, bwisit na rachelle yan!! napahawak ako sa pisngi ko at napatingin sa mga tao dito sa gym

“Anong tinitingin-tingin niyo??!!! mga bwisit!!!” Sigaw ko pa sa kanila

“Ang tapang mo naman, ikaw na nga lang 'tong kabit” Saad pa ng babae at nagsimula na siyang mag gym, lalo akong nainis, hay0p na rachelle yan may araw yan sa'kin.

To Be Continued Chapter 23

Mrs. Fernandez Revenge (COMPLETE)Where stories live. Discover now